Chapter 25

1.3K 30 7
                                        

Umuwi si Dawn dahil sa sumasakit na kasi ang ulo niya sa office, pagkadating niya sa bahay ay agad siyang nagpatimpla ng kape kay Yaya Pearls..

Yaya Pearls: Ma'am heto na po ang kape nyo...

Nooy kasalukuyang nakahiga lang si Dawn..

Dawn: Pakilagay na lang diyan Perla, at bago ka lumabas, pwede bang pakihagod nga ng ulo ko..sakit eh..

Yaya Pearls: Sure Ma'am, that's my pleasure...

At pumuwesto na sa ulohan ni Dawn si Yaya Pearls..

Yaya Pearls: Eh puro trabaho ka na lang kasi Ma'am eh..Alam mo Ma'am hindi din makakabuti yan kung ang purpose mo lang ay ang makalimutan ang sakit..

Aba parang natumbok ata ni Yaya Pearls ang nararamdaman niya, on the other hand, may tama rin ito..

Dawn: Tumigil ka nga Perla, eh inutusan lang naman kitang hagurin yung ulo ko, at anong alam mo sa nararamdaman ko?

Yaya Pearls: Alam mo Ma'am kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko, sapagkat nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata mo, alam ko at alam mo na may mabigat kang dinadala...

Medyo napa-isip naman siya sa sinabi ni Yaya Pearls, paminsan minsan may tama din ito, kahit na maloko ito, ay sensitive din pala ito sa dinaramdam ng iba..

Yaya Pearls: Kilala na kita Ma'am (pagpapatuloy nito) hindi ka na makakadeny sa akin, ang mabuti sa halip na puro na lang trabaho ang ina-atupag mo....magbakasyon ka kaya muna, sa Bora, sa El Nido, o kahit saan mo gusto...yung makapag-unwind ka....

Dawn: Aba at may unwind ka pang nalalaman huh..

Yaya Pearls: Ganyan talaga Ma'am, para maintindihan mo ako, eh Englisera ka pa naman....

Dawn: O, sha, sha, ewanan mo na nga ako, okay, para di masayang effort mo, okay I'll think about it...

Yaya Pearls: Wow, mabuti naman Ma'am huh, at may time ka nang pakinggan ang mga suggestions ko...sege na nga aalis na nga ako, para makapag-isip ka na....

Nang maka-alis si Yaya Pearls ay napa-isip talaga si Dawn..."may punto naman si Yaya Pearls" sa kaloob-looban niya, bakit kaya di kaya siya magbakasyon....hmm "El Nido, see you soon"....

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakapagpasya din siyang mag unwind sa El Nido, Palawan, she already heard about the place, she already saw it in the picture, and she find the place so relaxing and secluded, actually, she'd planned to have a trip to El Nido but it didn't pursue due to many business commitments, thanks to Yaya Pearls, finally she can book a vacation to her dream place.

The next day, maagang nagising si Dawn, tinawagan niya ang kanyang secretary upang ipa cancel lahat ng appointments niya..

Yaya Pearls: oh, Ma'am ang aga mo atang nagising?

Dawn: Perla, I already made a decision, I already booked a flight to El Nido, so I'll leave tomorrow, for today, sasamahan mo akong mamili ng mga kakailanganin ko for my one week vacation..

Yaya Pearls: Ma'am yes Ma'am!, basta ba papakainin mo ako ng Pizza...

Dawn: Hay naku naman, oo naman, ako pa...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Busog na busog si Yaya Pearls dahil sa dami ng Pizzang kinain...

Akin Ka Na Lang ( CharDawn )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon