June 14, 2015
"Paki sabi sa mga yan, mayayabang sila! Sila na ang lalake sila pa ang maarte?" sabi sakin ni Amanda ng tawagan niya ako.
"Pasensya na Amanda, baka naman mga busy lang. Meron silang career."
"Hindi Angel, ramdam ko feeling nila may gusto kami sa kanila. Akala naman nila maghahabol kami porke gwapo yang Don na yan!!"
Aray.
"Amanda, i'm sorry."
"Hindi mo kasalanan!!"
Ako ang nahihiya. Akala ko magiging maganda ang pagtatagpo nila.
***
Dear Diary
Nakakainis na araw ah. Hindi naman daw maaarte sila Amanda. Ayaw lang talaga nila Don sa mga sossy girls. Buti naman dahil ramdam kong gusto ni Amanda si Don. Magseselos siguro ako hihi! Naiinis ako kay Myla, pinakitaan din ng hubad niyang katawan si James. Syempre dapat ako lang diba? Buti nalang pag alis niya, sabi ni James. "When I started to meet you. I really don't need an other girl. For me, you are the most beautiful." Buti naman kasi natatakot akong maagaw si James ng iba.Angel
PS: Nagtext si Amanda? Ano kaya ang pakay niya?
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Pokpok
ChickLitDiary Ng Pokpok. Lahat ng nangyayari sa kaniya araw araw ay nakasulat sa Diary niya. Walang lihim. ^_^ Rated SPG