Chapter Seven.

31 4 0
                                    

I won't give up

Kinabukasan maaga akong pumasok sa eskwelahan upang maka-iwas kay Clark.

I think I need space para alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya. Playboy siya, oo pero hindi yun enough reason para husgahan ko siya.

Nanatili muna ako sa bench malapit sa soccer field, alam ko kaseng hindi napapad-pad si Clark doon.

Nang nagbell na pumunta na ako sa classroom pero nagtaka ako kung bakit lahat ng tao nakatingin saakin, hindi ko lang sila pinansin, naririnig ko lang na sinasabi nila na. "Ang swerte niya " sino kaya yun?

Pagdating ko sa classroom ang daming tao sa pinto pero agad nila akong binigyan ng daan para makapasok.

Nagulat ako dahil nakita ko si Clark na nagsusulat sa white board ng ANNYA ALEXA VALDERAMA, WILL YOU LET ME COURT YOU? AT I WON'T GIVE UP ON YOU. paulit ulit yung nakasulat sa board, lumapit ako sakanya at hinila siya palayo sa board.

"Clark! Ano bang ginagawa mo!?" Bulong ko sakanya.

"Diba sabi ko I can wait? Kaya ayan hinihintay kong sumagot ka ng YES sa gitna ng board" Napatingin ako sa board at napansin kong may malaking space na walang sulat sa gitna.

"Ano ba Clark, tigilan mo na nga yan, nakakahiya na" Sabi ko sakanya dahil pinagpapatuloy niya padin ang pagsusulat. Halos puno na ang board.

Hindi ako nakatiis hinila ko siya palabas ng room at dinala sa bench na tinatambayan ko at dun ko siya kinausap.

"Clark, ano bang palabas yan ah!?" Bulyaw ko sakanya, sabay bagsak ng bag ko sa upuan.

"Hindi yun palabas Annya, can't you see ? Kanina pa ako nagsusulat nun para pansinin mo ako" Sumbat niya saakin.

"Well, hindi naman kita inutusan na gawin yun" Sabi ko saka ko kinuha ang bag ko at tumalikod. Pero bigla niya akong hinila.

"Annya hindi ba talaga pwede?" Malamig na sabi niya. Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi niya.

"You said you can wait?, pero sa pinakikita mo lalo mo lang pinatutunayan na hindi ka deserving" Sabi sabay hila sa kamay ko.

"Please?" Pagsusumamo niya.

"You know what Clark, I don't know kung ano ang tunay mong motibo sa ginagawa mo"

"I don't have any motivation Annya, ewan ko nga kung bakit ako nagkaka ganito eh" Sabi niya sabay hilamos ng kanyang palad sakanyang mukha.

"Ewan ko Clark, Space lang Clark please?" Sabi ko at umalis na sa harap niya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil matapos kong bitawan ang mga salitang iyon sakanya ay nagunahang tumulo ang mga traydor kong luha.

Siguro nga tama sila na mahal ko na si Clark pero nasa state of denial lang ako.

Bago ako dumiretso sa room at dumaan muna ako sa CR. Habang nasa cubicle ako may nadinig akong mga babaeng nag-uusap sa labas. Hindi muna ako lumabas at nakinig sa pinaguusapan nila.

"Alam mo girl ang swerte ni Valderama dahil never naging ganyan si Clark, ngayon lang at sa dating kaaway niya pa" Sabi ng isa.

"Oo nga eh, imagine? 4 am nandito na siya para punuin lahat ng white board ng ganong sulat amazing talaga" Sabi naman ng kasama niya.

Pagkalabas ng dalawa ay lumabas nadin ako sa cubicle, Nagflashback naman sa utak ko ang sinabi ng isang babae na 4 am nandito siya para sulatan lahat ng white board?

Dahil gusto kong malaman kung totoo, lumabas ako sa CR at dinaanan ang mga classroom sa floor namin, laking gulat ko sa mga nakita ko dahil lahat ng classroom ay may nakalagay na

ANNYA PLEASE GIVE ME A CHANCE TO PROVE TO YOU THAT I ALREADY CHANGE
-CLARK

I WON'T GIVE UP ON YOU
-CLARK

PLEASE ANNYA NOTICE ME
-CLARK

Iyan ang mga nakasulat kaya nakaramdam ako ng guilt. Dahil sa kahihiyan hindi na ako punasok sa lahat subject ko at umuwi nalang.

Pagdating ko sa bahay may nakita akong isang malaking teddy bear na may pangalan na CLARKYYY. Kinuha ko ito at dinala sa kwarto ko.

Pag-akyat agad akong nagbihis at nilapitan ang teddy bear.

"CLARK !! BWISET KA TALAGA,!!" Sabay suntok sa teddy bear. Niyakap ko ito at kinausap. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin dahil ang alam ko lang ay ayaw kong masaktan.

Napatalon ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, nagFlash sa screen ang pangalan ni Clark. Sinagot ko naman ito

"Hello?" Malumanay na sabi ko.

"Annya, nandito ako sa labas ng bahay niyo, please hindi ako aalis dito hanggat hindi ka lumalabas" Sabi niya sa kabilang linya. Pero ang hindi niya alam habang nagsasalita siya ay bumababa na ako ng hagdan.

Pinatay ko ang cellphone at tinignan kung ano ang magiging reaksyon niya.

"FUCK!" Sabi niya sabay sipa sa bato na nasa harap niya.

Lumabas nadin ako at baka mageskandalo pa siya.
Nang makita niya akong palapit sa gate at inalog- alog niya ito.

"Annya please talk to me, promise this will be the last" Sabi niya habang nakataas ang isang kamay.

"Last?" Tumango naman siya at agad kong binuksan ang gate.

"Promise last" Sabi niya at itinaas niya ulit ang isa niyang kamay.

"Talk" Sabi ko habang naka-cross arms.

"Did you get the teddy bear I left here?" Sabi niya na tila nag-aalala.

"Ah oo," Napangiti siya "kaso pinatapon ko" Sabi ko habang pilit kong pinipigilan ang pagtawa. Hindi naman siya umimik sa sinabi ko.

"I just came here to personally apologize on what happen earlier" Sabi niya sa seryosong boses.

"Yun lang ? Ge pasok na ako" Sabi ko at akmang aalis na. Pero hinawakan niya ang braso ko.

"Huling beses ko nalang itong itatanong at paghindi ang sagot mo iiwas na ako promise" Tumango lang ako "C-can I court you?" Sabi niya sabay takip ng tenga.

"Paano mo madidinig ang sagot ko kung nakatakip ang tenga mo? Stupid tsss" Sabi ko habang nakataas ang kilay, agad niya naman ibinaba ang kamay niya.

"Ok, what's your answer?" Malamig na sabi niya. Agad ko namang isinarado ang gate at naiwan siya sa labas. Pagkatalikod ko saka ako nagsalita.

"YES" Sabi ko sabay lakad sa loob, sinilip ko siya at nakita kong nagbubunyi siyang pumasok sa loob ng kotse niya. Ako naman umakyat na sa kwarto ko.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon