"Uy. Alam mo na ba 'yung balita?" rinig ko sabi nung isang babae sa may harapan namin ni Ashley. Papunta na kami sa klase namin sa English.
"Anong balita?" sabi nung isa. Binagalan ko 'yung lakad ko. Si Ash, ayun tuloy tuloy sa pagalalakad. Hinatak ko nga. Haha.
"Bakit ba?!" tanong sakin ni Ash.
"Shhhhh. Ingay palaaa." pabulong na sabi ko at sumenyas na tumahimik siya.
"Ang gagwapo ng mga kasali sa pageant na inaasikaso ng AP dept. 'Yung Mr. & Ms. UN 2011" sabi ni ateng isa na nakasuot ng baller na batman.
"Tungak. Malamang. Pageant nga diba? Syempre, kasama dun yung looks." sabi naman ni ateng pangalawa na suot suot naman ng baller na superman.
"Eh bakit 'yung iba? Panget na nga sumasali pa din." sagot nung isa.
Makasabi naman si ate ng panget. Wagas! Ikaw na maganda!
"Pero alam mo ba na ano.."
"na ano?"
'na ano.."
"na?" ay. pabitin epek pa.
"Kasama daw 'yung Paul ng section 4-C." sabi nung isa na namumula pa na parang kamatis.
"Uy! Gwapo 'yun! Crush ko 'yun eh!" ateng pangalawa.
"Yep! Crush ko din 'yun eh. Haha." aba. tumawa pa.
"Sorry, mas crush ko 'yun noh!" sabay hawak pa sa mukha niya. parang epileptic..
"Nauna ko naman maging crush 'yun noh. Since first year pa."
"What? Ba't 'di mo sinasabi sakin? Bff tayo ah!"
Magsabunutan pa kayo. Ede mas masayaaaaaaaaaaaa.
"Kala niyo naman kung sino. Hello? Nandito ako noh. Eto lang 'yung girlfriend oh!" sabi ko ng mahina sa sarili ko habang papalayo sa dalawang bruha.
"What? Ba't di mo sinasabi sakin? Bff tayo ah!" sabat ni Ash habang sinusundan ako.
Ang sarap iuntog sa pader nitong babaeng ito. Hoooooooo.
"Tumigil ka nga. Para kang epileptic katulad nung babae kanina."
"Mas maganda naman ako dun noh."
Sabi mo eh.
***
Tapos na ang English. Papasok naman kami para sa susunod na subject namin.
"Kamusta ka na, babe?" bumungad sa'kin pagkapasok ko pa lang sa pintuan.
Hutang na loob at hutang na labaaaaaaas. 'Di ba talaga ako nito titigilan?
"Pwede ba Damien, tigil tigilan mo na ako. Baka akalain pa nila na tayo."
Psh. Excuse me lang. May boyfriend na ako.
Mas gwapo pa sa'yo.
"Eh de maganda." sabay ngiting nakakalusaw. Sorry, di yan effective sa'kin.
"Guys, bagay ba kami ni Tanya?" tanong ba naman niya sa buong klase. Kahiya 'to! Buset. Aba't tumungtong pa sa lamesa. "Whatchathink, guys?"
Lumingon lingon ako sa paligid.
Hindi para tignan ang reaksyon nila, kundi para maghanap ng bagay na maibabato sa pagmumukha niya. Ayun! Trash can. Swak na swak.
"Baket? Kayo na ba?" tanong nung isa naming kaklase. Makaintriga naman. Kapag nagtanong ng ganon, kami na agad? Di ba pwedeng nanlalandi lang muna? Echos ka, ha. 'Di pa nga nanliligaw eh.
BINABASA MO ANG
PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIEND
FanfictionISANG WEIRDONG ISTORYA NA MAY WEIRDONG MGA CHARACTERS. "Yung feeling na sinusuyo ka ng past mo, habang m.u. kayo ng present mo at makikigulo naman ang sinasabing future mo. SAYA SAYA DI BA? Napaka-active ng love life mo. At ang nakakapagtaka dito, l...