Francella: Saan ka ba galing? Kanina pa kita tinatawagan pero di ka naman sumasagot? (Galit na boses ni Francella)
Richard: I'm sorry, nakatulog kasi ako sa condo eh,...
Francella: Totoo? baka naman kasi may kasama kang iba dyan....si Dawn...
Richard: huh, bakit mo naman nasabi 'yan?
Francella: eh, malay natin kung nagkakamabutihan na pala ka'yo ulit? eh, dba hinimatay siya at binuhat mo pa nga?
Richard: eh, ano naman ngayon, eh, kawawa naman yung tao, naawa-awa lang ako sa kanya...may mali ba dun?
Francella: eh, bakit di mo sinabi sa akin kaagad?
Richard: Kelangan pa ba yun Francella, eh wala naman kwenta yun, maliit lang yun na bagay, kaya di na yun dapat pinapalaki pa?! Hay naku pinapunta mo lang pala ako dito para magtalo tayo?!, nakakabuwisit naman!...
Francella: Richard, I'm sorry na, syempre naman diba? Sorry na?
Richard: Next time kasi kung magseselos ka sana naman yung may mabigat talagang dahilan, di yung kung anu-ano lang...
Francella: Sorry Chard, sorry...I love you so much, (NIyakap ni Francella si Richard at hinalikan si Richard sa labi, tinugon naman ito ni Richard...naupo sila sa sofa habang naghahalikan....naging mapusok si Francella at marupok naman si Richard, they kissed and made love....
Richard: I'll go home na Francella..
Francella: can you just stay for a moment? Na miss kaya kita....
Richard: Sorry honey, kelangan ko pa kasing kausapin si Mama, tungkol kay Jacobo...
Francella: Yun ba talaga yun?
Richard: Francella?!
Francella: Okay Chard, again, sorry, you may go, now and please kiss Tita Helen for me...
Richard: Yes, I will....(Hinalikan ni Richard si Francella sa cheek sa ka umalis na, while Francella left in doubt)
Francella's POV
Alam ko Richard, something wrong is going on with you, kung ano man yun, di ko alam, pero alam kong may nagbago sa'yo, di ka na ganoon ka init sa akin gaya di gaya ng dati....huwag na huwag kang magkakamaling lokohin ako Richard, dahil magpapakamatay talaga ako sa oras na mawawala ka sa akin, ang dami ko nang sinakripisyo para sa'yo, mapasaakin ka lamang, at di na ako papayag na mawawala ka pa......HINDI!
************************************************************************************************************
Sa bahay ni Dawn.....
Yaya Pearls: Ang sweet talaga ni Sir Richard, Ma'am, biruin mo, inihatid ka pa talaga nya dito..(pagbibiro ni Yaya Pearls, habang iniabot kay Dawn ang isang basong gatas, nakahiga naman si Dawn sa kama niya)
Dawn: Anong sweet ang pinagsasabi mo diyan Yaya.....? wala kasi akong kotse, at hinimatay ako sa office kanina kaya inihatid niya...
Yaya Pearls: Ito naman si Ma'am napakadefensive, eh ang sabi ko lang naman ang sweet ni Sir, pero talaga Ma'am, hinimatay ka'yo, kumusta naman pakiramdaman nyo ngayon Ma'am? okay ka lang ba? wala na bang masakit sa'yo? huh? huh?
Dawn: Huwag kang OA Yaya, okay lang ako!
Yaya Pearls: 'to naman si Ma'am oh, OA agad? diba pwedeng concern lang talaga ako sa'yo, syempre naman, bukod kay Sir Richard na nagmamahal sa'yo syempre ako din mahal din kita.....
Dawn: Anong Sir Richard na nagmamahal sa akin huh?
Yaya Pearls: Syempre bilang friend Ma'am, eh diba concern nga sa'yo so mahal ka niya, ikaw talaga Ma'am bakit napakadefensive mo pagdating kay Sir Richard, wala naman akong mini-mean? Bakit Ma'am,o baka naman may something ka'yo!?
Dawn: Hoy Perlita! tigil-tigilan mo ako huh!, makakatikim ka sa akin ngayon....!
Yaya Pearls: ay biro lang naman po Ma'am, sege change topic na lang po, kumusta na po ka'yo ni Liana at ang ina niya?
Dawn: hay, wala pa, di pa kami nakapag-usap ng mabuti, hay ,ayoko ko munang mag-isip, sa ngayon, iwanan mo muna ako at nang makapagpahinga na ako....
Yaya Pearls: sege po Ma'am....mwah....
Pagkatalikod ni Yaya Pearls, ay napabuntong hininga siya, abot-abot ang kanyang problema ngayon, di niya alam kung paano niya sisimulan? pero sa kabila ng mga suliranin ay masaya naman siya sa kung anong meron sila ni Richard ngayon, kahit secret affair lang, nawawala ang lahat ng problema niya pagnandiyan si Richard, para bang ang dali lang ng lahat pagkasama niya ito, alam niyang magiging complicated ang lahat pagdating ng panahon, lalo na pag malalaman ni Francella at ni Mrs. Thermopolis ang relasyon nila, pero ayaw muna niyang isipin iyon, ang mahalaga ang ngayon.......Ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa siya ay tuluyang maka-idlip.....
***********************************************************************************************************
Richard's Room
Richard's POV
Baka nahahalata na ni Francella na unti-unti na akong nagiging malamig sa kanya? Teka, paano naman niya nalaman ang nangyari sa office kanina? Di kaya? Hmm, dapat pala kaming mag-iingat nito, baka may inu-utusan siyang tao, malay natin.....Pero di mo ako masisisi Francella, alam mo yan noon pa na si Dawn talaga ang mahal ko, sana pagdating ng araw, maiintindihan mo ako......at si Mama, unti-unti kong babagohin ang lahat, I'll do everything na magustuhan niya si Dawn, at kung hindi man, sana magawa niyang igalang ang desisyon ko as a grown up man, ngayon Mama, ako naman ang masusunod, ilang beses ko namang sinunod ang desisyon mo, wala akong ibang ginawa kundi pagbigyan ka, ngayon sana ako na din naman ang sundin mo Ma, sana......
Kinuha niya ang kanyang phone at nagsend ng sweet message kay Francella " Good night, pahinga ka na, sorry din kanina kung nagalit ako, see you tomorrow, you're in my thoughts always" pagkarecieve ng message na yun ay kinilig naman si Francella, ang agad-agad nawala ang pagdududa niya, konting lambing lang talaga ni Richard at napapa-amo na siya, ganyan niya ito kamahal..................Samantalang, nag send din ng message si Richard para kay Dawn..." Good night Love, I know you're already sleeping, that I love you so much and I'm dying to be with your side, big hugs, mwah" ........pagka send nun, ay humiga na rin sya sa malaking kama niya habang binabalikbalikan ang mga nangyari sa Cebu, while thinking those moments ay lihim syang napapangiti, specially those moments when they made love......until he fallen asleep with a huge smile in his lips...
%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%
End of Chapter 21...
![](https://img.wattpad.com/cover/4219998-288-k916872.jpg)