*Twenty Six*

116K 1K 61
                                    

"Akala ko ba two days lang dito si Xienna?" 

 "Yun ang sabi niya." Lintek, eh apat na araw na kong binubiwisit nun eh. Bake siya ng bake ng cake. Anung gusto niya? Mag ka diabetes si Hanzen at Reese? Eh kung gawin ko kaya siyang toppings ng cake niya. 

"Hay!"

"Bakit sweetie? May problema ba?"

"Wala naman. I'm just thirsty. Wait, I'll get a water." Tatayo na sana ko, pero pinigilan niya ko. 

 "Ako na po. Baka mapagod ka lang." Tumayo si Hanzen. At yumuko sakin.

"Okay." Then he kissed me on the forehead at nag simula ng maglakad palabas ng room. That guy is very sweet. Madalas na kami mag katabi sa pag tulog. Pero wala naman nangyayari. Ang last lang, ay nung nainsecure ako kay Xienna. Impakta kasi yun eh. Nakakainis. Hindi na ulit nali-late ng uwi si Hanzen, parang nung nangako lang siya kay Reese noon sa park na mas mag kakaroon siya ng oras at hindi gagabihin sa pag uwi. Gaya ngayon, past six siya nakauwi. Nakipag laro pa siya kay Reese, at may dala na siyang pasalubong. Naimpluwensyahan ko daw kasi siya eh. Kaya ayun, kada galing siyang work, may dala na siya. Tuwang tuwa nga si Reese, ang kulit din ng isang yun. Pero madalas, si Xienna ang kalaro niya pag wala si Hanzen. Paano ba naman kasi, nilalayo niya yung loob ni Reese sakin. May sa isip bata din ang isang yon, dahil pati bata dinadamay.

Ini-open ko na lang yung tv, kaysa naman si Xienna ang naiisip ko. Minsan nga kinakabahan din ako sa maaaring gawin nun eh!!

Mag ba-browse lang ako ng mga channel, nag hahanap ng mapapanuod, hanggang sa may nakaagaw ng atensyon ko. Nag aaway yung dalawang babae, dahil siguro sa lalaki to. Tsk! Buhay nga naman.

Habang pinapanuod ko ang sagutan nila, naalala ko nanaman si Xienna at yung nangyari kahapon.

"Sulitin mo na ang nalalabi mong araw dito sa bahay ni Hanzen, dahil hindi pa ko nag sisimula. Pag nangyari yun, wala.ka ng choice kundi ang mag evacuate." Bungad na bungad sakin ni Xienna, kala mo si Cell to, may teleport? Hindi ko man lang naramdam ang paglapit niya. 

 "Talagang sigurado ka na ako ang aalis ha?"

"Of course, because I have a plan A, plan B, plan C, and plan D. Pero hindi ko pa alam kung anu ang pinaka effective sa mga plano ko. Gusto ko, aalis ka dito ng parang pinapatay ka na emotionally."

"May sayad din naman yang utak mo no? Sabi na eh, may diperensya ka talaga sa pag iisip."

"How dare you!!" Nagkibit balikat na lang ako at hindi ko na siya pinansin. Di rin naman matatapos yan kung kada salita niya, may ibabato ako sa kanya. Isa pa, nakakairita yung boses niya. Masyadong mahinhin na matiniis. Kaya iritang irita ako. Nasan na ba ang fiancè nitong babaeng to? Diba siya hinahanap? Tsk.

"Alam mo Ciara, naaawa ako sa'yo. Kasi ikaw ang magiging biktima dito. Kaawa awa ka. Paano kaya kung kumilos na ko? Para makapag impake ka na ng gamit mo at lumayas ka na dito. Ambisyosa ka, babysitter ka lang. Nang akit ka pa ng bigtime na boss." Huh!! Anung tingin niya sakin? Poor? Eh kung ihampas ko kaya sa kanya ang pera na pinamana sakin ng nag iisang kapatid ni mommy na matandang dalaga! Kung ilublob ko kaya siya sa credit cards ko? Minsan ko lang ginagamit lahat ng yun, wala pa sa 10% ang nagagastos ko dun. Dahil isa akong rebelde (noon) na mas gugustuhin pang magkanda kuba, may makain lang.

"Magkano ang sinusweldo mo sa pag mo-model?"

"Bakit mo naitanong? Balak mo bang mag model pag lumayas ka dito?"

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon