P.S: hi rian...mwahhh...hahaha
Pagdating ni Dawn sa bahay ay naabutan nya si Pearls na balisang-balisa...
Dawn: Oh, Yaya Pearls, bat ganyan ang mukha mo, anong nangyari sa'yo?
Yaya Pearls: Eh, Ma'am si Liana po, umalis..parang lalayas ata yun..
Dawn: Ha?! Bat di mo pinigilan?
Yaya Pearls: Pinigilan naman Ma'am eh, pero ayaw talaga niya...
Dawn: My God! Saan natin sya hahanapin ngayon?
Yaya Pearls: Naku malamang, pupunta siguro sa nobyo nya.....
Dawn: Sabihan mo si Manong Driver ihanda ang kotse dali, at magbihis ka, may pupuntahan tayo..
Liana: Please Jacobo, itanan mo na ako please...
Jacobo: Hindo to tama, Liana..halika na, e-uwi na kita sa inyo...
Liana: Ayaw ko Jacobo..ayaw ko na doon..
Jacobo: Pero Liana, paano ang Tita mo?
Liana: Bahala na, wala akong pakialam sa kanya...sege pag-ibinalik mo ako doon, hindi mo na ako makikita..
Jacobo: Ikaw, talaga, halika na nga..
Liana: Teka saan tayo pupunta?
Jacobo: Sa bahay namin/...
Liana: Teka, huwag matutuntun tayo ni Tita..
Jacobo: Eh, saan tayo pupunta?
Liana: Anywhere, basta huwag lang sa bahay nyo..
Jacobo: Ah, alam ko na....takas tayo papuntang Batanes..
Liana: Oh, I love that place....tara na.....
Sa bahay ng mga Thermopolis...
Dawn: Nandiyan ba si Jacobo?
Guard: Wala po Ma'am eh..
Dawn: Wala? Eh baka nagsisinungaling ka lang?..tawagin mo ang amo mo.....
(Nagkataon namang lumabas si Richard)
Richard: Anong problema dito Manong?
Guard: Eh, eto kasi si Ma'am beautiful hinahanap ang kapatid mo...
Richard: Okay na bahala dito..
Dawn: Nasaan ba ang kapatid mo!??
Richard: Wala siya dito..bakit may problema ba?
Dawn: OO malaki, ilabas mo kasi yang kapatid mo eh...
Richard: pwede ba, huminahon ka, mag-usap nga tayo like we're professionals
Dawn: Umalis si Liana sa bahay...I'm sure magkasama sila...
Richard: teka kaano-ano mo si Liana?
Dawn: Pamangkin ko lang naman siya..kaya ilabas mo na ang kapatid mo..!
Richard: Wala talaga sya dito eh...teka, tatawagan ko..
Tinawagan nya ang kapatid pero out of coverage area na ito....
Richard: Out of coverage area na.....don't worry Dawn, tutulong ako sa'yo sa paghahanap sa kanila..for now umuwi na lang muna kayo....
Dawn: Siguraduhin mo lang Richard, siguraduhin mo lang....
(At umalis na sila pabalik ng bahay niya)
.....Alas dose na ng hating gabi ay hindi pa rin siya makatulog ang kanyang isip ay nandun lamang kay Liana...nagtry siyang tawagan ang number nito, nagbakasakali na sasagutin nito ang tawag....at hindi naman siya nabigo..