Dalawang araw din akong na-admit sa hospital. Para daw makasigurado na ligtas kami ng baby ko. Dalawang araw ko ding hindi pinapansin si Hanzen. Kahit na napapansin yun ng parents niya at ni Hannah, hindi na sila nagsasalita pa.
"Uuwi na sila mommy at daddy bukas."
"Talaga? Okay na daw ba si daddy? Kamusta na sila?"
"Naka-recover na si daddy. Okay na siya."
"A-alam ba nilang na-hospital ako?"
"Hindi ko pa nasasabi."
"Wag na ate... please? Ayoko ng magalala pa sila. Sasama na ko sa'yo mamaya, iuwi mo na ko sa bahay. Gusto kong makasama sila mommy at daddy."
"Pero Cia--" Naputol ang sasabihin ni ate ng may pumasok sa kwarto.
"Hija. How are you?" Si Mommy Mandy pala.
"I'm fine, Mommy Mandy." Gumilid si Ate Claire at hinarap si Mommy Mandy.
"Good afternoon." Matipid na sabi ni Ate kay Mommy Mandy. Tinanguhan lang siya at nginitian.
"Ahm, Mommy Mandy, kapatid ko po, si Ate Claire. Ate si Mommy Mandy, mommy ni Hanzen."
"Claire Elizalde, ma'am." Iniabot ni ate ang kamay niya.
"Elizalde?"
"Are you, ladies, related to Monchito Elizalde?" Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Ate Claire, nagkibit balikat na lang ako.
"He's our father."
"Oh! goodness." Pumasok si Hanzen sa kwarto ng may dala dalang mga prutas. Kaya binalingan siya ni Mommy Mandy. "Hanzen!! Bakit hindi mo sinabi na Elizalde pala itong si Ciara."
"Hindi niyo naman naitanong. D'you know them?"