Medyo madilim.. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nagpanic ako. I tried to get off pero sa sobrang sakit ng katawan ko hindi ako makabangon man lang. Inilibot ko na lang ang aking tingin. Mukha namang normal na kwarto lang. Malinis at maayos. I checked the time sa orasan na nakita ko sa side table, 4:35 am. Ang aga ko namang magising.
Naramdaman kong bigla na lang may gumalaw sa kinahihigaan ko.
Teka! Teka!
Kinilabutan akong bigla. Parang ganito ata yung napapanood ko sa Paranormal Activity, yung bigla ka na lang lilipad sa kwarto (Medyo masakit po sa katawan). O Shutter? (May nakadagan na pala sakin hindi pa alam.) Maybe Insidious? (Yung nakapalibot na sakin yung mag-anak na patay?) O baka naman the Ring? (hindi naman ako nanuod ng video tape) Eh pano kung si Shomba ng Coming Soon?
Hindi. Sure na. The Conjuring ang peg nito.
Nanginginig na ako sa sobrang takot at pinikit na lang ang mata. Ano ba tong iniimagine ko. Si Lord na bahala sa akin.
Nakaramdam na lang ako ng malamig na kamay sa noo ko. Doon na ako naghysterical.
"Wag na wag kang lalapit sakin! Lumayas ka!" Pumikit ako at gumawa ng cross shape gamit ang kamay na tinapat ko sa kanya.
...
HAHAHAHAHAHAHAHA.
HAHAHAHA.
Nag-echo sa buong kwarto ang tawa ng masamang nilalang.
...
"Binabangungot ka pa ata." ang sabi niya.
That voice..
Bigla kong binukas ang mata ko. I'm right. Si Kiefer nga.
Parang bigla akong nagkalakas at nakabangon ako mula sa pagkakahiga. Lumukot naman ang mukha ko sa sakit na naramdaman ko pagkabangon. "Wag mo kasing pilitin kung di mo kaya." Ang yabang talaga nito pag nagsasalita. Di ko pinansin yung sinabi niya.
BINABASA MO ANG
PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIEND
FanfictionISANG WEIRDONG ISTORYA NA MAY WEIRDONG MGA CHARACTERS. "Yung feeling na sinusuyo ka ng past mo, habang m.u. kayo ng present mo at makikigulo naman ang sinasabing future mo. SAYA SAYA DI BA? Napaka-active ng love life mo. At ang nakakapagtaka dito, l...