Chapter 13

1.6K 27 4
                                        

Tanghali na nang magising si Dawn, mugto ang mga mata at sumasakit pa ang kanyang ulo......tinimplahan sya ni Yaya Pearls ng kape..

Dawn: Si Liana gising na ba? (Tanong nya kay Yaya Pearls, nakapikit ang mata habang minamasahe ang sintido..

Yaya Pearls: ah, umalis na po Maam...

Dawn: Huh? Saan nagpunta?

Yaya Pearls: Ss special someone na naman siguro nya Maam..

Dawn: mukhang napapadalas na ata ang pag-alis ng batang yan na hindi man lang nagpapa-alam sa kin....

Yaya Pearls: hayaan nyo na lang yun Maam, tiyak nag-eenjoy yun, pahinga na lang po muna ka'yo kasi parang ang stress nyo po..

Dawn: Kinakampihan mo ba ang batang yun?

Yaya Pearls: ah, hindi naman po Maam, concerned lang po ako sa'yo kasi, nararamdaman kong parang may dinaramdam ka....ah eh..Maam...kung kelangan mo ng karamay, nandito lang po ako, handang makinig sa'yo (Ang sweet ni Yaya Pearls)

Dawn: Salamat, pero okay lang...sumasakit kasi ang.......(puso ko)...dugtong ng isip nya...ang mga mata ko....

Yaya Pearls: Malamang, iyak, kayo ng iyak eh..bakit nga ba Maam?

Dawn: Bakit na ang dami mong tanong?..pakitawagan mo na nga lang yong secretary ko, sabihin mo hindi ako makakapasok today kasi masakit ang ulo ko..at nasaan na ba yong mga body guards na nahire ko para bantayan si Liana?

Yaya Pearls: Nagsipag-alis na po Maam, eh binayaran ni Maam Liana para umalis eh..mas doble pa sa ibinayad mo sa kanila...

Dawn: What the!!!!!!! (bulalas nya) 

Umalis si Yaya Pearls para tawagan ang secretary nya...

Secretary: Yes, Ms. Renaldi's office....

Yaya Pearls: Hello, si Perla ito, katulong ni Maam Dawn, ah, inutusan po ako ni Maam, na tawagan ka'yo kasi hindi po sya makakapasok ngayon kasi masakit ang ulo nya, paki cancel na lang daw po lahat ng appointments nya ngayon...

Secretary: Ah eh, paano na yan, eh may meeting po sya kay Mr. Thermopolis ngayon eh...ah, teka lang ha, kakausapin ko muna si Sir, nandito na kasi sya kanina pa..

Richard: Sino yun?

Secretary: Ah, katulong ni Maam, hindi raw kasi makakapunta si Maam kasi masakit ulo nya eh...

Richard: ah, ganun ba, okay,,,,cege, okay lang...

Secretary: sure ka po Sir...?

Richard: yes..

Secretary: hello, Ms. Perla..okay daw po..

Yaya Pearls: cege salamat...

...............................................After several minutes, ay narating din ni Richard ang bahay ni Dawn, nakuha nya ang Address nito sa guard don sa company nila.............................................

Richard's POV

Naawa ako sa kanya nang malaman ko mula sa secretary nya na masakit ang ulo nya, napaka workaholic din kasi...kaya napag pasyahan kong puntahan ko na lang siya sa bahay niya...

(Ininhinto nya ang kotse sa tapat ng gate ng bahay ni Dawn, bumaba sya at nakipag-usap sa guard)

Richard: Ito po ba ang bahay ni Ms. Renaldi?

Guard: Yes, Sir, ano pong sadya nila?

Richard: ah, si Mr. Thermopolis ito..nandiyan po ba siya? gusto ko sana siyang makausap?

Akin Ka Na Lang ( CharDawn )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon