Chapter 13

140 1 0
                                    

"Baby Ashhhh!"

"Ano na naman ba, kuya?"

"Ikaw mag-urong."

"Bakit ako? Kahapon ako na nag-urong eh."

"Babayaran kita."

Ano ko bayarang babae? Tusukin ko yang ngala ngala mo eh. Hindi na lang ako nagsalita at tumalikod na para bumalik sa kwarto.

"Hoy Ashley Joyce! Bumalik ka dito!"

Ayoko. Manigas ka dyan. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Alam kong may problema ka. Hindi mo tinatanggihan yung alok ko dahil alam kong may pinagiipunan ka!"

So? "Urungin mo na nga yun. Papagalitan ka ni mommy."

"500. Full. Ibibigay ko sayo ngayon din kapag ikaw nagurong." Bigla akong napatigil.

"Sabi na eh. Di ka makakatanggi!" Nilingon ko siya.

"Akin na muna yung limang daan." Hindi ako bayarang babae. Yung pera na ang lumalapit. Di to dapat inaayawan.

Kinuha niya yung wallet niya sa bulsa niya, at binuksan.. Ghaaad. Ang kapal ng wallet. Bat ang daming pera ni kuyaaaa? Wallet ko limang piso na lang laman. *sniff *sniff

Kinuha niya yung tig lilimang daan, at binilang, 10k. Nanlaki mata ko. Ang dami. Langya. Bente lang yung binayad sakin nito nung isang araw nung ako yung pinaglinis niya ng kwarto niya. Dami pa namang kalat. Geez. All along, iniisahan ako nito.

"F*ck you, alexander!"

"Kadiri ka. Di kita papatulan. Magkapatid tayo at hindi ka hot at sexy." I mouthed another curse. Walanghiya talaga tong kapatid ko.

"That's not what I mean. Curse you. Limang libo ibigay mo sakin ngayon. Kundi.. Hindi ko yan uurungin."

"De wag! Arte nito." Pumunta na siya sa may lababo. Tumalikod na rin ako para bumalik sa kwarto.

"Teka, baby ash!"

"Hui! Heto na yung limang libo mo urungin mo lang to. Sobrang dae pala eh."

"I-akyat mo sa kwarto ko yung pera. Mamaya ko uurungin." Sabi ko bago isarado yung pinto. Ang mga lalaki nga naman, walang inuurungan. Literally, urong talaga.

Hinanap ko agad yung phone ko at nakitang may apat na messages, tatlong missed calls. Inopen ko isa isa yung message.

Galit ka ba? Sorry talaga. Promise babawi ako bukas. Totoo. Sorry ha.

Fr: Tanya 

Received 7:17 pm

Ha? Ano ba pinagsasabi nito? Nag-aadik lang?

Wala kang load? Magpaload ka nga! Replyan mo ko!

Fr: Tanya 

Received 6:58 pm

Natawa naman ako dun. Boss?

Beps, di pala ako makakapunta. Nagkaroon ng problema dito eh. Sorry ha. Bawi ako bukas. Over night ako dyan. Paalam mo ko kay tita.

PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon