Maaga akong nagising, siguro dahil excited ako. Pagkatapus ng morning rituals ko. Pumasok ako sa room ni Reese na natutulog pa din.
Kaya naupo muna ako sa rocking chair.
Napabalikwas ako nung umiyak si Reese, nakatulog pala ulit ako.
"Ssssh, baby. I'm here." Tapus binuhat ko siya. Hindi ako pinapansin, nagtatampo siguro to. Kaya dinala ko siya sa room ko, dahil yung pasalubong ko sa kanya.
Inilapag ko na muna siya sa kama ko, at kinuha yung paper bag na may lamang pasalubong.
"Baby, di ba umalis ako kahapon? Ang dami daming magaganda sa mall. Kaya namili ako. Ang dami dami ko ding binili." Tapus nag pout pa lalo si Reese, san ba nito natutunan ang mga ganyang bagay?
"Pero syempre, hindi ko makakalimutan ang baby ko." Tapus iniharap ko sa kanya yung barbie doll na binili ko.
"WOW!!!" Nung kukunin na niya, iniwas ko yung barbie sa kanya.
"Pero bago ang lahat, kiss mo muna ko."
"Thank you mommy Ciala." Lumapit siya sakin, tapus kiniss ako sa pisngi.
"Hindi ka na galit?" Tapus umiling siya at nilaro na niya yung barbie doll. Dalawa yung binili ko, para pag mag lalaro kami ng barbie, tag-isa kami.
Tapus maya maya may narinig akong katok sa pintuan papuntang room ni Reese.
"Baby, diyan ka lang ah." Tapus lumapit ako sa pintuan at binuksan yun. Dejavu!!
"Ciara, si Reese, nawawala." Nag papanic na sabi ni Sir Hanzen.
"Nawawala? Pa'no po mawawala si Reese?" Tapus medyo nagpanic na din ako. Nawawala si Reese eh. "Ay, nakalimutan ko. Nandito po pala si Reese sa kwarto ko. Pasok po." Anu ba yan, nakakahawa ang pag pa-panic nya. Nakalimutan ko tuloy na kasama ko si Reese.
"Goodness, Ciara." He sigh in relief, tapus pumasok siya sa room ko.
"Daddy look. Mommy bought me barlbie dolls." Nilapitan ni Sir Hanzen si Reese at hinalikan sa noo.
"Did you thank her?" Tapus tumango tango pa si Reese na busyng busy sa mga barbie niya. "Ang mabuti pa, maligo na kayo ni m-mommy Ciara, kasi may pupuntahan tayo."
"Daddy, i'm busy playing. Kayo na lang ni mommy Ciala ang maligo." Shett, nag init ang pisngi ko sa sinabi ni Reese. Napansin kong namula din si Sir Hanzen. Walang nakapag react agad samin dalawa.
I cleared my throat. "Uhmm, baby, mamaya mo na i-continue ang paglalaro."
"Pelo po. Ayaw. Maglalalo ako." Pano ba to.
"Uhmm, baby, sabay kayong maliligo ng barbie. Okay ba sayo yun."
"Sabi sa'yo mommy gusto kong maligo eh. Pelo kayo din ni daddy, sasama samin nila barlbie."
"Baby, nakaligo na kasi si daddy eh." Sayang, pwede naman siyang maligo ulit. Bibigyan ko siya ng cold shower... anu daw?? Erase erase.
"Baby, tara na?" Tumango na lang siya, tapus binuhat ko na papuntang cr. Dala dala pa din niya yung dalawang barbie. Sabay na lang siguro kami maliligo.
Nang mabihisan ko na si Reese, inilapag ko ulit siya sa kama ko at ako naman ang nag bihis.
"Reese, Ciara, tapus na ba ka--" Shett, bakit di siya kumakatok? Buti na nag bathrobe na ko. Sa sobrang hot niya kasi nahuhulog ang towel eh. "S-sorry. Pag ok na kayo, sumunod na lang kayo sa ibaba." Tapus ni-lock niya yung pinto. Napatingin ako kay Reese na nakatingin din sakin.
"Uy!! Nag ba-blush." Juskoo, bata ba talaga to?
"Sinong nagtuturo sa'yo niyan?"
"Si Tita Xienna." Sino namang Tita Xienna yun?
Pagkaayos ko ng sarili ko, bumaba na kami ni Reese. Dala dala ko na yung pasalubong ko kila Manang Lucia. Tapus nag breakfast na din kami, pero hindi ako matignan ni Sir Hanzen. Problema ng isang to. After namin mag breakfast nag punta na muna kami ni Reese sa may sala. Maglaro muna daw kasi kami ng barbie. Juskoo, babalik ako nito sa pagkabagets.
Si Sir Hanzen naman, may pinapahanda kila Manang Celia. Nasa kalagitnaan na kami ni Reese ng may narinig akong sigaw sa labas ng bahay.
"Baby, dyan ka lang ha." Tapus nag punta ako sa may pinto at tinignan kung anu yung sigaw na yun.
"--HANZEN!! ILABAS MO YUNG ANAK KO! REESE!!! REESE!!! NANDITO NA SI MOMMY." Tapus kinakalampag niya yung gate.
Biglang sumulpot si Sir Hanzen kung saan man.
"What are you doing here, Hannah?" Halatang galit siya dahil sa boses niya.
"Ilabas mo ang anak ko. Gusto ko siyang makita. Maawa ka naman sakin oh." Nagulat ako nung may humawak sa legs ko. Pagtingin ko, si Reese lang pala, nakikiusi din sa nangyayari.
"Umalis ka na dito Hannah." Tapus binalingan ako ni Sir Hanzen. "Iakyat mo muna si Reese sa kwarto niya." Agad naman akong sumunod kay Sir Hanzen. Dali dali kong binuhat si Reese.
"REESE! ANAK!--" Hindi ko na narinig pa yung babae. Siya yung mommy ni Reese, obvious naman eh. Maganda yung babae, kamukha nga ni Reese eh.
"Mommy, sino yun?" Tanong agad sakin ni Reese pag kapasok ng kwarto.
"Hindi ko din kilala baby eh." Naglaro na lang ulit siya ng barbie. Tapus mga after 20 minutes pumasok si Sir Hanzen sa kwarto.
"Ciara, pack your things and Reese's. Mag a-out of town tayo." Yun lang ang sinabi niya at lumabas na din siya kaagad ng kwarto. Sumunod na lang din ako. Mukha siyang badtrip eh, baka kainin pa ko. Eh di syempre gaganti ako, at kakainin ko din siya. Hahahaha!
Sinigurado kong ready ako sa mga gamit ko, nag dala din akong swimsuit. Baka mag swimming kami eh, dinalan ko na rin si Reese ng swimsuit. Papayag ba naman akong rumampa mag isa? Syempre hindi, kaya dalawa kami ni Reese. Feeling ko talaga one big happy family kami. Pero naiisip ko yung mommy ata ni Reese na halos maglumpasay na sa may gate. Kawawa naman siya. Ano kayang naging problema at bakit iniwan niya si Reese, tapus ngayon, ayaw ng ibalik ni Sir Hanzen si Reese sa mommy niya. Napailing na ako. Kawawa naman si Reese, lalaki siya ng walang mommy, buti sana kung lagi akong nandito for her, pero malalaman at malalaman din naman niya ang totoo.
I'm still wondering kung bakit ganon na lang maipagtabuyan ni Sir Hanzen yung mommy ni Reese. Hindi naman siguro criminal yun?
"Are you ready?" Bungad samin ni Sir Hanzen nung nakababa na kami sa hagdan. Tumango na lang ako. "Let's go!" I guess the most important thing to do is to enjoy our out-of-town trip. Yieee, excited!!!
