Pag kagising ko, wala na si Hanzen sa tabi ko. Hayy! Panibagong araw nanaman. Nakadalaw na kami kahapon kay daddy. Okay naman na siya. Pero, hindi pa siya pwedeng kausapin ng matagal. He need a rest. Anu kayang pakiramdam na ibang puso ang nasa katawan mo? Tinanong ko nga yun kay daddy eh.
"Dad, how does it feel na ibang puso ang tumitibok sa katawan mo? Puso ng iba? Do you still feel the same way?"
"Alam mo, Kia. Hindi naman mahalaga kung kaninong puso ang nasa dibdib mo. Isip ang pinakamahalaga. Ang puso, napapalitan yan. Kaya sampung beses mong palitan yan, hindi nyan maaapektuhan ang mga nararamdaman mo. Ang pag mamahal mo sa pamilya, kaibigan, at karelasyon mo. Isip ang nagdidikta, anak. Hindi ang puso. Isip ang nag uutos ng mga nararamdaman mo. Kaya wag kang matatakot na masaktan at isipin ang mga tao sa paligid mo. Isipin mo ang mga taong mahal mo. Wag mo silang pakiramdaman, Ciara, dahil minsan nagkakamali tayo sa ating nararamdaman. Gamitin mo ang instinct mo."
Nung una, naguluhan talaga ko sa sagot ni daddy. Ang layo kasi sa tanong ko eh. Lalo na dun sa huli niyang sinabi. Gamitin ang instinct? So utak ang gagamitin ko?
Ngayon lang nag si-sink in sa utak ko lahat ng sinabi niya. Dahil ngayon, iba talaga ang nararamdaman ko sa babaeng ito. Hindi nararamdaman ng puso ko, kundi ng UTAK KO!! Dahil sabi ng utak ko, talagang etong babaeng ito ay makati pa sa talakitok na punong puno ng higad.
Hala! Sige, landi pa. Letse ka. Pano ba naman kasi, sobrang iksi ng short. Aba, akala ko nga meron ng maong na panty eh. Panay pa ang yuko, talagang pinapakita yung hiwa sa dibdib niya. Juskoo, akala ko nga nalipat na ang puwet niya sa dibdib niya.
Sige, given na nga na malaki ang hinaharap niya. Pero anu ba naman yun, malaki din naman yung sakin. Pero HUMBLE lang ako. HUMBLE!!
Naka leggings nga lang ako at sa sando na hanggang kalahati ng legs ko. Tapus siya, naka tube lang at maong na panty? Anung palagay niya sa bahay ni Hanzen? Beer house? Yung may gumigiling sa stage habang nag i-strip tease? Bakit pa siya nag damit kung ganun ang balak niya.
Pasukin sana siya ng pinaka masamang hangin sa buong mundo. Hanggang sa kabagin siya at mautot na parang isang napakaduming basura ang kinain niya.
"Hanzen, Reese! Nag bake ako ng cake. Bumili pa ko ng mga cook book para maipag bake ko kayo." Aba, ang impakta! May balak pang maging chef? Eh bakit hindi na lang siya mag apply na katulong. Nakakainis.
"Baby, sweetie, I made sandwiches for us. Hindi ako bumili ng cook book or what-so-ever. Kasi I cook and made love." Okay, mwahahaha!! Triple double meaning yun. Kung na gets niyo. Iniusod ko papuntang harapan ni Xienna yung tray na may cake niya at ipinatong yung tray sa harapan nila Hanzen.
"Chicken sandwich?" Tanong ni Xienna.
"Yeah. You want some?" Napangiwi siya nung kinuha na ni Hanzen yung sandwich sa tray. Si Reese naman kumakaen na.
"Hanzen you don't have to eat that. Allergic ka sa chicken." Natigilan ako sa sinabi ni Xienna. Totoo bang may allergy si Hanzen sa chicken? Bakit hindi ko alam yun? Napatitig ako kay Hanzen na naka tingin na din sakin, at natigil ang kamay niya sa ere na may hawak na sandwich.
Natauhan ako, kaya bigla kong hinablot yung sandwich sa kamay niya. Kinagatan ko yun at tumalikod. Napansin kong tatayo din siya, para sundan ako. Pero pinatigil ko siya at sinenyasan na maupo na lang ulit. Nag diretso na lang ako sa kitchen.
Damn! Damn! Damn! Sa sobrang inis ko, naubos ko lahat ng sandwich na iniwan ko sa may counter. Inubos ko talaga lahat yun. As in LAHAT!!!!! Hindi ko pa naranasan na maging mukhang TANGA!! Ngayon pa lang!!!! At naiiinis talaga ako!!!! I've never been so stupid!!!! GRRR!!!