Chapter 8

293 4 3
                                    

Dedicated kay paupau1016. Salamat po sa laging pagvote at pagbabasa. Ang bait mo po sa akin. God bless! Sana magustuhan mo 'tong chapter na 'to. :)

***

Kiefer's P.O.V.

"Uy, dito pala nagkaklase sila Thea ng English nila?" sabi ni Otep, Joseph (Otep) Cadayona. Best bud ko. Si Altheia Nica Cruz, kaklase ni Tanya, crush niya simula 2nd year pa. Maganda, oo, pero di ko type. Iba gusto ko eh. Gusto ko 'yung mga medyo chubby para masarap yakapin. 'Yung mahaba 'yung buhok. 'Yung maganda pero hindi maarte. 'Yung simple. 'Yung matalino, talented at syempre mabait.

And lastly, 'yung cool. Katulad ko.

Gusto ko nakakasabay siya sa mga gusto ko.

'Yung parang si..

Tanya San Jose.

Katulad ni Otep, noong sophomore years ko pa siya naging crush. Naghahanap kami noon ng magagandang babae sa mga freshmen. Natyempuhang kalapit namin sila ng room non. Time 'yun ng math namin, geometry. Wala yung teacher kaya tambay sa labas ng room. Saktong wala rin ata silang klase non. Jamming sila ng mga kaibigan niya, habang kami naghahanap ng chicks. Nung binigay na sa kanya 'yung gitara at nagstrum siya ng G chord, hindi ko maalis 'yung tingin ko sakanya. Di ko alam. Parang may nagsasabing panuorin ko siya. Bago kumanta ay umubo muna siya.

*AN: Ginamit ko muna 'yung kanta ni Julie Anne San Jose na Baby You Are para medyo realistic naman kahit papano 'yung pangyayari. Haha.

"You are my only.. You are the one.." panimula niya. And I was like, ang ganda naman ng boses nito. Patuloy ko siyang pinakinggan. Iniisip ko kung ano title nung kanta pero hindi talaga siya pamilyar. Siguro, gawa lang niya. Wow. Ang galing. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang kantahin niya 'yung chorus ata. Ang mga katagang naalala ko talaga ay ito..

"Every time I see you near,

I wanna be close to you but how can it be?

'Coz I know it's impossible to make it happen.." D chord. Down-Down-Down-Down-Down na strum.

"But still you are.."

Bawat pagsambit niya ng mga salita ay tagos sa puso. Parang may pinanghuhugutan. Sa time na 'yun, alam ko sa sarili ko na naaattract na ko sa kanya. 'Yung totoo, at first, nagandahan lang ako sa boses niya. Pero nung bigla niyang binaba 'yung gitara, sabi ko sa sarili ko, nakakabitin naman. Kaya't sinundan ng mga mata ko 'yung sumunod niyang ginawa.

"Anong nangyari? Anong masakit?" tanong niya dun sa.. lalaking nadapa.

"Ano ba. Nadapa na nga 'yung tao, pagtatawanan niyo pa." sabi niya sa mga taong nakapaligid at pinagtatawanan 'yung lalaki. Mukhang lampa naman kasi 'yung lalaki. Imba. Nerd.

"Lalampa lampa kasi!" sigaw ni Otep. Sheep. Agaw pansin naman. Siniko ko para tumahimik at sinabihang wag na makielam. "Lahat ng tao nadadapa. Lumalakas at nagiging matibay kapag may mga magtuturo at tutulong sa kanilang tumayo at bumangon. Wag kang mag-alala, Kuya. Pag ikaw naman ang nadapa, tutulungan din kita. Kung.. sakaling pagtatawanan ka lang din nila." sagot niya sa kaibigan ko habang tinutulungang tumayo 'yung lalaki.

Napako ang tingin ko sa kanya.

Di lang talented, mabait at matalino pa.

Total package, dude.

.

.

.

.

.

.

"Natulala ka na naman dyan, bro."

"Ha? Ano nga ba ulit sabi mo kanina?"

PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon