ADNP #12

17.1K 90 3
                                    

Alas diyes ng umaga ako nagising. Naisipan kong sa mall uli mag lunch. Minsan lang naman eh. Kinagulat ko nang magkita kami ni Don. Kasama niya 'yung mga tropa niya.

"Hi!" bati niya at natandaan ko agad siya.

"Hello!" nginitian ko siya.

"Guys, siya nga pala si Angel." pinakilala niya ako sa mga kasama niya. "Angel, mga ka officemate ko." sabi niya uli.

Hiyang hiya ako pero hindi ko dapat ipakita sa kanila. Hindi nila ako kilala kaya wala namang masama. Sa itsura palang nila, wala na silang hilig sa beer house kaya okay lang.

"Nice to meet you!" sabi ko at ngumiti silang lahat.

Iba ang pakiramdam pag may kasama kang mga gumagalang sayo. Hinding hindi ko ipagtatapat kung sino talaga ako.

"Saan ang lakad mo?!" tanong ni Don.

"Maglulunch ako."

"Sa mall pa ah."

Nagulat naman ako. Sa itsura nila, halatang kahit sila, kaya nilang mag lunch sa dito sa mall.

"Minsan lang naman."

"Ano ba ang work mo?!"

Patay tayo diyan!

"Ah wala pa akong work."

"Naghahanap ka?"

"Hindi pa sa ngayon."

"Ah, oh, ah, oh well, how do you do? May pinaglilibangan kaba?"

"Ah wala. Basta!" sana naman wag na siya magtanong. Sabagay, wala naman sa itsura ko na sa club ako magtatrabaho.

"Sumabay kana samin, breaktime namin ngayon eh."

"Ah, kasi--"

"Sige na." sabi nung isa na mukhang chickboy. Halata na gustong dumiskarte.

Ililibre ba nila ako?

"Sige, bahala kayo."

Nakakahiya pero wala akong gastos. Kinuha nila yung number ko. Tropa ko na sila. Sila yung tipong, pag nalaman nila ang trabaho ko, sobrang nakakahiya talaga. Gusto ko nalang umiwas pero gusto kong maranasang galangin ng katulad nila.

***

Dear Diary

Masaya ang araw ko ngayon. Katext ko sila Don. Iba ang pakiramdam ng may tropa kang kagaya nila. May nameet na naman akong tulad nila Don at mga babae sila, diba nga, sila yung pinangregalo ako sa birthday boy. Pero alam na nila ang katayuan ko. Open ako sa kanila di katulad nila Don.

Hindi ko nakachat ngayon si James. Nag iwan lang siya ng message sakin. Namiss ko siya. Kung mawawala si James, parang ayoko nang bilhin yung laptop. Ewan ko ba. Nainlove na yata ako sa kaniya. Pogi kasi siya. Sana bukas makachat ko siya.

Yung costumer ko kanina nakakainis. Pero okay lang kahit bitin ako. Nagbayad naman siya at mabait. Tinuloy ko nalang sa cr yung bitin ko para makatulog ako hihi! Sabi ng costumer ko, iniwan daw siya ng asawa niya. Hindi na ako magtataka. Gusto kong mag advice sa kaniya pero baka masamain niya pa. Bukas uli.

Angel

Ang Diary Ng PokpokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon