Babysit ~ Thirty Four

105K 926 48
                                    

"Sige nanaman... please? Pumayag ka na?" Pangungulit sakin ni Miguel. Aish! Nakakaasar na. Kung pwede ko lang tong ihagis... kanina ko pa ginawa. Kaso nakakahiya kay Doktora Salvador. Yung OB ko dito sa Antipolo. Nakababatang kapatid niya kasi itong si Miguel. Nakilala ko siya nung nag pa-check up ako minsan. Nung narinig ko nga ang pangalan niya, parang binibiro lang ako ng tadhana. Pero nunga narinig ko yung pangalang Miguel... lumukso agad yung puso ko at nagsimula ng magkarera.

Wala na kasi akong nabalitaan kay Hanzen. Kahit nna tumatawag minsan sakin ni Nina. Wala akong naririnig tungkol dun. Pinipilit ko na nga rin siyang wag isipin. Kasi sumasama lang ang loob ko. Alam ko nagpadalus dalos ako. Pero kailangan lang talaga namin ng time. Masyado din kasing mabilis ang mga pangyayari. Hindi pa rin naman namin ganon ka kilala ang isa't isa.

"Ciara... hindi ka na nag salita. Just say yes... please?" Naka pout pa niyang sabi.

"Migz, maghanap ka na lang kasi ng iba. Wag na ko."

"Date lang naman eh. Isang beses lang. Pag ayaw mo talaga... eh di kahit i-consider ko na lang na friends na lang tayo. Hindi na ko mangungulit. Pero basta basta basta."

"Hayyy! Nakikita mo ba to?" Tinuro ko ng bahagya yung tiyan ko. Tumango tango naman siya na parang bata. "Ibig sabihin nun... wala ng chance. May baby na ko oh."

"Eh ano naman? Parang baby ko na nga rin yan eh." Binatukan ko na talaga siya. Ang kulit lang talaga ng isang ito. Kung hindi ko lang alam na kasing age ko lang to halos or one year ahead lang ata, eh hindi ko iisipin na ganun ang edad niya sa sobrang kulit. Naihatid na niya agad ako nung unang beses ko siyang na-meet. Kung hindi lang ako nahiyang tumanggi kay Doktora, baka hindi ko na lang papansinin ito. "Kahit batukan mo ako ng batukan okay lang. Kung yun ang makakapaag payag sa'yo sa date natin. Please?"

"Sige na. Oo na. Una at huli yun. Don't expect me to entertain you next time."

"Why? Hindi ba tayo pwedeng maging friends?"

"Okay. Friends." So makulet!

"Eh father ni baby?"

"Miguel!!" Napakamot siya sa ulo at ngumiti.

"I mean... second father... godfather... ninong. Basta father." Napabuga na lang ako ng hangin habang umiiling iling. Seriously... mas makulit pa siya kay Riley.

"Gabi na oh! Hindi ka pa ba uuwi?" Napatingin siya sa may bintana.

"Seven pa lang naman. Ang sabi din ni Mameng Aida--"

"Manang Aida for you." Nag pout lang siya sa sinabi ko.

"Ang damot. Ah basta. Sige na nga. Ang sabi ni Manang Aida, dito na daw ako mag dinner. Magluluto daw kasi siya ng para sa tatlo."

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon