Seven

161K 1.5K 22
                                    


Medyo ilag pa din ako kay Sir Hanzen dahil sa nangyari nung gabing yun. Sa loob ng isang linggo, iniiwasan ko talaga na magkasalubong ang mga landas namin which is hindi naman mahirap kasi busy siya sa work, pag maaga siyang umuuwi, dun kami ni Reese sa kwarto ko naghaharutan. Hindi din naman mahirap na mag hide and seek sa bahay niya. Kasi ang laki laki nito. Minsan pag nakikita ko siya, napapansin kong lagi siyang may kausap sa cellphone at parang laging aburido.

Gaya ngayon, tanaw ko siya sa may gazebo sa garden, may kausap siya sa cellphone niya. May napansin pa nga akong mga basyo ng bote sa may table. Ayaw ko naman makialam, pero syempre bilang concerned citizen, sa tingin ko kailangan nya ng kausap. Kaya nilapitan ko siya, at napansin kong naninigarilyo pala siya.

"Alam mo masamang mag yosi lalo na kung hahalikan mo si Reese." Lumingon siya sakin at ibinaba niya yung sigarilyo sa may ashtray.

"Tulog na ba siya?" Sa boses nito, halatang may problema talaga siya.

"Yeah, kanina pa. Wag mo sanang masamain ah, pero kasi napapansin kong lagi ka na lang aburido."

"May problema lang. Nothing serious." Tinitigan ko siya, pero I don't think nagsasabi siya ng totoo. Kasi paran kahit siya mismo, hindi kumbinsido sa pinagsasabi niya.

"If you want someone to talk to, i'm here, willing to listen and give advice. Malay mo, makatulong ako." Sa mga tingin niya sakin, para akong specimen na sinusuri sa microscope.

"I'm just afraid." Tapus uminom siya ng beer. "I might lose her."

"Sino po ba yung tinutukoy niyo?" Tapus umiling lang siya.

"Mauna na ko, mag pahinga ka na din." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Pinagmasdan ko siyang papalayo sa kinatatayuan ko. Nung tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng bahay, kinuha ko na yung mga empty bottles at dinala sa may dirty kitchen. Nandun kasi yung case ng mga beer.

Sinigurado ko munang nakasarado na yung mga pinto, kahit na hindi ko naman trabaho yun, syempre kailangan mag-ingat na din no. Baka mamaya, nakalimutan nila Ate Susan, isa sa katulong, na isarado yung ibang sliding door.

Nung okay na ang lahat, napagpasyahan kong umakyat na sa kwarto namin. Dun na lang ako dadaan sa room ni Reese para ma-check ko na din siya.

Nung malapit na ko sa room niya, napahinto ako kasi may narinig akong nagsasalita.

"I wouldn't allow anyone to hurt you and your mom. I want you to recognize her as long as I want her to leave that bastard. She can't have you. Kung sana sinunod ako ng mommy mo. These wouldn't happen. I don't wanna see her hurting. I don't wanna see you grow up without a mom." Sir Hanzen sighed. "She has all the rights to get you, but I'll make sure it would be hard and impossible to aim. I just want the best for the two of you. Sweetdreams, honey." Dali dali akong pumasok sa room ko.

Maraming pumapasok sa isip ko. Maraming conclusions. Pero ayoko namang mag conclude, kasi baka mali pa. Mapahiya pa ko sa sarili ko.

Siguro yun yung dahilan kung bakit siya nagkakaganyan these past few days. Something's bothering him, and it's all because of Reese and her mother.

Kaya ba sabi niya sakin kanina na natatakot siya? Dahil ano? Kinukuha na si Reese ng mother niya??

Okay, kakasabi ko lang ayokong mag conclude. Ayoko namang makialam. It's none of my business, anyway.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon