Chapter Eight

36 4 0
                                    

Falling Harder

Two weeks had passed since he started to court me pero hangang ngayon sweet padin siya. Minsan nga napipikon siya dahil ang corny daw ng ginagawa niya. Well, hindi ko naman sinabi sakanyang magpakasweet siya.

Pumasok ako sa school dahil mayroon akong ipapasang requirements sa isa kong subject. Agad naman ang sinalubong ni Clark sa gate.

"Good morning" Sabi niya sabay sunod saakin.

"Oh, hello" Malamig na sabi ko habang patuloy sa paglakad.

"Hey, Annya wait up, what's your problem, are you sick?" Sabi niya sabay hawak sa noo ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya at ibinagsak.

"I don't have a sick ok? I'm just tired, so if you'll excuse me may pupuntahan pa ako" Sabi ko sabay hawi sakanya.

"I'll go with you" Sabi niya habang nakasunod parin.

"Mauna ka na sa room" Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Ok, i'll wait for you" Sabi niya at lumiko na.

Nang maihatid ko ang project ko ay agad akong dumiretso sa room. Nakita ko naman na may nakatumpok na babae sa harap ni Clark. Agad naman akong lumapit dito at hinila ang upuan ko.

"Excuse me girls pwede ba magsipunta na kayo sa seats niyo" Iritadong sabi ko.

"Bye Clarky " Sabi ng isang babae at nagflying kiss pa. Tumango lang si Clark sakanya.

"Are you jealous?" Sabi niya sa pang-asar na tono.

"Of course not, nakakairita kase sila ang lalande!" Sabi habang itinatali ang buhok ko.

"Of course you would say you're NOT but deep inside you are" Sabi niya habang nakatingin sa board.

"In your dreams" Sabi ko sabay dukmo ng ulo sa mesa.

"Nandyan na sir!" Sabi niya agad naman akong napapitlag sa pagkakadukmo pero nang tignan ko ay wala pa.

"Bwiset ka talaga!" Bulyaw ko sabay hampas sakanya.

"Sadista, pasalamat ka mahal kita" Sabi niya habang nakahawak sa parteng hinampas ko. Natameme naman ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin sakanya.

Maya-maya dumating na ang prof. namin nagdiscuss lang siya ng kung anu-ano.

Nang nagbell na ay agad akong dumiretso sa cafeteria pero sinundan ako ni Clark.

"Hey, Annya did I say something wrong kaya hindi mo ako pinansin sa lahat ng subject natin?" Sabi niya habang nakahawak sa braso ko.

"Ano ba Clark, wala ok ? Gutom lang ako" Sabi ko at piniglas sa pagkakahawak niya.

"Alam kong meron, please tell what is it"

"Wala nga! Gutom nga lang ako" Sabi ko at agad na pumila.

"Ano sayo neng" Sabi ng isa sa mga tindera.

"Isang beef stake po at kanin pati juice" Sabi ko habang kinukuha ang wallet ko.

"Ito na hija" Inilapag niy ang tray sa harap ko.

"Magkano po?" Tanong ko habang kumukuha ng pera sa wallet ko.

"45 pesos lang"

"Ito po oh" Sabi ko sabay abot ng 50 pesos nagulat naman ako nang biglang may nagbaba ng kamay ko.

"Ako na po magbabayad magkano po ba?" Sabi ni Clark sa babae. Sinabi naman ng babae kung magkano at agad na nag-abot si Clark ng pera. Hindi na nagpasukli si Clark at agad niya akong dinala sa lamesa.

"Ano ba Clark! Kaya kong magbayad" Sabi ko sabay lapag ng tray.

"Alam ko, but i'm courting you, and i'm willing to spend my money for you" Sabi niya at saka umupo.

"Tsss eh ikaw hindi ka kakain?" Tanong ko at umupo narin.

"No need, i'm not hungry" Hindi na ako muling nagtanong at nagsimula na akong kumain.

Pagkatapos kong kumain napagdesisyunan ko ng umuwi. Agad naman akong hinatak ni Clark patungong parking lot at ipinasok sa kotse niya. Aangal pa sana ako kaso pinaandar na niya.

Nakabusangot lang ako sa biyahe hangang sa binasag niya ang katahimikan.

"You ok? bakit ang tahimik mo sa school palang?" Sabi niya saka hinto ng kotse sa tapat ng gate namin.

"Ok nga lang ako, sige na umuwi kana salamat sa paghatid" Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Dahil ba dun sa sinabi kong mahal kita?" Hindi ako umimik.

"Hangang ngayon hindi ka padin naniniwalang mahal kita?" Cold na sabi niya. Itinuon ko ang tingin ko sakanya at saka nagsalita.

"Kase hirap akong maniwala na ang tulad mong playboy ay magseseryoso!" Sabi sa gitna ng nagbabadyang luha.

"Oo playboy ako, pero hindi imposible saakin na magseryoso!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Ewan ko Clark, hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan" Sabi ko saka ko hinila ng marahan ang kamay ko at pinunasan ang luhang kanina pa gustong umagos.

"Isa lang naman ang hinihintay kong sagot mula sayo eh, kung mahal mo din ba ako?" Sabi niya ng marahan.

"OO! I'm falling harder everyday, ano masaya kana?" Bulaw ko at hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko.

"Kaso natatakot akong saktan mo lang ako, ayaw kong magsettle sa alam kong walang kasiguraduhan Clark!" Sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Annya hindi maling magduda ka pero dapat karin magtiwala, you can't always run form all the pain, you have to face it and i'm here to be with you when those pain are invading you" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Hinawakan niya ang baba ko at itiningala ako.

"Annya look ate me," Sabi niya habang nakahawak sa baba ko at agad kong sinunod ang sinabi niya "trust me ok? I promise to myself that i will never let you experience all those pains happened to me, I promise" Sabi niya sabay halik sa noo ko. Umiwas ako sakanya at binuksan ko ang pinto ng kotse.

"Bukas na tayo mag-usap Clark, sige uwi na ako salamat ulit sa paghatid" Malamig na sabi ko at saka tuluyang lumabas ng kotse niya.

Pagkadating ko sa tapat ng gate nakita kong binuksan niya ang bintana ng kotse niya, tumango siya saakin at tumango lang din ako at pumasok na sa loob.

Agad naman akong umakyat sa kwarto ko at nagbihis. Pumunta ako sa veranda ng kwarto at laking gulat ko dahil nandun pa ang kotse ni Clark. Kinuha ko ang cellphone ko at itinext siya.

To: Clarky - "UMUWI KA NA, BUKAS NA TAYO MAG-USAP"
Mga ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko nakita ko sa screen ay ang pangalan ni Clark kaya agad ko itong binasa.

From: Clarky- "Sige uwi na ako good night, I love you" Pagkatapos kong basahin iyon hindi na ako nag-reply, nakita ko naman na umandar na ang kotse niya.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko sa text niya. At napaisip na siguro time narin para hayaan kong maging masaya ang sarili ko. Tinago ko na ang cellphone ko at nahiga sa kama. Hangang sa dalawin ako ng antok.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon