*Special Chapter*

111K 861 56
                                    

Nag simula ako sa hirap. Tama siya... isa akong orphan. Sabi ng mga madre na nag aalaga samin dati, sanggol pa lang ako nandun na ko. Siyam na taon na kong nakakulong sa bahay ampunan. Hindi ko alam kung anu bang meron sakin at walang gustong umampon sakin. Mabuti pa yung mga bagong mga bata sa bahay ampunan... may pamilyang gustong kumupkop sa kanila. Pero ako? Isa lang ako sa mga nadadaanan ng mga paningin nila pag pumipili sila ng batang aampunin. Gabi gabi akong umiiyak dahil yung mga naging kaibigan ko dito umalis na sila.

  

Dumating ang pagkakataon ko na makaalis dito. Eleven years old ako ng sa wakas! My aampon na sakin. Naging ayos naman ang lahat. Maganda ang pakikitungo sakin ng mga umampon sakin. Wala silang anak, dahil sterile daw si mama. Sa call center siya nag ta-trabaho. Si papa naman, manager sa bangko. Okay na sana eh. Pero nagbago ang lahat.

  

Isang gabi... nagising ako. Malakas ang ulan, may bagyo daw kasi. Nagulat ako sa harap ko ng tumambad sa harapan ko si papa na hawak hawak ang ari niya. Sabi niya wag daw akong maingay kung hindi... papatayin niya ko. Dun nagsimula ang kademonyohan niya.

  

Paulit ulit at malaya niya kong namomolestya dahil wala si mama. Pag minomolestya niya ko, wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi ko aakalain na sa murang edad... magiging rape victim ako. Parang hinihiling ko na lang na sana... hindi na ko nanghangad na makaalis sa bahay ampunan.

  

Nakahanap ako ng pagkakataon na makalayas sa bahay nung natutulog si mama, ang hayop ko namang papa ay nasa trabaho.

 Nagtrabaho ako para sa mag kapera at makakaen. Gutom na gutom akong papunta sa karinderya na pinagtatrabahuhan ko ng nahimatay ako sa gitnang ng kalsada nung patawid ako. Nagising na lang ako na nasa hospital na. Isang bakla ang muntik ng makasagasa sakin. Buti nakapag preno siya nung nakita akobg nakahandusay sa kalsada. Nung nalaman niya ang tungkol sakin. Tinulungan niya ko. Pinakulong niya ang walang hiyang umampon sakin. Iyak ng iyak sakin noon si mama. Humihinga siya sakin ng tawad. Wala naman siyang kasalanan.

  

Si Mama Pearl, yung bakla, na ang bagong umampon sakin. Pinalitan niya ang dati kong pagkatao. Pinangalanan niya kong Xienna. Tinuring niya kong parang anak. Binihisan, pinag aral, at tinulungan niya kong bumangon. Siya ang naging dahilan kung bakit ako nakapasok sa modelling world. 

Dun ko nakilala si Hanzen. Sa kanya ko lang naranasan ang pagmamahal bilang isang babae. Hindi niya ko pinilit na may mang yari samin. Ako pa ang pumilit sa kanya. Dahil gusto kong malaman niya na bahagi na siya ng pagkatao ko... ng katawan ko. Hindi na siya nagtanong kung bakit hindi na ko virgin. Wala akong narinig sa kanya na ganun. Wala ring gustong makipag kaibigan sakin nung mga panahon na yun... matapobre sila. Mayayabang!

  

Nagkita ulit kami ng kaibigan ko sa bahay ampunan... si Hannah, yung kapatid niya. Bilang lang ang nakakaalam na ampon siya. Tuwang tuwa siya sa muli naming pagkikita.

  

Pero may tumututol sa relasyon namin... ang magulang ni Hanzen. Mabait sila sa lahat... pero hindi ako kabilang dun. Ayaw nila sakin. Pero tuloy pa din ang relasyon namin ni Hanzen. Hindi pinapaalam ng magulang ni Hanzen, lalo nang mama niya, na ayaw nila sakin. Dahil sakin nila mismo diretsong sinasabi yun. Hindi ko na lang pinapaalam kay Hanzen. Dahil ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila.

  

Sigurado na ko na si Hanzen ang makakasama ko sa buong buhay ko. Nagtagal kami ng apat na taon. Pero kinailangan kong lumayo. Dahil kagustuhan ni Mama Pearl na magpunta ako sa France. Gusto niya na may mapatunayan ako sa magulang ni Hanzen, dahil alam niya ang tungkol sa pagka disgusto sakin ng magulang niya.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon