"Good morning, babe." Oh. Damien.
"Good morning din." ...
"Yun oh! Tanggap na tanggap na talaga. Naaaaaks!" napatingin ako sa kanya. Di na tulad ng dati na nanlilisik, mapaglaro na ngayon ang aking mga tingin. "Tch. I'm just used to it. Halos dalawang buwan mo na ata akong kinukulit eh." Ngumiti ako.
Yes, simula nung time na sinabihan ko siya na wag siyang lumayo sakin, tinupad niya yung promise niya na yun. Mas naging kaclose ko na siya na dumating na sa point na best friend na yung tingin ko sa kanya. Kapag may problema ako, lumalapit ako sa kanya. When I need a hand, he's always there to help. Para akong may kuya na laging ready magtanggol. Overprotective, sweet and kind. Pero minsan, syempre di mo maiiwasang mainis sa kakulitan. Lalaki pa rin naman siya. But overall, it really feels good to have a boy best friend.
"Talagang binibilang mo, huh?" he asked, amused. "Ikaw ba naman ay halos araw-araw binubulabog ng isang Mark Damien Concepcion." sabi ko habang napapailing.
"What do you mean? At binubulabog talaga, ha?" nakangiti niya namang sabi. "Bakit? Hindi ba?" tinitigan lang niya ako.
*moment of silence*
"Malusaw ako niyan, oy!" natatawa kong sabi.
"oy!"
"hui!"
"damien!"
"Gumising ka nga! Pinagpapantasyahan mo na naman ako. Grabe ka!" Nilakasan ko na ang pagkakasabi habang inalog-alog siya nang bumalik na sa sarili.
"ha?" sagot niya. tinitigan ko lang.
"hindi ah!" ...
"joker ka talaga." ...
"ahehe." ...
...
*moment of silence again*
"tch. kahit kelan ang weird mo." ang tangi kong nareply sa kanya. "kaya nga naging close tayo." sagot naman niya. tinaasan ko ng kilay. Kung hindi lang to patay na patay sa best friend ko, nakooo! aakalain ko talagang may gusto sakin tong mokong na to. Hahaha. Choss
"Alam mo, parang di naman effective yung ginagawa mong pagpapaselos kay Ash, eh. Kailangan kasi, may gusto muna sayo yung girl. Eh, sa case mo hindi eh. Masaya pa siya na malaman na super close nating dalawa. I really feel bad."
"You feel bad because you think I feel awful? Aww. How taughtful." Siya habang nakangiting wagas.
"No. I feel bad kasi feeling ko, niloloko ko ang best friend ko sa pagsakay ko sa mga trip mo. And wag ka ngang gumanyan. Kinikilabutan ako pag nageenglish ka eh. Iba yung dating talaga sakin."
"Anong dating? Malakas ba?" Binaba taas niya ang kilay niya at nagpacute. Tch. "Humangin na naman ng malakas." Sabi ko sa tonong mapang-asar.
"Tara na nga. Baka magbago pa ang isip kong ilibre ka." Akala mong tunay kung mainis. Haha. Pacute lang. "As if naman matitiis mo ko. Ede ginamit ko sayo kamachohan ko." i said, mocking him.
***
Pagdating sa mall na madalas naming puntahan nila Damien.. katulad ngayong weekends..
"Oyyyy. Si Ashley yun dibaaaa?" Sabi ko kay damien habang hawak hawak yung manggas ng polo shirt niya at inugauga.
"Oo, nakikita ko. Hindi ako bulag." Mabitter bitter niyang sabi. Weirdo. Tatawagin ko na sana si Ash nang mapansin kong may kasama siya..
"Uyy! Ang gwapo naman ng kasama ni Ash. Kaya pala bitter yung isa dyan. Ahem." Hahaha. Ang sarap lang inisin ni damien. "Mas gwapo pa ako dun eh." Narinig kong bulong niya. I scoffed.
BINABASA MO ANG
PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIEND
FanficISANG WEIRDONG ISTORYA NA MAY WEIRDONG MGA CHARACTERS. "Yung feeling na sinusuyo ka ng past mo, habang m.u. kayo ng present mo at makikigulo naman ang sinasabing future mo. SAYA SAYA DI BA? Napaka-active ng love life mo. At ang nakakapagtaka dito, l...