Chapter 14

129 1 0
                                    

TANYA'S POV

Almost a week passed.

Sa darating na weekend, start na ng actual practice namin for the play. Pinolish na lahat---scripts, props at costumes. Nagtulong tulong na ang lahat sa paggawa para ang iintindihin na lang namin ngayon ay ang pagpapraktis ng act at delivery of lines. Time ng english namin ngayon kaya ang inaatupag namin ay tungkol sa play lang. We tried to excuse the whole class sa buong araw para hindi bitin but sabi ng mga teachers, papayagan lang daw kami ma-excuse a week before the play. Well, we have three weeks pa para mapaganda ang play nato para ipangtalo sa ibang sections. Yes, this annual play is a competition. May prize. Pero hindi iyon ang habol namin, maliit lang naman yung cash na ibibigay kumpara sa ginasta namin para sa props at costumes. Ang habol namin talaga dito ay maibalik yung victory sa amin. Last year natalo kami ng section III sa overall best play. Di matanggap ng adviser namin kaya binabaan kami ng grades. How unreasonable. Kahit supposed to be mataas ang grade namin sa subject niya, binabaan niya. Umabot pa sa puntong ipinahiya niya yung misming direktor.

*sigh*

Nakita kong papalapit sa akin yung assistant director ng klase.

"Miss Tanya. Eto na po yung script." I stared at her. Nanginginig niyang iniabot sakin yung makapal na papel na hawak niya.

"Thank you." At tinanguan niya ako. Halos lahat takot sa akin ngayong lumapit. Ayaw lang siguro nilang mangyari ulit yung nangyari dati. I scanned the script. Mahaba haba halos lahat ang mga linya.

"Ping, you are the craziest man I've ever met, and for that I owe you my life. From now on, you have my trust." Tumingin ako sa nagsasalita. Si Damien, binabasa yung script. I suddenly become irritated. Right. Siya yung napiling male lead.

"OKAY. OKAY. LAHAT NG CASTS, MAGTIPON TIPON KAYO DITO. Rehearsal ng pagdedeliver ng lines!! At para sa iba, please tumahimik muna!" Sigaw ni Ashley habang ipinapalakpak ang kamay. Siya ang napiling direktor ng klase. Sumunod kami sa kanya at nagtipon tipon na.

"Mulan, ikaw ang first line." Sabi ng direktor. Tinignan ko siya bago tignan yung script. Huminga muna ako ng malalim bago binasa yung linya..

"Ang pangit! Ayusin mo nga!" Iritableng sabi sakin ni Ashley. I glared at her. She glared at me. Lagi na lang mainit ang ulo nito.

"Ulitin mo." I did what she said but she's still not satisified. Sinadya ko na pangitan na sa sumunod yung pagbigkas ng linya.

"For goodness sake! Simula pa lang tayo, nagtatagal na agad? Yung gumaganap ng Mulan, hindi ba pwedeng mas emotional at mas soft yung delivery? Ang tigas! Ang pangit pakinggan!" Idinabog niya yung script na hawak niya at tumayo. "Kung ayaw mo nung role, ibigay mo sa iba." sabay walk out. Makapal pa rin ang tensyon miski umalis na siya. Tumingin ako sa iba, umiiling sila hanggang mapatingin ako kay Damien. Tumayo siya. Siguro, susundan niya si Ashley. Napayuko ako. Kasalanan ko na naman..

I was in deep thought when I felt someone nudged me. Iniangat ko yung ulo para tignan kung sino. Si Damien. He smiled then whispered, "Wag mong ipamigay. You suit the role. Totoo sinasabi ko. You delivered the lines very well."

Tumingin ako sa may pinto. I understand her.

Katulad nung iba, ayaw lang niya maulit yung dati. Ayaw nilang mapahiya ulit. Ayaw nilang maliitin ulit dahil alam nila sa sarili nilang kayang kaya naman nila.

PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon