Chapter Five

43 5 0
                                    

The Past

Lumipas na ang tatlong linggo mula naging slave ko si Clark at nung nangyare sa bar, bumalik ulit kame sa pagigiging aso't pusa.

Lagi nga kaming napagka-kamalan na mag boyfriend eh, pero dedma lang samin kasi deal lang naman kung bakit kame magkasama eh, nothing more. Pero ngayon medyo close na kame hindi tulad ng dati.

Lunes ngayon at may pasok nanaman magkikita nanaman kame ng mokong nayun, hindi narin ako nagpapahatid sakanya kase napa-ayos ko na ang sasakyan ko 2 weeks ago. Pagkatapos kong kumain nagpahatid na ako sa driver ko.

Pagdating sa school nakita ko ang kumpulan ng mga istudyante sa quadrangle pero hindi ko iyon pinansin.

Dumiretso lang ako sa building namin nang makabangga ko ang lalaki na kasing edad ko lang at parang bagong salta. Nalaglag ang mga gamit ko kaya pinulot niya.

"Sorry miss, ito oh" Iniabot niya ang gamit ko. Infairness gwapo siya mukhang artista. Crop- back to reality.

"Thank you, sige ako na" Kinuha ko ang gamit ko sakanya pati ang natirang papel sa lapag.

Pagkatayo ko inilahad niya ang kamay saakin ako naman may malaking question mark sa mukha.

"I'm sorry ulit, by the way i'm Jake Santillan" Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay nadin.

Ang mga taong kaninang nagkukumpulan ay nakatingin saamin. Whats wrong with this people ?

"Annya Alexa Valderama, newbie here?" Tumango siya saka binitawan ang kamay ko.

"Hmmm. Yes and saan ba dito ang business ad. department?" Sabi niya saakin na parang nahihiya.

"Oh! Nandito kana sa business ad. Building, by the way anong block mo?" Tinignan niya muna ang papel na hawak niya.

"Block 1"

"Blockmate pala tayo eh, halika pumunta ka muna sa department ng business ad."

Sumama naman siya saakin pero hangang ngayon ay nasa amin padin nakatuon ang mga mata ng lahat ng istudyante. May babaeng lumapit saakin tourism student siya. At mukhang bitch.

"Grabe famewhore ka pala Alexa?, akala mo kung sino kang mabait tsk tsk" At iniling-iling niya ang kanyang ulo na parang nanghihinayang. What the heck!? Ano bang ginawa ko sakanya.

"Excuse me miss what the hell is your problem? And as far as I remember we didn't know each other so why are you calling me famewhore huh!?"

Sabi ko sakanya ng nakataas ang kilay ko. Si Jake naman nakatingin lang saamin.

"Do you wanna know whats my problem is?, ok let me state it one by one, first you're always with Clark wherever he go and I hate seeing you with him because he's mine and now you're flirting with Jake?" Nagkibit balikat akong lumapit sakanya.

"Miss.. what's your name?"
Sabi ko ng nakataas ang kilay.

"Alondra" Sabi niya ng nakataas din ang kilay.

"Ok, miss Alondra first of all I don't know who you are, second i'm always with Clark because he's my bestfriend's cousin and third i'm not flirting with this man beside me, i'm just helping him to find her block and he's my blockmate so what the matter with it?"

Sabi ko with confidence.
Pero hindi na siya nagsalita. Kaya sinamantala ko na iyon para umalis.

"So if you'll excuse us, may pupuntahan pa kame"

Dumaan kame ni Jake pero bago pa kame makalagpas sakanya bigla siyang nagsalita.

"We're not yet done miss Valderama" Hinarap ko siya.

"Game on" Pagkasabi ko nun umalis na kame. Habang naglalakad kame bigla akong napatanong kay Jake.

"Hmm... Jake bakit madaming nakatingin sayo?" Naiilang pa akong magtanong. Pero nagulat ako nang bigla siyang natawa.

"Seriously? Hindi mo ako kilala?" Napatingin ako sakanya pero parang pamilyar nga siya.

"No, At wala akong balak, halika na at may klase pa tayo" Sabi ko sabay lakad ng mabilis.

Pagdating namin sa faculty kinausap lang siya at agad naman kaming nakalabas. Nakapagtataka lang kase close niya yung mga faculty staff. Maya maya may humawak sa braso ko pati si Jake napatingin si Clark lang pala.

"Oh! Annya kanina pa kita hinahanap saan kaba galing?" Sabi niya saakin. Bigla naman siyang napatingin kay Jake. Saka niya ako inakbayan.

"Ikaw ang kanina ko pa hinahanap, may sasabihin ako sayo mamaya" at inalis ko ang pagkaka-akbay niya saakin.

"Pare Jake nga pala" Inilahad ni Jake ang kamay niya pero hindi tinanggap ni Clark. At tinitigan niya lang ito ng matalim.

"Wag na tayong maglokohan dito Santillan, bakit ka ba bumalik hah?" Sabi ni Clark na may pagmanayabang sa tono niya.

"M-magkakilala kayo?" Gulat na tanong ko.

"Oo at hindi ka dapat lumalapit sakanya" Sabi niya sabay hila saakin sa tabi niya.

Tinapunan niya ng matalim na tingin si Jake at ganon din si Jake sakanya. Hinila ko si Clark ng kaonti palayo kay Jake saka ako nagsalita.

"Clark ano mo ba siya at bakit moko inuutusan ? Diba ikaw ang slave ko?" Sabi ko habang nagtitimpi ng inis.

Hinilamos niya ang mga palad niya sa mukha niya saka siya nagsalita.

"Yun nga eh Slave mo ako at PERSONAL BODYGUARD at responsibility din kita, kase saakin ka binilin si Jean. thats why i'm keeping you away from him!" Sa bagay may point siya pero tumutulong lang naman ako eh.

"He's harmful Annya I don't want you to get in a trouble because of that asshole" Sabi niya habang nahawak ang kamay niya sa balikat ko.

Pero ang ikinagulat ko ay ang pag kabog ng dib-dib ko at pagdaloy ng elektrisidad sa aking katawan sa sinabi niya.

"Ok, I got your point pero hindi naman masamang tulungan ko siya eh, sige mauna kana sa classroom" Sabi ko sakanya at lumapit na ako kay Jake. Pagpasok niya ay sumunod narin kami at pumunta sa upuan.

"Ano mo ba si Monterial?" Sabi niya habang inilalapag ang bag sa upuan niya.
Pero napaisip ako kung anong isasagot ko.

"Pinsan siya ng bestfriend ko" Agad kong tugon sa tanong niya.

"Is it Patriz?" Tumango nalang ako.

"Eh ikaw paano kayo nagkakilala? At bakit sikat ka dito?" Pag-aalinlangan kong tanong.

"Childhood friend ko siya but actually hindi lang siya marami kame, do you know Casey?" Tumango lang ako "She's Clark's first love but Casey doesn't like him because Casey is inlove
with .....me" Tango lang ako ng tango sa mga sinasabi niya.

"Nalaman ni Clark na kame na ni Casey kaya nagalit siya saakin, I didn't mean to hurt him but I love Casey too"

Pagkasabe niya nun parang may kumurot sa puso ko hindi ko alam kung anong isasagot sa mga sinasabi niya ang alam ko lang nasasaktan ako para kay Clark.

"At kaya naman ako sikat kase model din ako at kalaban ko ang brand na ini-endorse ni Clark pero mas sikat siya" Tumango lang ako.

Maya maya dumating na ang prof. namin napatingin ako kay Clark at nagtama ang mga mata namin kaya napatingin ako sa harap. Nagdiscuss lang mga prof namin.

Hangang natapos lahat ng subject namin ay hindi ko na nakita si Clark. Kaya napagpasyahan ko ng umuwi narin.

I'm Yours ExclusivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon