third set-THE PLAN

1.3K 22 0
                                    

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake)

-Third set

The Plan

BLAKE's PoV

Ano bang meron sa akin? Bakit ako nagalit sa kaniya? Dahil ba sa mga pinasasabi nung Minuru na iyon kanina?

*FLASH BACK*

Anu ba 'yan, iniwan niya talaga ako. Bat kaya biglaang nagalit iyon?

"Hindi naman habang buhay dapat nakaasa ako sa'yo. At isa pa, bukas-bukas magkakagirlpren ka kaya hindi ako dapat dumepende sa'yo. Mauna na ako sa school, BYE."

Hindi ko maintindihan. Ngayon lang siya nagkaganito. Nagmamatured na kaya siya?

"STORM!" Napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa Guardian name ko na pamilyar na boses.

Si Mist. Minuru ang code name niya sa text clan pero ang tunay niyang pangalan ay Limuel Jhon Cronos o baka naman Ren Matsushima o baka Jhonny Stepf Walker. Marami kasi siyang ginagamit na pangalan ayon sa mga nakalap kong impormasyon na hindi ko alam kung tama ba.

Ang alam ko lang misteryoso ang taong ito na mas matanda sa akin ng dalwang taon at may dahilan siya sa pagkakaroon niya ng ganitong karaming pagkakakilanlan.

Nasa koleheyo na rin siya tulad namin ni ANT kaya naman nakakapagtaka kung paano niya nakuha ang mga pangalang iyon ng hindi nalalaman ng may kapangyarihan sa lipunan.

Gayon pa man nagawa ko na siyang batiin, "Oh Mist? Anong meron?" tanong ko sa kaniya at nagsimulang maglakad ng nakapamulsa.

"Nabasa mo naman siguro ang txt ni Boss tama?"

"txt? Hindi e. Naiwan ko iyong mobile ko sa bahay baka mahalata niyang isa ako sa mga guardians." sa totoo lang dala ko naman iyong isa kong mobile phone pero tinatamad akong magbasa ng txt ni ANT sa clan. Gusto ko kasi ako lang ang txt niya.

Haitz. Pag-ibig nga naman. Kung dumapo, tusok na tusok at sapul na sapul sana 'sin lambing kami ng cheesse sa pattys at burger tulad ng paborito niya sa Jollibee.

"Sabi niya may meeting daw sa park mamaya. Mahalaga daw." paliwanag niya sa akin habang patuloy na kaming naglalakad.

"Paki sabi na lang hindi ako makakarating. Mago-online na lang ako sa lop top ko." malapit na kami sa may school at kanina ko pa napapansin na nagta-type siya sa mobile niya pero pinabayaan ko nalang.

"Galit siya." Nabigla na lang ako sa sinambit na iyon ni Minuru.

"Pabayaan mo na lang. Kanina pa galit sa akin yan e. Parang sinabi ko lang na sana sinabi niya sa akin na may homework siya hindi sana nagawa ko kaagad. Hayyy.."

Agad na paghila ng aking kuwelyo ang naramdaman ko kasunod ng isang suntok sa mukha ko.

"LOKO KA PALA E! HINDI NAMAN SIYA DAPAT UMASA SAYO PALAGI! NAGDADALAGA NA SI BOSS AT NAKIKITA NIYANG BALANG ARAW IIWAN MO RIN SIYA KAPAG NAGKA-GIRLFRIEND KA NA!"

Hindi ko alam kung saan ako nagulat, sa suntok ba niya o sa mga sinabi niya na sinabi din ni ANT kanina.

"Dyan ka na. Isipin mong mabuti ang lahat ng sinabi ko. Hindi na siya ang dating Antonnette na simpleng kaibigan mo lang. Mahal ko siya kaya sa oras na hindi mo siya sinunod ako mismo ang papatay sa'yo lalo pa't nasasaktan siya tulad ngayon."

Ano daw? Bakit mahal niya ang mahal ko?

Hindi ko napansin na natulad na ako sa ginawa niya sa akin kanina, ang pagkakaroon ng biglang bugso ng galit kaya nasapak ko rin siya.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon