Pinagmamasdan ko ngayon si daddy matulog. Grabe, ang laki talaga ng resemblance namin. Kaya minsan nagtatampo si mommy pag sinasabing si daddy lang ang kamukha ko. Si ate, medyo konti lang yung nakuha kay daddy. Mixed talaga, kaya maguguluhan ang titingin kung sino ang kamukha, pero pag dating sakin, lahat sila sinasabing kamukha ko si daddy.
Alam kong magiging successful ang operation ni daddy. Kahapon ko lang din nalaman na may cancer si daddy. Iyak ako ng iyak nung nalaman ko yun. Hindi ako makapaniwala. Ang lakas lakas ni daddy eh. Tapus biglang meron pala siyang congestive heart failure at may cancer pa. I really can't believe it. Nung nalaman ko yun, halos hindi na ko umalis sa tabi niya.
Akala ko simpleg sakit lang sa puso. Pero mali ako. Nanghihina na si daddy, pero sabi ko sa kanya, hihintayin pa niya yung apo niya sakin. Alam ko naman na matagal pa yun. Kaya matagal pa din siyang mag i-stay. After mag pa heart transplant ni daddy, he will undergo chemotheraphy. Kailangan naming mag pakatatag para sa kanya, at kailangan din niyang magpakatatag para samin.
After ng operation niya bukas, alam kong kakayanin na niya lahat lahat. Hindi na siya mag i-stay ng sobrang tagal sa hospital. Sana kasi hindi niya tinago dati samin na may sakit siya. Umabot pa tuloy sa point na kailangan na niya ng heart transplant. Pwede naman noon na treatment lang.
"Mommy Ciala... ay, sleep lolo Monchi" Nagulat ako nung biglang pumasok si Reese sa room ni daddy.
"Baby! Sinong kasama mo?"
"Si daddy po. Kaso ang bagal niya mag walk. Kaya I left him na."
"Pa-kiss nga ako. Grabe, namiss kita baby! Mas lalo kang gumanda." Ngumiti lang si Reese at niyakap ako.
"How about me? Hindi mo ba ko namiss?"
"Hanzen!" Ngumiti ako sa kanya at lumapit para yakapin siya. Goodness, parang ang tagal tagal ng four days. Yes, four days akong hindi nakauwi. Gusto ko kasi nasa tabi lang ako ni daddy. Gusto kong bumawi sa kanya. I really miss them.
Hinalikan ako ni Hanzen sa lips.
"Oops! SPG mommy at daddy." Natawa ako sa sinabi ni Reese. Nakikita niya kasi sa TV yung warning ng MTRCB. Nilapitan ko siya at hinalikan ulit sa noo. Si Hanzen naman, nilapag yung dala niyang fruits sa may table.
"Ayan? SPG pa din ba?"
"Hindi po. Sweet! Palang candy clush lang." Waaa! Naalala ko yung candy crush ko. Pag naglalaro kasi ako sa iphone, laging nanunuod si Reese. Naiinis ako dahil hindi ako makaalis sa level 65. Gusto ko nang pasabugin yung gumawa ng level 65 na yun. Shett lang.
"Dad... kanina ka pa ba gising?" Pag angat ko kasi ng ulo nakita ko si daddy na nakatingin samin, nakangiti.
"Para talaga kayong isang masayang pamilya." Sabi ni daddy na binaliwala yung una kong tanong.
Si Reese naman tumuntong sa isang upuan sa gilid ng kama ni daddy at naupo siya sa tabi nito.
"I wish she's my leal mom. Pala I have mommy and daddy."
"Mommy mo nanaman siya, Reese eh. Hindi naman kailangan na nanggalin ka sa kanya para maging mommy mo siya." Napakamot naman ng ulo si Reese at nakakunot ang noo. "Someday, you will understand us."
"When will that day come?" Juskoo. Nasobrahan ng utak si Reese. Pwede ba niyang i-share sakin yun? Iinom na nga din ako ng Promil, yung gatas ni Reese.