"REESE!!" Napabalikwas ako dahil sa nanaginip ako. Pagtingin ko sa paligid ko, nasa hospital room ako. Humahangos naman si Hanzen na lumabas ng cr.
"Ciara are you okay?" Lumapit siya sakin, niyakap ako at hinalikan sa noo.
"Where's Reese?"
"Nasa bahay siya."
"What about H-hannah?"
"Nakatakas siya nung hinimatay ka. Pinag alala mo ako ng sobra Ciara. Hindi ko alam ang pwede kong gawin kay Hannah pag malala pa dyan ang ginawa niya sa'yo. Kumusta yung sugat mo? Kumikirot pa ba?"
"Okay lang ako Hanzen, okay na ko. Hindi na masyadong makirot yung sugat. Malalim daw ba sabi ng doktor?" Nangingig ang kalamnan ko dahil sa may sugat ako sa braso. Hindi ganon kasakit, pero natatakot ako!
"Hindi naman gaano. Pero hindi mo muna pwedeng igalaw yang left arm mo."
"Si Reese, kamusta siya? Sigurado bang okay lang siya? Iyak siya ng iyak."
"Anu bang nangyari?"
"We're just playing her barbies, then Nina called me. Pagbalik ko, wala na si Reese, I saw her at the gate with Hannah, trying to get her. Ayun, nag aagawan na lang kami kay Reese, naging violent siya." Niyakap niya ko ulit. "I'm sorry. Muntik na niyang makuha si Reese sakin."
"Sssshh. It's not your fault sweetie. Kung siguro nakinig ako sa'yo na bigyan ng chance si Hannah, hindi siya mag kakaganon. I provoke her."
"Magiging okay din ang lahat. Trust Him." Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo.
"Sorry kung hindi kita naprotektahan sa kanya."
"Hanzen... kung hindi ka dumating nung mga oras na yun, siguro malamig na bangkay na ko. Kung hindi naman, naging gripo na yung katawan ko." Napa buntong hininga na lang siya, tapus hinalikan ako.
Sabi ng doktor pwede na daw akong lumabas. Kaya inayos ko na yung gamit ko na dala ni Hanzen. Siya naman inaayos yung hospital bill. Naglalakad na ko dito sa may hallway ng hospital. Grabe! Minsan lang talaga ako nakapunta ng hospital. Natatakot kasi ako eh.
"Kia?" Hindi agad ako nakalingon, para kasing nag yelo ang mga paa ko. "Oh my! Kia." Nagulat ako nung nasa harapan ko na siya at niyayakap ako. Bigla na lang nag tuluan ang mga luha ko. Na-miss ko kasi na niyayakap ako ng ate ko. Kahit na may tampo ako sa kanya, siya pa rin ang bestfriend ko.
"Ate Claire." Napayakap na din ako sa kanya.
"What happened to you?" Sabi niya nung kumalas siya sa yakap.
"Naaksidente lang."
"Hindi yang sugat mo sa braso ang tinutukoy ko. Kia, you've gone for almost eight months. Tapus dito kita makikita sa hospital?" Tignan mo nga naman ang pag kakataon. Maraming magagandang hospital sa Quezon City. Pero dito ko pa siya makikita sa Alabang.
"Nag palamig lang ako."
"Ilang buwan mo balak mag palamig? Siguro naman hindi ka pa naninigas sa lamig?"
"Ate... alam mo naman na hindi ko kaya di ba? Hindi ko gusto." Alam naman niya yung tinutukoy ko. Yung pag papakasal. "Anyway, what brings you here?"
