Babysit ~ Thirty Two

103K 954 69
                                    

Bumusina ako sa gate ng bahay namin at agad naman akong pinagbuksan ng isang katulong. Pagkapasok ko sa bahay dumiretso na ko sa dining room. Sigurado ako nandun sila mommy nag bi-breakfast.

"I'm home." Masigla kong bati sa kanila. Kung pwede lang ayaw kong ipaalam sa kanila na may problema ako.

Agad naman tumayo si mommy at ate Claire na tuwang tuwa. Si daddy naman nakangiting nakatingin sa pagdating ko. Niyakap ako ni mommy.

"I'm glad that finally... you're here with us." Madramang sabi ni mommy. Bineso ko na lang si ate.

"So... are you staying here for good?" Tanong ni ate. Nag aabang lang ng sagot si mommy at daddy. Kaya ngumiti lang ako. Pero I'm sure... mababahala sila sa ngiti ko.

"I hope so..." Sinasabi ko yun habang lumalapit ako kay daddy at niyakap ko siya. Hinahagod lang niya yung balikat ko na parang sinasabi niya na 'everything will be alright'. Parang any moment gusto kong umiyak at sabihin yung problema ko... pero ayoko. Ayokong mabahala sila. Baka sisihin nila ang sarili nila... lalo na si daddy. Kagagaling lang niya sa hospital. Buti na lang nga nag decide sila na mag pa second opinion sa St. Luke's. Para dun na lang siya maga-undergo ng mga tests kasi mas malapit naman yun kaysa sa Alabang pa. Ayaw din kasi ni daddy na mag re-rent pa ng bahay kung meron naman daw kaming sariling bahay.

"Ang mabuti pa sumabay ka na samin mag breakfast." Sabi ni mommy at naupo na kami.

"Naku Maria!! Bumalik ka na nga!" Napatingin ako sa tumawag sakin...

"Mameng Aida!" Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap.

"Naku ikaw talagang bata ka." Namiss ko si Mameng Aida! Siya kasi ang nag alaga sakin nung bata pa ko hanggang sa paglaki ko. Love na love siya. Kasi siya na ang naging second mother ko. Matanda lang siya kay daddy ng eight years. Sabi nga ni daddy dalaga pa lang si Mameng Aida namamasukan na sa kanila. Ayan at hindi na nga nakapag asawa sa sobrang loyal samin.

Pagkatapos naming kumaen nauna na kong umakyat sa kwarto ko. Ganun pa din. Napalitan lang yung bedsheet at kurtina ko. Pero malinis. Hindi katulad nung umalis ako... nagkalat ang mga damit ko sa sahig sa pagmamadaling makalayas. Na-miss ko din tong kwarto ko. Almost a year na nabakante to. Humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan.

Sa hindi malaman na kadahilanan bigla na lang akong humagulgol. Nanunumbalik nanaman ang sakit. Ang sakit na itinamin niya sa puso at isip ko. Ang sakit na wala naman gamot. Buti pa ang ketong nalulunasan kahit papaano. Pero itong sakit na nararamdaman ko... hindi ko alam kung may lunas ba.

I miss Riley. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Binasa ko ang new message sa cellphone ko... galing kay Nina. Siya pa lang ang nakakaalam na nagpalit ako ng number. Kahapon kasi nung pumasok siya sa work niya... pinabili ko siya ng bagong sim. Ayaw ko ng magkaroon ng contact kay Hanzen. Gusto ko ng makalimot. Gusto ko siyang makalimutan.

'Kia... nagpunta dito si Hanzen kanina. Buti hindi kayo nagpang abot. Nagmamakaawa siya na sabihin ko sa kanya kung nasan ka. Nagpunta daw kasi siya ng hospital. Wala na daw dun si Tito Monchi. Buti nga umalis na siya. Kasi kinakabahan ako eh.... at naaawa. Halatang puyat na puyat siya.'

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon