Babysit ~ Twenty Nine

116K 991 53
                                    

Nag iikot ikot ako dito sa mall. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa alam kung anung ibibigay ko kay Hanzen para sa fourth monthsary namin... bukas na yun. Pero naisip din naman ng kabila kong utak, na pag nag todo effort ako. Masayang lang, kasi baka si Hanzen nakalimutan nanaman or kaya naman, naubusan na talaga ng ka-romantic-an sa katawan. Ayokong mangyari yun. Baka ipakain ko na talaga siya sa pating. Hays! Kung ang babae, mahirap bilhan ng regalo, kasi baka hindi magustuhan. Ang mga lalaki naman, mahirap ibili ng regalo kasi hindi ko alam ang taste nila. Mahirap din mag tanong sa kanila kung anung gusto nila, dahil tiyak ang isasagot lang niya. 'Kahit wala na, ikaw lang, regalo na.' Basta something like that. Inuuna pa talaga ang pag banat.

  

Nang napagod na ko sa paglibot sa buong mall, naupo muna ko sa isang bench. Mag iisip muna ko ng magandang regalo bago mag ikot ulit.

Kung scrapbook kaya? Ang problema pala, konti lang yung pictures na magkasama kami. Hmp! Eh kung neck tie? Baka naman hindi niya magustahan ang design or kaya ang color. Kung sapatos? Pero hindi ko alam ang size ng paa niya. Kung t-shirt? Naku naman, masyadong simple.

Shett naman!! Naguguluhan na ko. Ahm... eh kung boxer shorts na lang kaya? Mwahahaha, at least dun, alam ko ang size niya. Extra sizzling large. Ang landi ko nanaman at ang oa. Large lang si Hanzen. Talagang large. Namumula ako sa kilig. Lalong lalo na nung nakita ko yung ano... boxer niya. Hahaha!!!! Pero nagbago na ang isip ko. Baka sabihin niya, may pag nanasa ako sa kanya. Kaya mag iisip ako ulit.

Ting!! What a bright idea. Kaya nagmadali na ko at bumili ng gift ko kay Hanzen.

Nung nakapili na ko, bumili ako ng pasalubong kay Riley at kila manang. Excited na ko para bukas. Kinikilig ako. Sana naman, worth it. Grabe!

Nung umuwi ako, past six na din. Dumaan pa kasi ako ng hospital. Naka recover na talaga si daddy. Nag a-undergo na lang siya ng iba't ibang tests at check ups. Next week daw lalabas na siya, pero baka around Alabang lang sila mag stay. Kasi hassle daw pag kailangan bumalik para mag undergo ng test tapos sa Quezon City pa siya. Kaya baka mag hotel na lang sila.

"Mommy!!" Bungad sakin ni Riley, pagkapasok na pagkapasok ako sa bahay."You have pasalubong?"

"Of course baby, makakalimutan ko ba naman yun?" Sabay abot ko nung plastik na may laman na isang box na krispy kreme.

 "Wow! Yeheyyy!! Yaya Lenks, let's eat this na."

"Baby, mamaya mo na kainin yan pag nag dinner na tayo? Okay?"

 "Eh di busog na ko nun."

  "Hmm, eh di bukas, yan ang breakfast mo."

   

"Okay."

"Riley, akin na yan. Itatago natin sa kusina." Sabi ni manang Lenks at kinuha yung box kay Riley. Kung ibang bata yun, malamang hindi nun ibibigay kasi gusto nila.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon