Sa loob halos ng one week, napapansin kong laging gabing umuwi si Hanzen, compare sa uwi niya nung nakaraan. Parang ang uwi niya gaya nung mga first week ko dito. Siguro ang dami dami niyang trabaho sa company. Nakakaawa naman siya, baka di na siya nakakakain ng maayos. Kasi naman, medyo nangangayayat siya. Minsan pa nga parang lagi lang may iniisip ng malalim. Gaya ngayon, nasa may terrace siya, ang lalim ng iniisip. Hindi nga nya napapansin yung presence ko dito, maya maya din bumubuntong hininga siya. Talagang may problema.
"Siguro, baha na dyan sa utak mo sa sobrang lalim ng iniisip mo." Hindi na ko nakatiis ang nilapitan ko na din siya. Medyo gulat pa nga eh.
"H-hindi naman. Kanina pa ba dyan?"
"Hmm, sapat na para masabi ko sa sarili ko na talagang namo-mroblema ka."
"W-wala naman akong problema. Iniisip ko lang yung t-tungkol kay Hannah."
"Nag aalala na din kasi ako sayo. Madalas gabi ka ng umuwi. Namamayat ka din. Di ka na ba kumakain? Naghihirap ka na ba?" Nakita ko siyang ngumiti, pero hindi umabot yun sa mga mata niya. Lumapit siya sakin at inakbayan ako at niyakap.
"Sorry kung nag aalala ka sakin. Okay lang ako, wag mo akong intindihin."
"Hindi mo naman maaalis sakin ang mag alala. Natural, girlfriend mo ako." Saglit na natigilan si Hanzen sa sinabi ko. "Baka lang kasi nakakalimutan mo." Mas lalo niya hinigpitan ang yakap niya sakin.
"Hindi ko makakalimutan yun. Sorry. I love you." Tapus hinalikan niya ko sa may noo. Okay na ko sa mga sinabi niya. At least may assurance na di ba? Mahirap yung akala ko kami nga, yun pala, joke lang niya yun.
Kasama ko ngayon si Reese dito sa entertainment room, nanunuod kami ng TV. Ewan ko ba dito, ke-bata bata gustong panuorin ang mga showbiz balita. Balak ata nito maging katulad nila Toni Gonzaga.
"Tita Xienna! Tita Xienna!" Nagulat ako nung biglang nag tatatalon si Reesesa may couch habang tumuturo sa TV. Napataas ang kilay ko sa babaeng nakita ko sa TV, the hell with that Xienna ba? Lumapit si Reese sa may LED TV at niyakap yun. Ini-interview kasi yung Xienna. "Yeheyy!! I miss you Tita Xienna." Biglang kumirot ang dibdib ko. Parang nakaramdam ako ng selos.
"Baby, ano mo si Tita Xienna?" Kaabnormalan na kung kaabnormalan na itanong sa isang bata yun, pero malay ko naman diba? Matalino naman si Reese.
Umiling iling siya sakin.
"Reese !! I have some--" Nagulat ako nung masiglang pumasok si Hanzen sa entertainment room at may dala pang mga plastik. Biglang siyang natigilan nung napatingin siya sa TV, dahil nasa tabi lang nun si Reese. Walang emosyon nyang pinatong yung mga dala niya sa center table at pinatay ang TV.
"DADDY!!! Tita Xienna yun eh!" Pagmamaktol na sabi ni Reese.
"Reese , later na yun ok? May pasalubong sa'yo si daddy. Halika!" Kinarga ni Hanzen si Reese na nagpupumiglas dahil gustong buksan yung TV. Nakikiramdam lang ako sa kanilang dalawa.
"Daddy, I want Tita Xienna!! I want herl. Open the tv, open it. I will hug herl." Inilapag ni Hanzen si Reese ko at kinuha yung mga plastik na dala niya kanina.
"Baby, I bought your favorite brownies and cookies!" Akmang ibibigay ni Hanzen yung box ng brownies kay Reese pero itinulak yun ni Reese ng malakas dahilan para kumalat yung mga brownies sa carpet.
"I don't want that!!" Sigaw ni Reesekay Hanzen, na ikinagulat naming dalawa. Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa ni Hanzen.
Pinalo niya si Reese sa kamay, kaya umiyak si Reese.
"Hanzen! You should, at least, control your temper!" Hindi na ko nakatiis kaya sinigawan ko na din siya. Bata lang si Reese, kaya dapat nag papasensya siya. Kinarga ko si Reese na patuloy pa din sa pag iyak.
"Dinidisiplina ko lang siya, Ciara!"
"Pwede mo siyang disiplinahin ng hindi mo siya kailangan saktan."
"You don't understand Ciara! Paano kung sa iba niya yun gawin?"
"Sino bang pumipigil sa'yo na disiplinahin si Reese ? Wala naman diba? Pero sana, hindi mo na siya pinalo. Hindi mo naman kailangan patayin ang TV eh. Pwede mong ibigay sa kanya yung pasalubong mo. Unless, may ayaw kang makita kaya pinatay mo yung TV." Tinalikuran ko na siya pagkasabi ko nun. Lumabas na ko ng entertainment room at pumasok sa room ni Reese, naramdaman ko kasi na bumigat na din yung ulo niya sa balikat ko, kaya siguro tulog na siya.
Pagkalapag ko sa kanya sa crib, nag stay pa ko dun ng mga one hour, I guess. Gusto ko kasing mag isip isip. Ang dami kasing pumapasok sa isip ko. Kung yung Xienna ba na yun ay ex ni Hanzen. Kung di pa nga ba talaga siya nakakapag move on, gaya ng sabi ni Nina. Kung anung mangyayari sakin, kung tama nga yung mga hinala ko. Pero, kung ako lang, ayokong isipin ng isipin ung thought na yun. Pero ang hirap. Anu nga ba naman ang laban ng mag iisang buwan na relasyon sa anim na taon?
Naramdaman ko na may pumasok sa kwarto. Pero kilala ko nanaman kung sino, kaya di na ko lumingon. Sa halimuyak pa lang niya, alam na alam ko na kung nandyan siya or wala.
"How's she?"
"She's fine."
"About a while ago, I'm sorry. Pagod lang siguro ako."
"Hindi ka sakin dapat mag sorry." Lumapit siya kay Reese at hinalikan yun sa noo. Tapus lumapit din siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Nilaro laro niya pa yung mga daliri ko. Tumingin ako sa kanya, nakatingin din siya sakin, kaya umiwas ako ng tingin. "Is Xienna your ex?" Nabitawan niya sandali yung kamay ko, pero hinawakan niya ulit yun at hinalikan. Sa sinabi niya, parang isang bloke ng yelo ang bumara sa lalamunan ko.
"Yes." Tatlong letra, pero parang ang sakit ding isipin. Siya si four-year-ex. Ako naman si almost-one-month-girlfriend. "Pero sabi ko naman sa'yo diba, I've moved on." Ewan ko. Katangahan, pero, ang hirap maniwala ng 100% kung totoo nga ba yung sinasabi niya, iba kasi yun sa napapansin kong ginagawa niya. Siguro naramdaman niyang hindi naman ako naniwala sa mga sinasabi niya, niyakap niya ko at hinalikan ako sa noo. "I love you Ciara. Trust me."
(c) Eilramisu
Waaaaaaaaa, naiinis ako, kasi ba naman, wala na kong life sa candy crush, kaya naapektohan ang update. Mwahahaha!! Enjoy. Labyoowww all!!