Chapter Nine

33 4 0
                                    

I Love You

Kinaumagahan ay ginawa ko agad ang daily routine ko at pumasok  na sa school.

Pagdating ko sa loob ng school ay agad akong dumiretso sa classroom. Tumingin ako sa paligid ng classroom bago umupo pero hindi ko nakita si Clark doon.

Pagkaupo ko ay saktong pagdating ng aming prof. Naglesson siya at nagpaquiz lang pero heto ako at balisa at lumilipad ang isip.

Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa cafeteria upang kumain. Habang umuorder ako ay tumunog ang cellphone ko tinignan ko ito at nagflash sa screen ang pangalan ni Jean.

From: Best'Buddy - Prend sabay tayo kain ah. Miss na kita eh...

To: Best'Buddy - Sige Prend miss you too :*

Hindi ko na hinintay ang reply niya at itinago ko na ang cellphone ko saka kinuha ang order ko.

Pagdating ko sa mesa ko ay nakita ko agad si Jean na papasok sa loob ng cefeteria. Kaya agad ko siyang kinawayan upang makita niya agad ako. Kumaway naman siya pabalik at tumungo kung nasaan ako.

"Prend kumusta na? Namiss kita ah" Sabi niya sabay beso saakin.

"Grabe ka kase eh, Busy ka jan sa company mo" Sabi ko na parang nagtatampo.

"Anong company ko? Hindi saakin yun no" Sabi niya saka umupo.

"Tsss wag ka nga, magiging iyo na iyon kaya nga lagi kang busy eh" Sabi ko habang kumakain.

"Sa bagay ilang taon ko narin hinahandle ito eh"

"Bili ka na ng pagkain mo" Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Tumayo narin siya at nagtungo sa food counter upang umorder.

Nagulat naman ako nang nakita ko si Clark na palapit saakin kaya nag-iwas ako ng tingin at itinuloy ang pagkain.

Habang kumakain ay nakita kong may naglapag ng isang paper bag sa mesa at pagtingin ko ay si Clark.

"Oh! Clark nandyan ka pala" Sabi ko na ani mo ay naiilang.

"Nagtext ako sayo, sabi ko sabay tayo kumain hindi narecieve?" Sabi niyang ng nakakunot ang noo. Kaya napakunot din ang noo ko at kinapa ang cellphone ko.

"Huh? Wait lang ah kay Jean lang kase ang nabasa ko eh"
Sabi ko habang ina-unlock ang cp ko. Nang mabuksan ko ito ay agad na tumambad saakin ang isang katerbang text mula kay Clark.

Fr: Clarky - Annya sorry late na ako nakapasok. Sabay tayo kain.

-Hey, magreply ka pag nandyan kana sa cefeteria.

-Annya......

Yun ang nabasa ko hindi ko na binasa ang iba. Napatingin naman ako sakanya siya naman ay nakunot ang noo kaya nagpeace sign nalang ako.

"Sorry, akala ko kase yung text na sumunod ay si Jean lang kaya hindi ko na binasa"

"Ok lang, by the way ito nga pala oh ako nagluto niyan" Sabi niya at inilabas ang taperware na nasa paper bag.

"Naku tapos na akong kumain, bigay mo nalang kay Jean" Sabi ko habang inaayos ang pinagkainan ko.

"Ay ganon? Sayang naman ang effort ko" Sabi niya habang nakasad face. Gosh i can't resist him, his perfectly sculpted jawline, his nose, his beautiful eyes and his pinkish red lips. Shit back to reality Annya.

"Sige na nga, give me that blue taperware and give the other one to Jean" Sabi ko habang kinukuha ang taperware na blue sakanya.

"Yes! I knew it hindi mo ako kayang tiisin"

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon