Chapter Three

52 6 0
                                    

Slave

Hangang ngayon binubwisit ako ng mokong nayun, imagine? alas kwatro palang nandito na? Seriously? Natutulog ba siya? Eh hindi pa nga sumisikat ang araw eh.

At dahil no choice dahil nandito na siya naligo na ako at bumaba para magbreak fast, laking gulat ko nang makita kong magkausap sila ni daddy. Ang tino makipag-usap akala mo tunay, ang sarap hampasin ng libro, maya maya napansin ako ni daddy.

"Good morning Annya, kain kana" Pag-aanyaya ni daddy saakin tumango lang ako at saka umupo.

"Good morning din po"

"Anak, kaibigan mo pala itong anak ng tito Franco mo eh" Sabi ni daddy sabay higop ng kape.

"Blockmate ko po siya dad" Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Hijo, kain ka muna" Sabi ni daddy kay Clark.

"Sige po tito salamat, kumain na pa ako" Pagtanggi ni Clark ngunit pinilit siya ni daddy kaya't hindi na siya nakipagtalo pa.

Pagkatapos namin kumain bumeso ako kay daddy at dumiretso na na kame sa school.

Hindi ko nalang pinansin ang mga tao na nakatingin saamin, ano bang pake nila ? Slave ko lang naman siya eh. Mga malisyoso tsk tsk tsk.
Sa di kalayuan napansin kong palapit saakin si Russel.

"Hi AA musta na?" AA tawag niya saakin at kinuha niya iyon sa initials ng name ko.

A/N: AA (EyEy)

"Oh Russel ok lang, ikaw?" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Ok lang lalo kang gumanda ah" Sabi niya at saka kame naglakad papunta sa loob ng building.

"Bolero, by the way diba sa states ka nag-aaral?" Tumango lang siya. "Bakit nandito ka sa Pilipinas? Vacation?" Sabi ko sakanya na may halong pagtataka.

"Vacation and I just went here to visit my tita" Sabi niya saakin.

"Okay, sige una na ako, send my regards to ate Dhapny" Sabi ko bago mag dirediretso ng lakad.

"Sure I will, bye" At pumasok na ako sa room.

Sinimulan na ni Mr. Molino ang discussion niya nang biglang may magbalibag ng pinto. Napatuon ang pansin namin sa pinto at pumasok si Clark at umupo sa tabi ko.

"Mr. Monterial bakit ngayon ka lang?" Ani Sir. Pero no response from Clark Siniko ko siya at napatingin siya saakin.

"Hoy, tinatanong ka ni sir" Sabi ko pero mahina lang ang boses ko.

"Bakit ba? Wag ka ngang magulo ang ingay mo inaantok ako"

Sabi niya sabay dukmo ng ulo sa desk niya. Ako naman hindi na nangulit mamaya ko nalang siya pagti-tripan. Naglesson lang ng naglesson si sir etc.etc. maya maya nagbell na.

"Ok class dismiss" Sabi ni sir habang nagaayos ng gamit niya.

"Goodbye sir" Sabi ng lahat ako naman pinitik ko sa tenga si Clark para magising pero ayaw. Hangang may naisip akong kalokohan.
*EvilSmirk*

"CLARKKKKKKK" Sigaw ko sa tenga niya.

"Shit!" Napatayo siya sa gulat.

"HAHAHAHA! Ano matutulog kapa? Hala tayo na at may iuutos ako sayo SLAVE" Sabi ko sakanya habang tinutulak siya palabas ng room.

"Ano ba wag mo nga akong itulak!" Sabi niya sabay tabig sa kamay ko.

"Ok fine, labas na shoo shoo" Sabi ko habang nag ha-hand gestures ako ng itinataboy siya palabas.

"I'm not your dog" Sabi niya na halatang iritado ang boses. Poor Clarkyyy. Ngayon ikaw naman ang gagantihan ko. Hahahahaha *EvilLaugh*

Lumabas na kame ng room at dumiretso kame sa cafeteria. Siya ang inutusan kong bumili at syempre treat niya ano siya siniswerte? Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Casey Briones sikat siya dito sa school kase nanalo siya ng Miss UN.

"Hello miss?" Inilahad niya ng kamay niya, tinanggap ko naman ito saka ako nagsalita.

"Annya Alexa Valderama" Ngumiti lang siya kaya ginantihan ko siya ng ngiti.

"You should be Clark's girlfriend?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo ako.

"Hell No! We're just friends?" Sabi ko kaya bigla siyang natawa.

"Friends? Parang hindi ka sure ah? But why are you always together?"

"Actually...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko kase biglang dumating si Clark dala ang pagkain namin.

"Actually i'm courting her, right Annya?" Nanlaki ang mata ko at nang magsasalita na ako bigla naman nagsalita si Clark.

"So if you'll excuse us kakain pa kame"

Sabi ni Clark kay Casey, nakita ko naman ang pag-irap ni Casey saakin? What the!? Ano ba itong pinasok kong kalokohan, sasapukin ko talaga tong lalaki na ito parang ako pa tuloy ang naging parang slave.

"Hoy! Lalaki bakit mo sinabi yun?" Binatukan ko siya nakakainis kase eh.

"Aray! Sadista mo talaga, babae ka ba talaga?" Sabi niya habang nakahawak sa part na binatukan ko.

"Eh bakit mo nga sinabi yun?" Sabi ko sabay kuha ng pagkain ko na nakalagay sa tray. Galante talaga ang mokong na ito ang daming inorder. Beef tapa, Menudo and Sandwich? Gosh kaya ba namin tong ubusin?

"Just go on with the flow, para tigilan na niya ako" Sabi na halatang iritado.

"Bakit ba? Ano bang ginagawa niya sayo? Ayaw mo nun? Maganda siya at popular choosy mo naman" Sabi ko na may halong pang-aasar at Inilapit ko pa ang mukha ko sakanya.
Itinulak niya naman ako sa noo gamit ang daliri niya.

"Chismosa, give me some other time, kumain ka nalang" Suplado Che! Habang kumakain kame bigla siyang nagsalita.

"Ano bang gagawin ko ngayon? Bilisan mo at may lakad pa ako mamaya" Sabi niya na maypagka iritado.

"Hatid mo nalang ako sa bahay and buy this stuffs" Inabot ko sakanya ang papel na hawak ko.

"Okay, bilisan mong kumain ayaw kong paghintayin yung ka-date ko" Sabi niya habang inililipigpit ang gamit niya.
Date pala ah? Humanda ka saakin. *EvilLaugh*

"Ok... oh! By the way I need that today, Pagkatapos mong bilhin yan ihatid mo sa bahay ah, tara uwi na tayo" Sabi ko sakanya habang excited akong naglakad.
Hinabol niya naman ako.

"Nananadya kaba!?" Tinignan ko siya ng parang inosente.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?!"

"I said nananadya kaba? May lakad ako hindi ako pwedeng malate!" Tinignan ko siya ng matalim.

"It's not my fault, your my slave kaya kailangan mo akong sunduin or gusto mong" Inilabas ko ang cellphone ko at itinype ko ang number ni Jean. Itinapat ko sa tenga ang cellphone ko saka ako nagsalita "Hello Jean....." Hindi ko natapos ang sasabihin ko kase inagaw niya ang cellphone ko at in-end ang call.

"Fine! Halika na i'll take you home and i'm gonna buy this stupid stuffs"

Sabi niya habang nakakunot ang noo, lumabas kame sa building at dumiretso sa parking lot, pagdating namin dun agad kameng sumakay sa kotse niyang Mercedes Benz na black at inihatid niya ako sa bahay.

"Bye don't forget to bring those stuffs later" Sabi ko sa pang-asar na boses saka ako pumasok sa loob ng bahay namin. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpagulong-gulong sa kama habang tumatawa.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon