Chapter 7

1.4K 21 3
                                        

Hinila ni Richard si Dawn papalapit sa kanya, causing their bodies to come closer so close that they can feel each other's heat, kahit malamig sa pool..napalakas ata ang paghila ni Richard sa kanya na muntik nang magbaga ang mga mukha nila....natigilan silang dalawa, they stare at each other's face, ang kanilang mga mata ay nangungusap, nangungulila sa isa't isa, makikita sa mata nila ang pananabik, ang pananabik na di kayang ilihim at mas lalo pang tumitindi sa paglipas ng maraming panahon, unti-unti naglapit pa ang kanilang mukha, malapit na malapit, nararamdaman ni Dawn, ang kamay ni Richard na mahigpit na nakakapit sa beywang nya, habang naramdaman nya ang paggapang ng kanyang kamay patungo sa dib-dib ni Richard, hindi pa rin nagbago, paborito pa ring tambayan ng mga kamay nya ang dib-dib nito..ang malapad at machong dib-dib nito...Akma na sanang hahalikan ni Richard si Dawn, nang biglang mahimasmasan si Dawn.......Iniwas ang kanyang mukha at tinanggal ang mga kamay mula sa dib-dib ni Ricardo..

Ricardo: Sorry, I don't mean to do it...

Sa sinabing iyon ni Richard ay, gumuhit ang galit sa mga mata ni Dawn dahilan na sampalin nya ng pagkalakas-lakas..umahon si Dawn mula sa pool, kinuha ni Richard ang kanyang mga kamay upang alalayan sya pero kinuha nya ang kamay nya at walang sabi-sabing umalis..tinawag sya ni Richard ngunit hindi na sya lumingon at nagpatuloy patungo sa kanyang room...

 Richard's POV

Iniwan ako ni Dawn, nagtungo na rin ako sa kwarto ko, hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari kanina sa pool, muntik na nyang mahalikan ito at habang papalapit ng papalapit ang mukha nila sa isa't isa ay unti-unting nanumbalik, unti-unting nanumbalik ang mga ala-ala na matagal ko nang inilibing sa limot, sabay nito'y ang pag-usbong ng isang damdamin, isang damdamin na matagal ko nang pinatay buhat ng  si Dawn ay umalis sa aking piling...nakikita ko sa mga mata nya kanina ang pananabik, ang takot, ang damdaming pilit nyang itinatago sa akin....sa puso ko, nararamdaman kong mahal pa rin nya ako, kahit di man nya aminin, at sinampal man nya ako, kung yun ang magbibigay ng justice sa kanyang damdamin, then handa akong sampalin nya ako uli, mapalapit lang sya sa akin.....

Dawn's POV

Walang hiya ka Richard, walang hiya ka, galit ako sa'yo, kinasusuklaman kita, ikaw na nagbigay ng matinding kirot sa aking puso, gusto na kitang kalimutan, kamuhian, pero bakit ganito....walang hiya ka.....dapat sa simula pa lang pnigil na nya ito, dapat hindi niya hinayaan na hawakan sya nito, hanggang ngayon manloloko ka pa rin....naiinis ako sa sarili ko, kanina, habang papalapit ang mukha nya sa akin ay nararamdaman ko ang sensation na muling nabuhay sa akin, muling bumugso ang damdaming ayaw na ayaw ko nang balikan, at higit sa lahat na nagpapahimotok ng damdamin nya ang sabihin nitong "I don't mean to do it" ganun lang Richard? ganun?, ganun lang iyon?......dahil ba may Francella ka na?....unit-unting umagos ang luha na kanina pa nya pinipigilan, di na sya nakapagtimpi at ngayon ay nakikita nya ang sarili na humihikbi....

Kinaumagahan ay maagang nagising si Richard para sa wine tasting nila kasama si Dawn, excited sya sa umagang ito na hindi nya alam kung bakit,.....nagpunta na sya sa venue para sa wine tasting,.............after 10 minutes ay wala pa rin si Dawn sa venue.........

Richard: sana darating sya....(sigh)

Francella: hello mahal! (sabay kiss sa cheek ni Ricardo)

Napatigil sa pag-iisip at nabigla ng makita si Francella, nang makita nya ito ay nakaramdam sya ng dissappointment..

Ricardo: hello mahal...sabay kiss sa lips..

(kiniss nya ito sa lips upang hindi nito mahalatang frustrated sya..)

Francella: oh, bakit ganyan ang mukha ng mahal ko?

Ricardo: ah, eh, wala.....

Francella: (palinga-linga sa paligid) bakit, hindi pa ba dumarating si Dawn?

nabigla si Ricardo sa tinuran nito, bakit nya alam na si Dawn ang kasama nya sa wine tasting?

Francella: nagtanong kasi ako sa secretary mo, but it's okay, no hurt feelings, for the sake of business naman yan eh...

Ricardo: thanks honey, kahit kailan napaka-understanding mo talaga sakin, akala ko galit ka...(sabay kiss sa forehead)

Ang lahat ng mga sweet moments na iyon nina Ricardo at Francella ay na witness ni Dawn sa malayo, parang dinurogdurog ang puso nya sa sobrang sakit, ang saaaaaaaakiiiiiiiiiitttttttttt......pero hindi sya magpapa-apekto, kahit ano pa man ang nangyari sa kanila ni Ricardo nong isang gabi..she has to pretend everything is alright, that's she's not affected, that she's completely okay and fine..lumapit na sya sa kinaroroonan nina Ricardo at Francella..

Francella's POV

Mula sa malayo ay nakita ko si Dawn na papalapit sa amin, nakaramdam agad ako ng insecurities habang nakita ko syang papalapit sa amin, maganda pa rin ito, at sexy......sa totoo lang nang malaman ko mula sa secretary na si Dawn pala ang kasama ni Ricardo ay agad syang nagbihis, at agad na tumuloy sa venue.., buti na lang maaga nyang nalaman ang schedule ni Ricardo at naabutan pa nya ang wine tasting, nasa Philippines pa kasi sya at kararating lang nya kahapon...Nang papalapit sa amin ay nakikita ko sa mga mata ni Ricardo ang panghanga, habang napapansin ko iyon ay namayani sa aking puso ang pangangamba, ang pangambang baka mabuhay muli ang damdamin nya noon para kay Dawn.....

Richard's POV

Ano na kayang iniisp ni Dawn tungkol sa nangyari kagabi, galit pa rin kaya sya sa akin? , lalapitan ko na lang sya para humingi ng sorry...

Richard: Hello Dawn...

Lumingon si Dawn para harapin si Richard..

Dawn: oh, hello din Richard.....(maikling tugon nya)

Richard: Ayos ba?

Dawn: Ayos naman, so far, so good....

 Richard: So what are your plans na?

Dawn: wala pa.....(tumitingin sa wine, habang pina-ikot-ikot ng kamay nya ang wine glass)

Richard: ah....Dawn...tungkol pala sa nangyari kagabi..gusto ko nga..palang..

(Hindi na sya nakapagpatuloy sa pagsasalita dahil pinutol ito ni Dawn.)

Dawn: Ah, yun kalimutan mo na yun,....huwag mo nang isipin..

Richard: pero gusto ko talagang humingi ng paumanhin sa...

Francella: Sa ano Richard?

 Narinig pala ni Francella na nasa likod lang pala nila at nakikinig..

Richard: ah, wala, wala, wala Francella..

Francella: eh, parang may sasabihin ka kang Dawn eh, may nagawa ka bang kasalanan?

Nagpumilit pang magtanong si Francella na siyang ikina--inis ni Dawn, actually kanina pa talaga sya naiinis....dahil sa....SELOS..

Dawn: yan si Richard kasi, muntik na akong halikan kagabi...

Richard: Dawn?!!

Pinukol nya ng tingin si Dawn..

Francella: totoo ba ito Richard? (Tears beginning to form in her eyes)

Dawn: OO, totoo yan Francella..kagabi ....

Richard: Dawn!!!!! (Bulyaw ni Richard)

Kita ni Dawn ang galit sa mga ni Ricardo...tumakbo naman si Francella palabas with eyes full of tears...Hinabol naman ni Richard si Francella pero bago sya umalis ay pinukol nya ng isang makahulugang tingin si Dawn... Richard: I hope you're happy......at mabilis na naglakad upang sundan si Francella..

______________________________________________________________________________

Before we move to the next chapter, we, the authors Monica and Bianca would like to extend our warmest gratitude to all our readers and supporters, thank very much from the bottom of our hearts...

Akin Ka Na Lang ( CharDawn )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon