twenty eight set- our new friendship. Move on na nga ba?

151 4 0
                                    

“Mabuti pa sumama kayo sa amin. Doon tayo sa palasyo at kung maari tigilan nyo na ang mga ganyang titig nyo sa pakpak ko, kayo rin baka di ako makapagpigil, pugutan ko kayo ng ulo.” Napakisap na lang ako sa mga sinabi ni Shiyan.

Palasyo, totoo kaya? Sa itsura ng lugar na ito out of place na ang mga pala-palasyo na ‘yan. Pero dahil nga walang ibang sasakyan dito maliban sa mga cart na may dalang gulay dapat siguro hindi ko na pagtakhan ang ganoong bagay.

Napilitan na lang kaming sumama, total naman wala rin kaming ipambabayad doon sa mga humahabol sa amin e.

“Nandito sila!!” napalingon kaming lahat sa sigaw na iyon at agad kaming tumakbo. Sa kasamaang palad napalibutan kami nung syam na makukulit ang lahi. Nakakabwisit na. Bakit kasi doon pa kami natulog at hindi ko pa naprotektahan kaagad ang mga kasama ko.

“Anong nangyayari dito? Bakit nyo sila hinahabol?” Galit ang tono ng pananalita ni Shiyan hindi nya yata talaga nagustuhan ang pagmumuha ng mga gwardyang naka-armor na ito.

“Ang lalaking iyan ang napili ng mahal na prinsesa para pakasalan nya.” Tss, hayan nanaman yung lalaking kung maasta akala mo sobrang gwapo nya. Maspogi pa nga sa kanya yung mga bata sa pamilya namin e.

Tumingin sa akin si Shiyan at umiling naman ako. “Ako na ang bahala sa kanya. Makaka-alis na kayo.”

“Pero kamahalan ang prinsesa ang nag-utos na--”

“At ako ang kapatid ng prinsesa, makaka-alis ka na.” madiin ang bawat salitang sinabi nya, kahit si Minuru ay namangha sa angking katangiang magpasunod ni Shiyan.

“M-Masusunod.” Tumungo ng kaunti ang lalaki tapos bahagyag padabog ang ginawa nyang pagtalikod at unti-unti na silang nagsi-alisan sa harapan namin.

Noong makalayo na ang arm force of the Phillipines, hehehe, joke lang. Mga sundalo ata sila sa lugar na ito e. Humarap sa amin yung syam. Wala munang nagsalita ng ilang minute hanggang sa binasag noong yellow green ang buhok na si CC ang katahimikan. “Mukhang, nagustuhan ka ng prinsesa.” Normal lang ang tingin niya. Katulad pa rin ng dati pero kakaiba pa rin ang gustong ipahiwatig ng boses nya.

Pumunta kami sa tinatawag nilang “palasyo”. Malaki at malawak ang lugar. Mukha rin syang Malakanyang pero sobrang taas at kulay sinauna ang mga baton a iminolde nila sa tabihan ng mga pintuan.

“Welcome sa palasyo.” Bulong ni Shiyan sa akin. Nakangit sya at nagpatiuna sa paglalakad. Katabi niya si William na katabi naman sina Naruto at Sasuke. Sa kanan naman kaliwa naman ni Shiyan ay sina Cress at Yoichi.

“Bakit baa ng tagal nyo?” isang babae na naka-braid ang buhok ang nagsalita noon. Pula ang buhok nya at nakasuot din sya ng pulang Chinese clothing. Sa pagkaka-alam ko sa lalaki dapat iyon e.

“Pasensya ka na Ranma, nakasulobong kasi namin sila sa daan at dahil na rin sa kabagalan nina Yoichi at Cress.” Paliwanag sa kanya ni William.

“Sus, pinagtakpan mo pa yung dalawa. Sigurado akong may ginawa nanamang kung anong kamunduhan yang dalawang yan.” Sabi nung Ranma. “Hoy ikaw anong tinitingin-tingin mo dyan?” napawi ako sa iniisip ko ng tingnan nya ako ng masama.

“Ah, wala, para kasing nakita na kita e.” sabi ko na lang. Pamilyar talaga sya e.

“Hahaha, sino bang hindi makakakilala sa kanya?” si Naruto iyon na tumatawa. Napatawa na ring yung iba kahit na ako’y nagtataka.

Nagsitaasan kami ng kamay ng mga kasama ko.

“Totoo? Hindi nyo sya kilala?” sa pagkakataong ito si Faye na ang nagsalita. Hindi naman kaya siya ang may-ari nitong white house? Imposible. E pano kung sya ang prinsesa? Weee, ganyang ugali prinsesa? DI nga? “Sya si Ranma ½. Kilala sya bilang magaling na mandirigma ng palasyo.” Sabi pa ni Faye with “Duh” look on her eyes.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon