Chapter 9

1.4K 20 5
                                        

Dawn's POV

Ewan ko ba, pero gusto-gusto kong maging maganda mamaya para sa wine tasting, kaya nagpatulong ako kay Ate para mamili ng damit, hindi kasi ako masyadong magaling pagdating sa mga damit na isusuot.........

Wine Tasting Venue..................

Ang ganda-ganda ni Dawn, halos napapatingin sa kanya ang mga kalalakihan at pati na rin ang mga babaeng insecure.......Kulay itim na halter gown ang suot nya.....super exposed ang kanyang flawless at maputi na likod at pati na rin ang cleavage nya........Nakalugay ang hanggang-balikat nyang buhok...Ang ganda-ganda at sexy nya talaga......pero, parang malungkot ata sya...kanina pa sya nakatingin-tingin sa paligid, parang may hinahanap na hindi nya matagpuan...na siyang dahilan kung bakit parang disappointed ata sya, pero kahit pa man, ang ganda-ganda pa rin nya......Nawala ang kanyang inis nang biglang lumapit sa kanya ang isang investor, pogi din ito, tsinito, sa tindig at porma nito, bagay din sila, nag-kamayan sila, nag-usap, ngkuwentuhan, hanggang sa napasarap usapan nila.....

Richard's POV

Nakita ko si Dawn na papasok na sa venue, grabe ang ganda talaga nya, parang may hinahanap ata sya, siguro may hinahanap syang isang tao at hindi nga ako nagkamali, lumapit sa kanya ang kaibigan ko, si Nicolas, nagkakamabutihan na pala sila, ano naman pakialam ko, nakikita ko ang kislap sa mga mata ni Dawn habang kausap si Nicolas...ang saya nya  ..........Dito lang ako sa room ko, mula sa glass window ng silid na aking tinutuluyan ay pinagmamasdan ko ang mga kaganapan sa baba..Kanina pa ako dito, nag-iisip, nagmumuni-muni...Napaisip kasi ako sa sinabi ni Francella kanina...

Flashback..

Phone conversation

Francella: honey may dadaluhan ka namang wine tasting mamayang gabi?

Richard: yes honey at around 8 pm

Francella: pupunta din ba doon si Dawn?

Richard: I don't know honey but probably, we're co investors eh....

Francella: but you're hoping na darating sya right?

Richard: of course honey, it's for the good of the business....

(Natahimik si Francella sa kabilang linya)

Richard: honey, honey are you there? eh kung gusto mo sama ka na lang sa'kin mamaya...

Francella: I'm here honey, may binasa lang kasi ako eh....okay lang hon, walang problema sa'kin yun, di rin kasi ako pwede mamaya kasi may pupuntahan din akong importante, dun sa friend, nagtatampo na kasi yun...

Richard: Akala ko kasi nagalit ka?

Francella: kahit papano Richard may tiwala naman ako sa'yo....tiwala akong, ako lang ang mahal mo, di ba?

Richard: (medyo nag-isip) ay oo naman babe, sa lahat lahat ng ginawa mo sakin, hindi mo ako iniwan....kaya ikaw na ang laman ng puso ko ngayon.....

Back to Richard's POV

Sa sinabi kong iyon ay, napa-isip ako.....maraming bumabalakid at bumabagabag  sa isip ko....simula nang dumating sya, palagi na akong distracted, sa trabaho, kahit si Francella kasama ko, sya pa rin naiisip ko, pero alam kong mali ito, nandiyan na si Francella, siya nagpasaya sa'kin nung mga time na malungkot ako, kinulayan nya buhay ko.....pero bakit ganito habang nakikita ko si Dawn mula dito sa silid ko na may kausap na ibang lalaki ay sumisibol ang isang damdaming makasarili, na dapat ako lang...bakit ba ako nakakaramdam ng ganito...bakit ako naiinis? bakit ako nagagalit....

Masarap kausap si Nicolas, gentleman, very professional, mabait at maalalahanin....

Nicolas: Hmmm, Dawn, I hope you don't mind but pwede ba magtanong?

Dawn: Yup, ano yun?

Nicolas: Bakit nga ba hindi ka pa nag-asawa?

Dawn: hmmm, masyadong nabusy sa business eh, yun kasi naging priority ko...

Nicolas: ah ganun ba, .....parang hindi na ata darating yun si Ricardo ah?

Dawn: Magkaibigan ba kayo ni Ricardo?

Nicolas: oo, at business partners rin..

Dawn: Matagal na ba kayong magkaibigan?

Nicolas: hmmm, more or less mga 3 years na ata....why?

Dawn: wala lang and of course, magiging newest investor na sya sa business namin eh, so I need to know his background..

Nicolas: Si Richard, mabuting tao yan eh, maalalahanin kahit sa mga taong mas mababa pa sa kanya, masipag, mapagmahal sa magulang, hanggang hangga nga ako sa taong yan...yun din siguro ang dahilan kung bakit mahal na mahal sya ni Francella...

Dawn: Si Francella? Matagal na ba silang magkarelasyon?

Nicolas: Ewan, siguro matagal na rin kasi mukhang kilala na nila ang isa't isa eh, at mukhang magpapakasal na ata sila.....

Sa sinabing iyon ni Nicolas ay parang nasabuyan ng malamig na tubig si Dawn.....Si Ricahrd at Francella magpapakasal na..........nagpatuloy pa rin ng pagsasaliita si Nicolas..

Nicolas: Nabanggit yan sa'kin ni Richard eh, huwag mong sabihin yan sa kanya huh? Secret lang daw yun eh.....

Halos wala nang marinig sa Dawn sa mga pinagsasabi ni Nicolas...

Dawn: Excuse me Nicolas, punta lang akong CR,..

Nicolas: Okay...Ms. Dawn...

iniwanan nya ng pagkatamis-tamis na ngiti si Nicolas upang itago ang tunay na nararamdaman nya...

Nagmamadaling naglakad si Dawn, tinungo nya ang daan papuntang comfort room, kimkim ang sakit at ang mga luhang pilit nyang tinatago...Habang naglalakad sya ay nakasalubong nya....si Ricardo...., nagtama ang kanilang paningin....iniwas ni Dawn ang kanyang mga mata, tumalikod sya bumalik sa kanyang daanan ngunit mabilis na nahawakan ni Richard ang kanyang kanang braso upang pigilan sya...Nagtitingin sa pailigid si Richard kung mey tao habang hila si Dawn..

Dawn: Richard ano ba? bitiwan mo ako.....(At pilit na nagpupumiglas ngunit malakas ang pagkakahawak ni Richard sa kanya..)

Ngunit tela walang naririnig si Richard at patuloy pa rin ito sa pag-aakay sa kanya .....

Dawn: Ano ba Richard? Ano ba tong ginawa mo sa akin? Bitawan Mo ako.....

Hindi pa rin tumitigil si Richard at lakad lang ito ng lakad hawak si Dawn hanggang sa makarating sila sa elevator..

Akin Ka Na Lang ( CharDawn )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon