GRABE!!!! Kanina pa ako naglalakad ng paikot ikot dito. Kinakabahan ako para kay Paul.
Binuksan ko 'yung phone ko at tinignan yung oras. 12:45
15 mins pa pala.
Ibabalik ko na sana 'yung phone ko sa bulsa nang biglang tumunog ito at nagflash
*1 message received*
Binasa ko.
Fr: Abo
Punta ka na dito. Handa na lahat
Nagreply ako ng okay at naglakad na papunta ng gym.
"Wait lang Tanya!" napalingon ako sa likod ko.
"Pinapatawag ka nga pala ni Sir Benedict." hingal niyang sabi.
Teka. Sir Pete Benedictos? 'Yung club adviser namin sa choir?
"Oh? Bakit daw?'
"Ewan ko. Basta punta ka daw sa faculty. Now naaa.." at sabay nilayasan ako.
Tsk. Bilisan ko na nga. Baka hindi ko pa masimulan 'yung pageant.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako?"
"Ay, oo. Sige. Maupo ka muna."
Ay shupatemba. Mukhang magtatagal pa ata ako dito.
"Ay. Hindi na po. Ok lang po. Sir, ano po ba 'yun?"
"Maupo ka muna bago ko sabihin."
"Hindi. Okay lang po talaga sir. Atsaka kelangan ko pa po kasi pumunta sana sa gym. May iuutos po ba kayo?"
"Sige na. Maupo ka na muna."
Okay. Fine. Kung 'di lang ako nagmamadali, Sir. Nakoo..
*Sigh*
Umupo na ako.
"Tanya.."
"Yes, Sir?"
"Kasi.."
Ay anak ng pancake. Sir, diretsuhin niyo na. Nagmamadali 'yung tao eh.
"Sir, ano po ba 'yun?"
"Ganito kasi. Naimbitahan tayo na magperform sa may Palawan. At sagot nila 'yung pamasahe at tutuluyan 'don."
"Good news pala sir eh. Eh, bakit parang problemado ka?"
"Yun nga eh. Naka-oo na ako. Kaso tumawag sila kanina. Kulang na daw pala 'yung budget nila, tapos tinanong kung tutuloy pa daw ba, at sinabi kong oo. Alam mo naman ako, kapag naka-oo na. hindi ko na binabawi. Kaya, apat sa inyo ang di makakasama sa mga senior members."
"At kasama po ako dun sa apat? Ganun ba?"
"Ah. Eh. Ano kasi.. Magaling ka talagang mang-aawit. Marami ka pang mararating lalo na't 3rd year ka pa lang. So ang hiling ko lang sana ay pagbigyan na natin 'yung mga seniors niyo na sila ang magperform dun sa Palawan. 'Wag kang mag-alala, marami pang chances next year sa inyo. Sinisigurado ko 'yan. Mas marami pa. Pramis. 'Wag sana kayo magquit dahil don."
BINABASA MO ANG
PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIEND
FanfictionISANG WEIRDONG ISTORYA NA MAY WEIRDONG MGA CHARACTERS. "Yung feeling na sinusuyo ka ng past mo, habang m.u. kayo ng present mo at makikigulo naman ang sinasabing future mo. SAYA SAYA DI BA? Napaka-active ng love life mo. At ang nakakapagtaka dito, l...