Chapter Twelve

32 4 0
                                    

Forgiveness

Hindi ko na siya hinintay magising at nauna na akong umalis, umuwi ako samin. Tinanong lang ako ni dad kung ano nangyare kagabe nagkwento lang ako ng kaunti at umalis na siya patungong opisina.

Natulog lang ako, pero paglipas ng apat na oras na pagtulog ko ay nagring ang cellphone kong nasa side table. Kinuha ko ito at nakita kong ni Clark ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"He-hello?" Utal kong sabi marahil dahil masyado pa akong naiilang dahil sa nangyare kagabe, waaaahhhh erase erase shete naman oh.

"Annya, bakit ka umuwi agad?" Pag aalalang tanong nito.

"Ah eh... kase tu-tu-tumawag si daddy.... oo yun nga tumawag si daddy kase papasok na siya kaya umuwi na ako hehe" Sabi ko habang nanggigil ng nakakapit sa kumot. Narinig ko naman siyang humugot ng malalim na buntong hininga kaya napangiwi ako dahil alam kong badtrip ito.

"Eh bakit hindi mo ako ginising?" Sabi niya na halatang nagpipigil ng inis.

"Ok lang ako, at tsaka tumutulo pa laway mo eh hahaha" Ok ako na sinungaling.

"Tssss! Sige na daanan nalang kita mamaya, may pupuntahan tayo" Mahinahong sabi  nito.

"Saan?" Pagtatakang tanong ko.

"Ah basta" Sabi niya na may pagkairita sa tono.

"Ewan ko sayong gung-gong ka, kagabe sweet ngayon iritado tssss, menopause!?" Irita kong sabi dito.

"Tsss! Basta susunduin kita ok!?"

"Ewan, ang baho mo!" Sabi ko sabay end ng call. Bwisit siya! Ang sarap niyang sapukin sa mukha.

Para mabawasan ang init ng ulo ko ay naligo nalang ako, pero parang ang sakit ng ano.... ay ewan! Pagkatapos ay nabihis ako nakasimpleng skater skirt, at white sleeveless polo, baby blue na valentino shoes lang ako. Naglagay din ako ng light lipstick at pulbo.

Mamaya pa ay nay narinig akong busina sa labas kaya agad akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali si Clark nga nakasandal siya sa kotse niyang Audi R8 na black.

"Anong ginagawa mo dito ha baho" Sabi ko habang nakacross arms at nagpipigil ng tawa.

"Tssss c'mon don't act silly, lady" Sabi nito at binuksan abg pinto ng kotse niya.

"Ewan sungit!" Sabi ko at lumabas ng gate saka pumasok sa kotse niya. Sumakay narin siya at pinaandar ang kotse.

"Bakit hindi mo ako ginising kanina?" Sabi niya habang nakatingin parin sa daan.

"Tumutulo pa nga kase laway mo at ang himbing ng tulog mo" Sabi ko, pero hindi naman siya tulo laway.

"Excuse me lady, I'm not drooling while sleeping, baka ikaw, wala ka lang masagot eh" Sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

"Ay bahala ka nga" Sabi ko at tumingin nalang sa bintana. Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Sorry ok, basta sa susunod wag kang aalis ng walang paalam"

"Tsss, ok sorry I just don't want to disturb you" Sabi ko ng nakapout.

"Stop that! Baka hindi ako nakapigil ma......" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.

"Nye nye nye nye oo na oo na ok na " Sabi ko sabay bitaw sakanya, siya naman natawa lang at itinuloy ang pagdadrive.

After 2 hours nakarating na kame sa pupuntahan namin, wala akong idea kung saan kame pupunta pero nasa isang resto kame bandang sea side. Pumasok kame doon at nang nilibot ko ang aking paningin ay nakita ko sa isang malaking couch sina mommy kasama si ate Anikha at kuya Clynton. Gusto kong ngumiti pero parang may pumipigil sakin.
"Annya uy gumalaw ka naman, halika na" Sabi nito sabay yug yog sakin. Wala sa sariling napahakbang ang paa ko sa paghawak niya sakin.

"Ba-bakit.... pano?" Sabi ko sakanya nang wala sa sarili.

"Sshhh mamaya ka na magtanong, i'll explain everything later" Tumango lang ako saka dumiretso sa kung saan nandun sina mommy.

"Anak, happy birthday" Tumayo si mommy sabay beso at yakap sakin. Ngumiti lang ako dito.

"Annya, we're sorry because we broke our promise that we're coming on your birthday, but we tried I swear" Sabi ni kuya Clynton.
"O-okay lang po, masaya naman ako eh, ano nga po palang ginagawa niyo dito" Nagtatakang tanong ko habang pinipigilang magalit dahil mommy at kapatid ko parin sila.

"We're here to extend your birthday, please forgive us baby" Sabi ni nommy tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Oo nga naman bunso, sorry na please" Sabi ni ate Anikha nang nakangiti sakin.

"Ah eh si-sige po thank you po" Sabi ko sabay ngiti pero this time totoong ngiti na. Naramdaman ko nalang na parang may tumulong mainit na likido sa mata ko.

"Awww baby don't cry" Sabi ni mommy sabay yakap sakin upang aluin.

"Mommy naman ihh, ang duga niyo hindi niyo ko binati kagabe" Sabi ko sabay yakap sakanya ng mahigpit.

"Sus... ikaw parin talaga si Annya iyakin hahaha" Pang-asar ni kuya sakin.  Hinimas lang ni Clark ang likod ko upang matahan.

"Heh! May kasalanan kapa sakin, nasaan yung promise mong bagong kotse?" Sabi ko sabay pout. Nangako kase siya na bibilhan niya ako ng bagong kotse sa debut ko pero this time ako na ang driver.

"Sus yun ? Don't worry I didn't forget that, I already buy it well actually it's on outside, wanna try?" Sabi nito sabay pakita ng susi, inagaw ko ito sabay sunggab ng yakap sakanya.

"Wow! Kuya thank you" Inilayo niya naman ako sakanya.

"Ikaw ate anong gift mo?" Sabi ko habang nakataray.

"Wala!" Sabi nito sabay ismid, nilapitan ko naman siya sabay yug-yog.

"Ate nasaan na yung DSLR na promise mo?"

"Hey Annya stop it!, oo na oo na, ito na ang kulit" Iritang sabi nito sabay kuha ng paper bag sa ilalim ng mesa.

"Wow! Ate thanks!" Sabi ko sabay yakap.

"Ok na, you're welcome" Sabi niya sabang tanggal ng kamay ko sakanya.

"Kain na tayo gutom na ako" Masayang sabi ko at umupo sa upuan ko. Hinawakan ko ang kamay ni Clark saka bumulong dito.

"Thank you" Sabi ko sakanya habang nakangiti. Niyakap niya ako bilang tugon. Bigla naman binasag ni kuya ang moment namin.

"Tama na yan kain na tayo hehe" Sabi ni kuya sabay peace sign. Tumawag na kame ng waiter at umorder lang kame ng isang family meal.

"Hmm anak kelang lang naging kayo?" Basag ni mommy sa katahimikan.

"Ah almost one month na po" Sabi ko habang nakangiti.

"Ah hijo kamusta na mommy mo?" Tanong ni mommy kay Clark.

"Ok lang po kikumusta nga din pi nita kayo eh" Sabi ni Clark sabay hawak sa kamay ko. Maya maya ay dumating ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon