Prologue

195 10 2
                                    

The names, characters, places, businesses, and events are all authors product of imagination.
Any resemblance from other people living or dead are coincedentally happens.

A/N Sorry for the grammars and for the typo errors.
Enjoy Reading.

(PROLOGUE)

Bwiset.

(POV) Annya Alexa Solis. Valderama, 17 years old, 2nd year college, Business Administration.

Ay naku! Peste talaga yung lalaki nayun ang sarap niyang hampasin nitong cartolina na hawak ko. Kung hindi lang talaga siya pinsan ni Jean. Matagal ko na siyang binalian ng buto.

"Huy, anong nangyari sayo at nakasayad sa lupa yang nguso mo"

Nagulat ako nang biglang tapikin ni Jean ang likod ko. Siya si Jean Patriz Alcaraz best buddy ko since high school pero hindi ko siya classmate kase 3 years older siya saakin. But she know me more than my parents. At lahat ng sikreto ko alam niya, actually mas ate ko pa siya kesa kay ate Anikha my eldest sister she's 24 years old at business woman na siya.

"Pano ba naman kase yang pinsan mong hambog"

Sabi ko habang mina-murder ang hawak kong cartolina.

"Ano nanaman ang ginawa ng mokong nayun?"

Oo pinsan niya ang lalaking sumira sa araw ko. Siya si Clark Ashton Monterial ,
18 years old isang sikat na freelance model at blockmate ko siya.

"Pano ba naman kase hindi niya man lang ako tinulungan na pulutin ang gamit kong inilaglag niya arggg nakakabwisit"

Sabi sabay hampas ng cartolina sa sahig.

"Naku humanda talaga sakin yun pag nakita ko yun, pipingutin ko talaga yun"

Sabi niya habang nagha-hand gestures na pumipingot. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hayaan mo na yung mokong nayun, naku kung hindi mo lang pinsan yun at kung hindi lang ako matu-torture ng mga fans niyang akala mo foundation day araw-araw, kung makapagmake-up eh" Sabay sukbit ng bag ng padabog at muli akong nagsalita "Matagal ko nang itinupi sa apat itinapon sa bermuda triangle! Nang mawala na sa landas ko!"

Sabi ko sabay tayo paalis sa bench agad naman na sumunod si Jean saakin at nag-ayang pumunta ng cafeteria.

Habang umu-order siya ako naman ang humanap ng pwesto namin. Pagkatapos niyang bumili kumain na kame. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain nag-open siya ng topic.

"Alam mo Prend hindi mo na dapat pinapansin yung mokong nayun, magiging cause lang yun ng pangnunuya niya sayo lalo eh" Sabi niya at itinuloy ang pagkain.

"As if naman papa-apekto ako dun, nakakainis lang kase talaga, halos araw-araw niyang sinisira ang araw ko"

Sabi ko habang nilalaro ang tinidor na hawak ko. May bigla namang humawak sa balikat ko, paglingon ko si Clark - Peste of my Life - Gwapong demonyito. Wait let me crop the gwapo Hahahaha. Hinawakan ko ang kamay niya at ibinagsak ito saka ako tumayo at humarap sakanya.

"Hey, Man who gave you a permission to touch me huh?" Sabi ko habang nakataas ang kilay.

"Oh c'mon Lady I know that you likes me, don't deny it"

Sabi niya At hinawakan ang dulo ng buhok ko pero tinabig ko ito at itinulak ko siya ng bahagya saka nagsalita.

"In your dreams, don't touch me evil!" Nagtawanan at nangantyaw pa ang mga kateam mates niya.

"Wala ka pala captain eh" Kantyaw ni Marco isa sa mga kasama niya. At sabay-sabay silang nagtawanan.

"What if I kiss you? Anong gagawin mo?" Sabi niya ng may pagyayabang at pang-aasar sa tono. Nangulili naman ang tenga ko sa sinabi niya.

"Letche, Pwede ba Clark maghanap ka ng iba mong pagtitripan Pervert!"

Bulyaw ko sakanya sabay tulak, kaya lahat ng tingin ng tao sa cafeteria ay nakatuon saamin. Si Jean naman ay matalim ang tingin kay Clark.

"Akala mo naman hahalikan kita, wag kang feeling" Bigla naman nagtawanan ang mga kateam mates niya. At naglakad na sila palayo.

"BWISET KA...!" Bulyaw ko bago pa sila makalayo. Itinuloy namin ang pagkain at sinabihan nalang ako ni Jean na wag patulan si Clark.

Akala mo kung sinong gwapo tss, well gwapo naman talaga siya pero hindi ang ugali niya.

Hangang sa natapos lahat ng subject namin ay hindi ako tinatanan ni Clark sa pang-aasar niya.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon