Maagang nagising si Dawn, naglalakad siya sa may dalampasigan nang makasalubong niya si Richard na nakatopless lang lang at naka jogging pants, agad siyang nag-iwas ng tingin dahil na-o-awkward siya sa matipunong pangangatawan nito...
Richard: Hello Dawn!
Dawn: Hi...( saka nagpatuloy sa paglalakad, sinabayan naman siya ni Richard)
Richard: Hindi mo ba talaga ako kaka-usapin?
Dawn: Hindi, why? what for, we're over..
Richard: Dawn please, bigyan mo naman ako ng isa pang chance, kaya nga kita sinundan dito eh, kasi gusto kong ayosin ang lahat lahat sa atin, I don't want to loose you Dawn....mahal na mahal kita..
Dawn: Hinding hindi mo na ako maloloko Richard, pagod na ako, sawang sawa na, paulit-ulit na lang eh, sana hindi na kita hinayaan pang pumasok uli sa buhay ko, anoba't hindi pa ako natuto...
Richard: Don't say that Dawn, I'm doing my best naman eh...
Dawn: Siguro nga Richard, dapat na natin tong taposin, you have your Francella naman eh, at mas botong boto naman ang Mama mo sa kanya, ayaw ko na Richard, nakakasawa na rin kasi ang palaging nagtatago eh...Hanggang dito na lang siguro tayo Richard..Though you love to stay here, I think you better go home, kasi baka malaman to ni Francella at kung ano pa ang isipin niya..bye Richard...(Masakit man para sa kanya na bitiwan ang mga salitang yun, pero kailangan na niyang wakasan ang namamagitan sa kanila ni Richard para magkaroon na rin siya ng katahimikan, pagkasabi nun ay mabilis na siyang naglakad papalayo sa binata habang si Ricardo naman ay malungkot ang mukha na pinagmasdan sya habang naglalakad papalayo...
Litong lito si Richard, hindi niya alam ang kanyang gagawin, hindi niya aakalaing, aabot sila sa ganito pero naniniwala pa rin siyang, maayos pa rin nila ni Dawn ang lahat....at kahit anong mangyari hinding hindi siya aalis sa El Nido, hanggang nandito si Dawn, dito pa rin siya mamalagi....
.
.
.
.
.
.
Napa-upo sa Dawn sa may puno ng niyog habang nakatanaw sa matingkad na dagat...napatigil siya sa pagmumuni-muni nang may lumapit sa kanyang binata..
Gentleman: Hello Ms. Beautiful, pwede ba kitang samahan dito, napapansin ko kasing nag-iisa ka lang at kailangan mo nang kausap (may pagka presko din tong isang to) pwede ba akong ma-upo sa tabi mo?
At dahil medyo nabobored na rin siya at parang kabastusan naman kung tatanggihan niya ito, kaya hinayaan na lang niyang maupo sa tabi niya..
Dawn: Yes, sure... (pagpayag niya)
Gentleman: Ako nga pala si Joe..( sabaya abot ng kamay)
Dawn: Dawn...(walang kabuhay-buhay niyang tugon habang ang mga paningin ay nakatuon pa rin sa malinis na karagatan at hindi man lang inabot ang kamay ng binata)
Joe: Hmmm, sa tingin ko mukhang malalim ata ang ini-isip mo, hindi na lang kita iistorbohin, aalis na lang ako pero baka naman gusto mong malibang ngayong gabi, birthday ko kasi at may party, so you're invited....(pagkasabi sa detalye ng venue ng party ay tumayo na si Joe, para umalis na halos di maalis ang tingin nito kay Dawn, mga tinging punong puno ng pagnanasa..
.
.
.
.
.
.
Kinagabihan ay hindi makatulog si Dawn, na kay Richard lang kasi ang isip niya na hindi niya alam kung umuwi na ba o ewan.....upang makalimot ay naisipan niyang pumunta sa venue ng party ni Joe, it was 11:30 in the evening...nang marating niya ang venue ay wala man lang siyang makitang tao...at napakadilim pa ng paligid, kaya agad agad ay naisipan niyang bumalik pero...
Joe: Hello Dawn, buti naman at naisipan mong pumunta....
Dawn: Akala ko, birthday party mo, bakit parang ang tahimik ata...
Joe: Tapos na eh, ang tagal mo kasi....pero since pumunta ka, ayaw ko namang sayangin ang effort mo...Alam kanina pa kita iniisip, simula ng makita kita kanina ay di kana maalis sa isip ko, ang ganda mo talaga Dawn.....(sabay haplos sa pisngi niya)
Iniwas naman ni Dawn ang kanyang mukha..
Dawn: Sege Joe mukhang wala namang birthday party eh, sege, mauna na ako...
Joe: As if naman makaalis ka Dawn? saka hinarang ang sarili sa dadaraanan niya..
Dawn: Joe paraanin mo ako,
Joe: let's enjoy this night Dawn, sabay yakap sa dalaga at pilit na hinahalikan ito..
Pilit namang nagpupumiglas si Dawn, Tulong! Tulong! sigaw niya
Joe: Walang makakarinig dito sa'yo Dawn....sabay tawa....
Takot na takot na talaga si Dawn, deep inside ay patuloy siyang nanalangin sa Panginoon na may magliligtas sa kanya, ang lakas lakas kasi ni Joe at hindi man lang niya ito kayang ipagtabuyan.....
Pero dagli dagling natigil ang pag-aalala ni Dawn ng makarinig siya ng isang malakas na suntok na siyang ikinabuwal ni Joe dahilan upang bumagsak ito sa lupa...laking pasalamat naman ni Dawn "Thank you God!"
Richard: Huwag na huwag kang magkakamali na saktan ang babaeng pinakamamahal ko, (sabay tutok ng baril kay Joe)
Napayakap naman si Dawn kay Richard, hawak hawak ang kamay nito na nakatuon kay Joe, ayaw rin kasi niyang makalabit nito ang baril ang mapatay ang lalaking nanakit sa kanya, ayaw nyang madumihan nga mga kamay nito..
Dawn: Richard...tama na, pabayaan mo na siya.....
Joe: Sorry, sorry, nalasing lang kasi ako....(at kumaripas ito ng takbo sa takot na mabaril siya ni Richard)
Napahagulhol naman si Dawn at isinubsob ang mukha sa dib-dib ni Richard...
Richard: tahan na, tahan na, I'm here na, walang nang mananakit sa'yo...
Inalalayan ni Richard si Dawn at inihatid niya ito sa kanyang silid, nanginginig pa rin kasi ito sa takot...Inalalayan na rin niya itong mahiga sa kanyang bed.....
Dawn: Richard, I'm afraid...
Richard: Don't be, I'm here...
Dawn: Please don't leave me....
Richard: No, I will not, I'm here by your side...don't be afraid...
Dawn: I'm sorry..
Richard: For?
Dawn: Kasi pinagtabuyan kita, and now it is still you that I wanted to be here in my side, muntik pa kitang mapahamak..
Richard: Don't say that, love, hindi naman kita sinisisi eh...kalimotan na natin yun...matulog ka na, dito lang ako sa tabi mo.....(sabay halik sa noo niya) Humiga na lang si Richard sa tabi ni Dawn..
Richard: Gusto mo, aawitan kita?
Dawn: Bakit alam mo ba?
Richard: Naman, nag-aral ako para sa'yo, pero di mo na akong tutuksuhing sintonado..
Dawn: Cege nga parinig...
Richard: Nagsimulang umawit.........♫Ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig mo'y aking kailangan, pag-ibig na walang hangganan...(patuloy lang sa pag-awit si Richard..) Habang napapangiti naman si Dawn habang pinipikit ang kanyang mga mata, kasi sintonado pa rin ito, ngunit antok na antok na talaga siya kaya pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, habang yakap yakap si Richard "Di bale nang sintonado ang lalaking to, mahal ko naman to" sa isip isip niya....
