CoL's POV
Natutuwa ako sa mga reaksyon ni BOOK ngayon, parang bumalik s'ya dun sa unang araw na nagkakilala kami. Ang cute n'ya talaga. Ngayon napagisip-isip ko na hindi ko kailangang magpanggap kapag nakaharap sa kanya. Kakaiba talaga ang BOOK ko, siya lang ang nakakaalam kung sino talaga ako. Kaya naman labis siyang importante para sa sakin.
Pagharap namin sa madla nakita namin ang dami ng mga sumusuporta sa amin. Marami sa kanila ay kilala ko.
Mga family members namin sila. Bukod pa sa kanila nakita ko rin ang mga kaibigan at pamilya ng Mafia Family ko na todo suporta sa amin ni BOOK. Nakakatawa nga kasi kakaunti iyong supporters n'ong iba. Nakikita ko na ang itsura ng flirt na Rita na y'on. Kapal n'ya, aagawin pa yata n'ya si BOOK sa'kin. Neknek nya lang, ako ang mahal ni BOOK. Teka sino nga ba ang may kagagawan nito?Iginala ko sa paligid ang mga mata ko at nakita ko sa may gitna ng mga tao sina mama at daddy. Kausap ni daddy y'ong isa niyang kaibigan at nakikita ko mula rito na naluluha siya. Ang astig pa rin ni daddy kahit umiiyak.
Galit pa rin kaya siya sakin? Sana hindi na.
"Sina mama." nasambit ko na lang tapos napatingin ako kay BOOK na namamangha ngayon. Maiyak-iyak pa siya sa dami ng supporters namin. As if namang hindi siya sanay sa ganito. =_____=
"Si tita?" tanong nya.
"Oo, siya ang may kagagawan nito. Kaya pala parati siyang wala e. Pati mga tito at tita ko na galing sa malayong lugar narito rin para sumuporta. Binili ata nila ang buong school." biro ko na 'yong huli at napangito ko si BOOK.
"Wow naman." 'yon lang nasabi niya.
Nagsilapitan na y'ong ibang sumayaw kanina. Sinimangutan naman ako nitong si Rita. Waka talaga 'tong sportmanship sa katawan.
Ini-announce na nila ang mga runner ups hanggang sa 1st runner up na at winner ang natitira.
At ang pair namin nina Rita at Vince ang pinagpilian.
At first hindi talaga ako kinakabahan pero n'ong makita ko ang mukha ni BOOK kinabahan na ako. Para sa kanya kasi ang laban na 'to. Kaya ko 'to ginawa para sa kanya. Taon na din kasi ang lumipas noong nasa Yokai World ako kaya naman nalimutan ko na ang tungkol dito. Ipinaalala lang sa akin nung master shinigami dalawang bwan bago ako umalis roon.
MAHALAGA TALAGA ITONG SAYAW NA ITO SA KANYA. Yan ang tumatak sa isip ko ng mga sandaling iyon. Pero bakit? Anong meron?Tinawag na ang 1st runner up at kami nga ang nanalo. Biglaan akong niyakap ni BOOK tapos lumapit sa mga nagbibigay ng award. Natabunan siya ng mga tao kasi nagsi-akyatan sina mama at ang ilan sa Mafia Family ko.
Puro congratulation lang naman ang naririnig ko sa kanila.Patuloy ko na lang hinanap si BOOK tapos nakita kong may malaking asul na teddy bear na naglalakad. Ay mali, may nagdadala pala rito.
Napahawak na lang ako sa bibig ko at pilit na pinipigilang tumulo ang luha ng makita kong papalapit to sa akin at si BOOK ang may dala noon."Para sa'yo iyan Col, 'yan ang dahilan kaya pinagbutihan niya ang lahat ng insayo ninyo." bulong sa akin ng ketekyo ko na si Mr. Navarro.
"Happy birthday ANT. Ito sana ang regalo ko noong nakaraan mong birthday kaya lang nabili na agad ito ng school para sa event kaya ginawa ko lahat para makasayaw ka at manalo tayo rito." sabi nya tapos inabot 'yong bear sa akin. Ang liit ha. Human size. T^T-tears of joy.
"E-E pano p-pala kung *sob* hindi tayo nanalo?" hindi ko napigilan luha ko habang sinasabi ang nararamdaman kong halo-halo na. Nagputol-putol tuloy ang maganda kong boses.
"Edi, pababayaan ko na lang."
Sinimangutan ko nga s'ya sa biro niya.
Kainis siya kala ko may gagawin siya para sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AdventureMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...