Shett! Eto nanaman. Para nanaman akong gigisahin. Parang nawalan ata ng malay itong si Tita Amanda. Buti at nasalo agad ni Hanzen. At eto ngayon, nakatulala si Tita habang nakaupo at pinapaypayan ni Manang Lucia. Take note... naka centralized aircon po ang bahay nila. Hayy! Si Tito naman, panay ang ngiti at minsan bubulong siya kay Hannah na karga karga si Riley na natutulog. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Parang ang overall emotion ko, tawa. Tatawa na lang ng tatawa hanggang sa mag decide sila na ipatapon ako sa Mandaluyong.
"Ilang buwan na ang tiyan niya, Hanzen?" Sa wakas ay nagsalita na din si Tita Amanda pagkatapos ng mga 10 minutes niyang pananahimik.
"Almost four months mom."
"Hindi ka man lang natuto sa kapatid mo."
"Why would I?"
"Mag aasawa ka na ba?" Napangiwi ako sa prangkang tanong ni Tita Amanda.
"Yes mom! In fact, gusto ko bago manganak si Ciara, apelyido ko na ang gamit niya." Para lang kaming sira nila Hannah na kung sino ang magsasalita between Hanzen and Tita Amanda, dun kami titingin. Parang nanunuod lang kami ng tennis.
"Bakit hindi mo man lang pinaalam samin ng daddy mo?"
"We can't just say it right away after your so-called surprise."
"Oh! Come on, Hanzen. Hindi lang yun ang oras. Bakit hindi mo agad sinabi samin nung nalaman mong nagdadalang tao na si Ciara."
"Nagkaroon lang ng problema."
"Ano na ngayon ang balak mo?"
"Papakasalan ko si Ciara. Hindi dahil buntis siya... kundi dahil mahal ko siya."
"That's my man!" Lumapit si Tito Jerome kay Hanzen at niyakap ang anak niya, tinapik pa niya ito sa balikat.
"Thanks dad!"
"Well! Wala na rin naman akong magagawa. Nandyan na yan." Tumayo si Tita Amanda at lumapit sa kinauupuan ko. "Welcome to the family!" Tumayo ako para yakapin si Tita. Sa wakas!! Makakahinga na din ako ng maluwag. Shett lang! Akala ko mauubusan muna ko ng buhok bago niya ko magustuhan.
![](https://img.wattpad.com/cover/5252141-288-k287323.jpg)