ADNP #25

9.4K 74 6
                                    

December 1, 2015

Inis na inis ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin at hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa gagawin ko. Bigla kong naalala si Mayla.

Lahat ng masasayang ala ala at mga kagagahan niya minsan. Imbes mapangiti ako, tumulo ang luha ko. Sobrang laki ng pagkakamali ko. Si Mayla ay magpagka martyr. Minsan pag may mga tao na minamaliit siya, okay lang sa kaniya. Kahit laitin siya, okay lang sa kaniya. Kahit sabihan siya ng masasakit na salita, okay lang sa kaniya. Kaya naisip kong sobrang tanga niya. Binabaliwala niya ang lahat.

Pero...

Pero...

Laking pasasalamat ko at ganun siya dahil ngayon, alam kong kahit sinaktan ko siya, okay lang sa kaniya. Bakit ko ba siya pinagbintangan kaagad? Hindi ko naisip na hindi lang siya ang nakakaalam na may boyfriend akong Kano. At higit sa lahat, nakalimutan ko na tanga siya, ang taong tatanga-tanga, hindi maiisip na siraan ka dahil tanga nga siya diba? Ang tanga tanga ko. Akala ko, matalino ako kahit ganito ang trabaho ko.

Paano ko makakausap si Mayla. Alam kong may galit sakin ang dalawa pa naming kasama. Si Rosana at Rita. Hindi ko na kinaya, tatanggapin ko kung ano na lang ang sabihin ng dalawang yun, basta magcoconfess ako sa nararamdaman ko.

Ang sama sama ko...

Pero wala pa ako sa club ay nasalubong ko si Rita.

"Rita!" tawag ko at napansin niya ako sa daan.

"Dis oras ng gabi, ano ang ginagawa mo dito?"

"Gusto ko kayong makausap."

"Si Mayla, maagang umuwi eh. Bakit ba?" parang walang nangyari. Hindi halatang may hinanakit sila sakin. Kahit mas matagal na nilang kilala si Mayla ay alam kong hindi nila ito kinampian. Pero alam kong na kay Mayla ang simpatya nila.

Pero gusto kong makausap si Mayla.

"Pupuntahan ko siya sa kanila."

"Bakit ba?"

"Saka ko ipapaliwanag. Kailangan ko siyang makausap."

"Angel, kung ano man ang nagawa ni Mayla, kami na ang humihingi ng dispensa!"

Bakit niya nasabi yun? Hindi ba sinabi ni Mayla na wala siyang kasalanan gaya ng paulit ulit na naririnig ko sa kaniya?

"Alam mo kasi Rita, may importante kayong dapat malaman eh. Ang totoo, walang kasalanan si Mayla."

"Hah? Kasi Angel, akala namin ni Osang, nagsisinungaling siya." niyakap ko si Rita.

"Maraming salamat at kahit papaano, wala kayong kinakampian. Pero totoo ang sinasabi niya. Kailangan ko siyang makausap." bigla akong pumara ng tricycle.

Sumakay ako. "Ingat ka. Tatawagan ko si Mayla kasi hindi ako sure kung umuwi siya."

Napatigil ako saglit. "Ah sige. Pupuntahan ko. Tawagan mo ah."

Umandar ang tricycle. Sana umuwi nga si Mayla. Pero wala siya sa bahay nila. Nagtext sakin si Rita. Sinabi niya ang lahat kay Mayla ng pinagusapan namin kaya hintayin ko na lang daw.

Matapos ang 30 minutes ay dumating si Mayla.

"Mayla?" sabi ko agad at niyakap ko siya.

"Akala ko kasi galit ka sakin eh."

"Hindi, I'm sorry Mayla. Alam ko na ang lahat."

"Masamang masama ang loob ko sa nangyari kaya tinamad akong magtrabaho. Nagpunta ako sa iba kong katropa para kalimutan ang lahat. Hindi talaga ako umuwi."

Nag-iyakan lang kami saglit. Sinabi ko ang lahat sa kaniya at natuwa siya. Mahal niya ako bilang kaibigan at ni isang sama ng loob niya sakin ay wala nang natira. Iba pala talaga pag ang tao ay may pagkatanga. Sa ibang tao yan baka hindi na ako kausapin forever sa ginawa ko. Pero si Mayla, mabait siya. Pinatawad na niya ako kahit hindi pa ako humihingi ng tawad.

"Kailangan ko nang umalis." sabi ko dahil maaga pa ang alis ko papuntang probinsya.

"Mamimiss kita Angel."

"Wag kang mag alala Mayla, gagawin ko ang lahat para tulungan ka. Kayo nila Rita. Iaalis ko kayo sa impyernong lugar. Gagawa ako ng paraan." hinawakan ko ang kamay niya. "Magdasal ka. Magdadasal din ako. Humihingi ako ng tawad sa inyo. Pangako ko, pag kinasal kami ni James o tinupad niya ang lahat ng pangako niya, tutulungan ko kayo."

Niyakap niya ako at umiyak kami pareho.


Ang Diary Ng PokpokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon