Babysit ~ Forty Nine

90.3K 901 21
                                    

"Okay ka lang ba, Ciara? Kanina ka pang tulala simula nung nag grocery tayo."

 

"Yung USB... Nina kailangan kong mahanap yung USB."

 

"Anong USB ba yang pinagsasasabi mo? Bili na lang tayo sa cd-r king, kung gusto mo."

 

"Mahalaga yun Nina. Mahalaga yung laman nun... gusto kong malaman ang lahat."

"Huh?"

Ikinwento ko lahat lahat kay Nina, simula nung nagkaayos kami ni Hanzen, sa araw araw na paglilihi ko sa kanya, sa pagtira ko sa bahay nila, pagkakaayos namin ni Hannah, sa pagdating ng parents niya na sa una ay tutol pa sakin si Mommy Mandy. Ang pag mo-mall namin sa MOA na dapat sa ATC, ang pagkita ko kay Hanzen kasama si Xienna at niyakap pa siya... at ang pagsunod ko sa kanila sa MOA at nagyakapan ulit sila, hindi lang yun... pati na rin ang sa tingin ko na buntis si Xienna at si Hanzen ang ama. Pati na rin nung sinugod ko sila at na-hospital ako dahil dun, yung pag abot sakin ng nurse ng USB at ang pagbalik ko sa bahay namin. Ikinwento ko na din sa kanya yung paglapit sakin kanina ni Xienna.

"Buti walang nangyari diyan sa inaanak ko, kung hindi, ako mismo ang susugod diyan kay Xienna. Naku! Dapat talaga hindi ko na siya inilapit pa kay Hanzen."

"Inilapit?"

 

"H-ha? Ahm... w-wala!"

"Nina paanong inilapit? Ikaw ba ang dahilan kung bakit nagkita si Xienna at si Hanzen? Ano?" Ipinark ni Nina ang kotse sa gilid ng kalsada.

"Eh kasi naman Ciara... nagkita kami ni Xienna sa isang coffee shop. Nagulat nga ako nung nandun siya eh, hindi ko naman alam nandun siya. Nagmakaawa siya sakin na tulungan siya na makausap si Hanzen. Hindi naman talaga ako papayag kung hindi lang niya sinabi na gusto lang niyang itama laht ng kasalanan niya. Sorry Ciara. Hindi ko alam na ganyan pa pala ang mangyayari."

 

"Nina naman. Dapat di ka naniwala dun."

"Gusto ko lang naman sanang makatulong eh."

 

"Nakasama pa..."

"Sorry na bestfriend. Hindi din naman alam ni Hanzen na si Xienna ang makakaharap niya, kasi nakipagkita ako kay Hanzen sa MOA. Tapus di niya alam na nandun si Xienna. Sorry na oh!" Damn! I'm so stupid.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon