ADNP #23

9.7K 66 8
                                    

September 5, 2015

Dear Diary

Nangako si James na pupunta dito sa Pilipinas. Gusto niya akong tulungan kaya habang sinusulat ko to sa phone ko. Napapaiyak ako. Pero inis parin ako kay Mayla. Hindi naman ako inis sa ibang kaibigan ko dahil wala silang kasalanan. Plano kong bumalik sa club para magpaalam man lang. Nanghihinayang ako sa mga bago kong kaibigan na sila Don and company. Sila yung mga rumespeto sakin bilang ako at hindi bilang pokpok. But nung nalaman na nila ang lahat, nanghinayang talaga ako. Sana totoo ang mga sinasabi ni James.

Sa tingin ko, hindi niya ako niloloko dahil halatang sincere siya. Nag-usap kami cam to cam. Minahal na daw niya ako. Matagal na daw siyang naghahanap ng Pinay kaya natagpuan na niya ako. Siguro, nung una kaya galit na galit siya kasi niloko ko siya. But ngayon ko napatunayan na kaya ang OA niya dahil hindi siya makapaniwala. Akala ko pa nga, mawawalan na siya ng gana sakin nung ayoko nang maghubad sa cam. Pero hindi siya nagsawang magchat sakin. Doon pa lang, dapat napatunayan kong mahal niya nga ako. Kaya sobra siguro siyang nagalit dahil nasaktan siya. Buti na lang at naintindihan niya ang kalagayan ko.

Lalo kong minahal si James. Bukas, pupunta ako ng club. Mabait naman ako kaya kahit galit ako kay Mayla, yayakapin ko siya pero sana man lang, wala siyang tinatagong galit sakin dahil hindi niya napagtagumpayan na paghiwalayin kami ni James. Kung galit siya sakin dahil sinaktan ko siya, matatanggap kong hindi niya ako pansinin. But ang kinaiinis ko, bakit inggit na inggit siya sakin? Dahil ba hindi siya makakuha ng magmamahal sa kaniya? Naiintindihan ko naman siya eh. Kaso, buti na lang hindi siya magtagumpay.

Bukas na dadating ang padala ni James. Bibigyan niya ako ng 800 dollar para panggastos. Tapos pupunta siya dito para dalhin ako sa America. Ang saya ko talaga. Salamat sa Diyos dahil hindi niya ako hinayaan na magtagal sa trabaho ko. Akala ko, hindi na didinggin ang dasal ko. Mag aadvice ako kila Rita na humiling sa Diyos para matupad na ang gusto nila.

Nagmamahal...

Angel

Ang Diary Ng PokpokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon