Pinagisipan ko talaga tong mabuti kagabi.
Halos mapiga na yung tuyot kong utak sa kakaiisip.
Kaya kinabukasan, hindi na ako nag-aksaya ng oras, pagkapasok na pagkapasok palang sa classroom, lumapit agad ako sa assistant director para kausapin siya.
"Pwede ba tayo mag-usap?"
"Si-si-sige po." I shake my head without her noticing. Takot sakin? Grabe naman. Di naman ako nangangain ng tao. Nangangagat, pwede pa.
Bitbit-bitbit pa rin ang bag, niyaya ko siya sa labas ng classroom para doon mag-usap.
"Okaaay. Straight to the point na.. Una, I'm really sorry. Tuwing nagpapraktis, walang natatapos ang klase dahil sa akin. Pinag-isipan ko itong maigi kagabi so I've came up with the decision that.." huminga ako ng malalim..
"hindi-"
"TanyaPlease.Wagmongsabihingpatiikawmagquiquitnadin. Parangawamona. Walakamingipapalitsayo. Pleasegiveussomeconsideration." mabilis niyang sabi na hindi ko na nasabayan at nacomprehend yung mga sinabi niya.
"Ano ulit yun?" I asked her. Nagwait sign siya sa akin. Ngayon, hingal na hingal siya. Adik lang kase?
Isang malaking paghugot ng hangin ang kanyang ginawa bago sabihing, "Ang ibig kong sabihin, gusto ng buong klase na ikaw ang pumalit na direktor. Sana okay lang sayo at sana pumayag ka." Matapos niyang sabihin yon, ay napayuko siya. She really looked upset. Nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam kung pano siya tatanggihan.
Oh gosh.
But I shouldn't let that change my decision.
"Please?" Nagulat ako ng napatingin ako sa mata niya na nangingilid na ang luha.
"Sorry.." sabi ko at naiyak na nga siya. Tumalikod na ako.
...
"Pag-iisipan ko muna."
***
Argh. Bakit ba ang bait bait mo, Tanya? Naaabuso ka tuloy. Bakit mo kailangang akuin ang iniwang trabaho ng best friend mo? Hindi mo responsibilidad iyon.
BINABASA MO ANG
PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIEND
FanfictionISANG WEIRDONG ISTORYA NA MAY WEIRDONG MGA CHARACTERS. "Yung feeling na sinusuyo ka ng past mo, habang m.u. kayo ng present mo at makikigulo naman ang sinasabing future mo. SAYA SAYA DI BA? Napaka-active ng love life mo. At ang nakakapagtaka dito, l...