Chapter Four

50 6 0
                                    

The Date

Habang naghihintay ako sakanya umidlip muna ako, pagkaraan ng tatlong oras ay napagdesisyunan kong magbihis.

Pero tinawagan ko muna si Jean upang tanungin siya kung saan madalas magpunta si Clark tuwing may date or hang-outs siya.

*Ringgg* *Ringgg*

"Hello, Lex, napatawag ka?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Prend, tanong ko lang sana kung saan ba madalas pumunta si Clark pag may date or hang-outs siya?"

Sabi ko ng may pag-aalinlangan. Pero bago pa siya sumagot agad kong inilayo ang cellphone sa tenga ko dahil...

"WAAAAHHH Prend kayo na ni Clark no?" Sabi niya na parang kinikilig, ako napapitlag sa sinabi niya kayat napasigaw din ako.

"HELL NO! Ano kaba prend kase may pinabili ako sakanyang materials sa project ko, eh sinabi ko sakanya na dalhin ngayon pero hangang ngayon wala pa" Sabi ko sabay hinga ng maluwag.

"Ah yun naman pala, ang pinaka common kase na pinupuntahan niya ay sa bar nila Kyle" Tumango-tango lang ako.

"Huwag mo na siyang tawagan, ge good night thank you, by the way kailan ang uwi mo?" Sabi ko habang inaayos bag ko.

"Bukas na prend, kwento mo sakin bukas ah, bye good night din, ingat ka"

"Ge bye, ingat din" Hindi ko na siyang hinintay sumagot at ibinaba ko na ang cellphone ko saka lumabas ng kwarto.

Agad akong nagpaalam kay manang Rose at hindi nadin ako nagpahatid sa driver ko.

Nang makarating ako sa space bar, (bar nila Kyle) ay agad akong pumasok sa loob, nakita ko agad si Kyle na nasa bar. At lumapit ako sakanya.

"Kyle" Sabi ko nagulat naman siya pagharap niya.

"Oh, Alexa napad-pad ka? Drinks?" Sabi niya at inilapag ang bote ng alcohol na hawak niya. Inalok niya ako ng vodka pero tumangi ako lang ako.

"Hindi, hinahanap ko lang si Clark, nandito ba siya?" Sabi ko sabay lapag ng bag ko.

"Kayo na?" Sabi niya habang nakauwang ang bibig.

"Hindi!" Pagtanggi ko.

"Eh bakit mo siya hinahanap?" Sabi niya at bumalik sa ginagawa niya.

"Basta may kukunin lang ako" Sabi ko na parang iritado na.

"Nandun siya sa dulong private room, may kasama siya eh" Tumango lang ako at tumalikod na bigla naman nagsalita si Kyle.

"Wala man lang thank you? Nakaka-Hurt naman" Sabi niya na at humawak sa dib-dib niya.

"Thank you" Sarkastiko kong sabi at umalis na.

Pumunta ako sa private room na sinabi niya, pagdating ko sa pinto ng kwartong yun ay nakita kong naka-awang ng kaonti kaya sumilip ako, nagulat ako nang nakita kong naka-upo ang babaeng sa hita ni Clark at naghahalikan sila.

Nakakadiri kasi lingkis kung lingkis ang ginagawa ng babae. Hindi na ako nagdalawang isip na istorbohin sila at agad kong itinulak ang pinto at bigla silang tumigil sa paghahalikan. Nanlaki ang mata ni Clark nang nakita ako at biglang tumayo.

"What are you doing here!?" Pabulyaw na sabi niya. Lumapit naman ako dun sa babae hinila ito saka ko siya sinigawan.

"HOY' IKAW BABAE MALANDI HALIPAROT, NA AKALA MO ISINUB-SOB SA ESPASOL ANG MUKHA. HINDI MO ALAM KUNG PAANO GUMANTI ANG PUSONG SUGATAN!" Napatulala naman si Clark sa sinabi ko at pinigil ko lang ang tawa ko. At inilapit ko ang mukha ko sa mukha ng babae saka nagsalita.

"Now live us alone or die!?" Sabi ko habang nakacross arms at nakataas ang kilay.

Sa takot ng babae agad niyang kinuha ang bag niya at mabilis na umalis sa kwarto. Ako naman humagalpak sa tawa.

"HAHAHAHAHA!!" Bigla naman akong hinawakan ni Clark sa balikat at inalog.

"Hey! Why are laughing?" Sabi niya na parang nagtataka.

"Wag mo kong mahey hey jan , nasaan na ang pinabili kl sayo" Sabay hampas ng bag ko sakanya.

"Nasa kotse ko, masyado ka talagang sadista" Sabi niya habang nakahawak sa part na hinampas ko.

"Halika kana, gagabihin na ako" Sabi ko sabay hawi sakanya at punta sa pinto.

"Tss Stupid" Bulong niya pero rinig ko padin.

"Halika na ang bagal mo naman" Sabi ko sabay hila sakanya.

Pagdaan namin sa bar ay nakita ko si Kyle na gumagawa ng blue lagoon kaya agad akong lumapit upang umorder.

"One blue lagoon pls" Sabi ko sabay upo.

"Here" Sabi niya sabay lapag ng order ko at nagsalitang muli "you know what bruh bagay kayo" Seryosong sabi ni Kyle. Nagkatinginan naman kami ni Clark at sabay na nagsalita.

"NO WAY!" Sabay na sabi namin kay Kyle. Napa-atras naman si Kyle saka nagsalita.

"Ok, ok, easy lang guys, hindi na ok?"

Sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko at medyo humagikhik at sinimulan ko naman na inumin ang inorder ko.

"Hey! you said you have to go home? Then why are drinking?" Tanong niya na halatang iritado.

"Mamaya na umorder ka nalang kung gusto mo, pero wag yung hard magda-drive kapa, loko ilalag-lag kita sa kotse mo pag ikaw nalasing"

Sabi ko na may tono ng pagbabanta sabay higop ulit ng inumin ko. Hindi naman siya umimik at agad umupo at saka umorder ng maliit na beer.

Pagkatapos namin uminom ay lumabas na kame ng bar at dumiretso sa parking lot.

Habang nasa biyahe hindi kame nag-usap hangang nakarating sa tapat ng gate namin  ay hindi na kame nag-imikan.

"S-salamat" Sabi ko sabay baba ng kotse at kinuha ko ang mga pinabili ko sa backseat.

"Sige alis na ako" Tumango lang ako at nang umalis na siya ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon