Chapter Ten

33 4 0
                                    

Debut

Ilang linggo narin ang lumipas simula nang sagutin ko si Clark at pero hanggang ngayon sweet parin siya.Bumangon na ako at napadpad ang aking paningin sa malaking kalendaryo sa aking kwarto.

Napangiti ako dahil ito na ang araw na pinakahihintay ko ang araw ng debut ko kung saan mabubuo kaming pamilya.

Ilang linggo narin itong pinaghandaan ni daddy si Clark din ang date ko.

Biglang bumukas ang pinto at doon ay pumasok si Daddy na may dalang box na maliit. Napangiti ako nang makita ko ang isang malaking ngiti sakanyang labi. Lumapit siya saakin at niyakap ako gumanti din ako ng isang yakap. Hindi ko naman napigilan ang luha kong umagos.

"Happy B-day baby girl dalaga ka na" Sabi niya habang pinupunansan ang luha kong kanina pa umaagos.

"Thank you dad, I love you" Sabi ko at muli ko siyang niyakap. Bumitaw naman siya at ibinigay ang kahon niyang hawak.

"Thank you po" Sabi ko at unti unting binuksan ang box na maliit, nagulat ako nang makita ko ang matagal ko ng nais bilhin na chariol banggle hindi ko ulit napigilan ang pag-agos ng luha ko at muli kong niyakap si daddy.

"T-thank you dad, hindi niyo alam kung gaano niyo ako napasaya"

"Oh, sya sige na nandyan ang make up artist mo, baka mamugto pa ang mata mo niyan" Sabi niya at ginulo ang buhok ko bago lumabas ng aking kwarto.

Inayos ko ang higaan ko at pumunta sa cr para maligo, Nang matapos na ako ay nagbihis ako ng pambahay at tumungo sa sala upang magbreakfast.

Pagkababa ko ay nakita ko ang dalawang malaking kahon at dalawang kahon ng sapatos. at lumapit ako sa make up artist ko

"Hello Maxi kumusta na?" Sabi ko sabay tapik sa braso niya, high school friend ko din siya at nag-aral siya sa France bilang make up artist.

"Ok lang, lalo kang gumaganda ah, hmm by the way this is Felice my assistant... Felice this is Alexa she's my friend way back in high school" Sabi niya at nakipagbeso din ako kay Felice. Pagkatapos naming magkakilala ay tumungo kame sa kusina upang kumain.

Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto upang sukatin ang gown ko. Cocktail gown na blue ang isa at ang isa naman ay fitted dress na black ang white, black valentino shoes naman ang sapatos ko at isang silver stileto. Pagkatapos kong magsukat at tinawag ko na sina Maxi upang umpisahan na ang pagme make up saakin.

Habang minimake-upan ako ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha nag flash sa screen ang pangalan ni Clark kaya sinagot ko ito.

"Hello Clark?"

"Hello Princess happy b-day, Can't wait to see you on your special night" Sabi niya sa kabilang linya.

"Thank you, I can't wait too, kaso lang kinakabahan ako"

"Don't be, I know you'll be the most beautiful lady tonight so don't be nervous" Sabi niya with assurance on his voice.

"Thank you Clark, I love you see you later"

"I love you too, I'll fetch you by nine pm, as I said don't be nervous"

Hindi na ako sumagot at pinatay ko na ang tawag, sakto naman at tapos na akong make-upan kaya nagbihis na ako.

Tumingin ako sa relo at saktong 8 na kaya nagmuni-muni muna ako habang naghihintay kay Clark. Bigla namang sumagi sa isip ko sina mommy, kuya clynt, ate anikha.

"Sana makapunta sila" Bulong ko sa sarili ko habang pabalik-balik ng lakad. Dahil sa pag-aalala ko ay tinawagan ko si mommy pero naka patay ang cellphone niya, ganon din ang kay ate at kuya.

Maya-maya ay may kumatok na sa kwarto ko at nang buksan ko ito at tumambad saakin ang makisig na katawan ni Clark.

"Happy b-day" Sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Thank you" Sabi ko naman at niyakap siya.

"C'mon? " Sabi niya sabay lahad ng kamay saakin, tinanggap ko ito at sabay kaming nagtungo sa labas at sumakay sakanyang kotse.

Pagdating namin sa venue ay agad siyang lumabas ng kotse at inalalayan ako pababa.

"Wag kang kabahan nandito lang ako, and besides gabi mo ito, be happy and enjoy the night" Sabi niya habang lumalakad kame sa red carpet, sabay sabay naman ang flash ng camera habang kami ay papasok.

Nang makarating kame sa VIP room ay nagretouch ako. Umalis muna siya upang kausapin ang ibang staffs. Hindi parin ako mapakali dahil hanggang ngayon at hindi ko parin macontact sila mommy.

"PREND! happy b-day" Sabi ni Jean at sinunggaban ako ng yakap.

"Thank you Prend"

"Here's my gift, hope you like it" Sabi niya sabay abot ng paper bag saakin. Inilapag ko ito sa kama.

"Thank you prend labyu"

"Sige prend labas na ako, see you around labyu too" Sabi niya at kumaway saka lumabas.

Bigla naman pumasok si daddy at nilapitan ako.

"Are you ready?" Sabi niya nang nakangiti.

"Actually dad i'm not, wala pa kase sila mommy eh" Sabi ko na may bahid ng pag-aala.

"Don't worry Annya, dadating sila" Sabi niya sabay hagod sa balikat ko.

"Thanks dad"

"Sige na be ready, the program will start in any minute" Sabi niya at lumabas na.

Ilang sandali palang ay bigla naman pumasok si Clark.

"Annya halika na, mag uumpisa na ang program" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Clark, wala pa sila mommy" Sabi ko habang nagbabadya ang luha sa aking mata. Maagap naman itong dinampian ni Clark ng tissue.

"Ssshhh, don't worry dadating sila, pero by now we have to go outside and start the program" Tumango lang ako at lumabas na kame habang nakahawak siya sa bewang ko.

Maya-maya pa ay nagcue na grand entance na kaya pumwesto na kame nila Clark sa gilid ng hagdan, mahigpit padin ang hawak niya saakin. Luminga linga ako pero walang mommy, ate, kuya akong nakita. Parang may kung anong tumarak sa puso ko at tumulo na ang luha ko.

"NOW LETS ALL WELCOME THE DEBUTANT ANNYA VALDERMA WITH HER DATE CLARK MONTERIAL" Sabi ng emsee kaya pinunasan ko ng palihim ang aking mata at humawak sa braso ni Clark saka kame bumaba. Nagpalakpakan ang mga tao, pinilit kong ngumiti kahit hindi ko magawa.

Nang matapos ang grand entrance ay sinimulan na ang mga programs.

18 candles (Jean last Candle)
18 roses (1st dad, last Clark)
18 messages (Blockmates)
18 blue things (HS Friends)
18 blue bills (Relatives)
18 pictures with dedication
(Cousins and Friends)

Natapos na ang lahat ng iyan ngunit hindi ko parin nakikita sila mommy. Nawalan na talaga ako ng pag-asang darating sila.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon