ADNP #28

13.5K 131 30
                                    

February 14, 2016  

Dear Diary 

Tapos na ang mga araw ng paghihirap. Maraming salamat dahil isa ako na nabiyayaan ng swerte sa mundo. Hindi ko ito papabayaan dahil hindi lang para sakin ang swerteng ito. Para 'to sa mga nangangailangan ng tulong ko. Una ay ang pamilya ko, pangalawa ang kaibigan, pangatlo ay ang tumulong sakin na dapat sana ay kawaaway ko. Siya ang nagturo sakin na mabigyan ako ng pag-asa na umasenso. Siya din ang muntik nang magpabagsak sakin. Syempre isa sa mga gusto kong tulungan ay si Don. Kamusta na kaya siya? Ang bait niya. Higit sa lahat, babawi ako sa kabaitan ni Mayla. Siya ang inakala kong kaaway. Pero wala siyang alam sa mundo kundi ang sumunod sa agos. Nakakaawa siya dahil wala siyang masyadong alam. Tulong ang kailangan niya. At ako nga ang magbibigay noon.

Ngayon dala ko ang maliit kong bag. Maliit lang kasi ayaw ni James magdala ako ng marami. Doon na daw kami sa bansa nila bibili ng mga damit ko.

Limapit sakin si ate. "Pasensya na ah."

"Bakit ate?"

"Wala. Sana maging masaya ka." napatingin lang ako sa kaniya.

"Mamimiss kita." ngumiti siya at niyakap niya ako.

"Ngayon ko lang ilalabas ito. Nakalimutan na kita dahil sa hirap ng buhay. Ang naalala ko lang sayo ay ang tulong mo dahil mas may pag-asa ka kesa sakin. Maaga akong nag-asawa kaya walang pumasok sa isip ko kundi ang natatanging pag-asa na ikaw. Ngayon may iniwang pera si James samin at nangakong magpapadala buwan buwan... Saka ko naalala yung mga pinagdaanan natin. Kinakarga kita noon. Ayokong madudumihan ka. Mahal kita Angel. Sana hindi mo ako napag-isipan ng iba. Ngayong tapos na ang problema natin. Saka kita naalala. noong umalis ka papuntang Maynila.. ni hindi ko inisip na malalayo ka sakin. Ang inisip ko ay ang perang ipapadala mo dahil magtatrabaho ka. Ngayong wala na akong ibang iniisip, saka ako nalungkot dahil aalis ka na." habang nagsasalita si ate. Umiiyak na ako. Hindi ko inisip na pag-isipan siya ng iba. Mahal ko siya dahil ate ko siya.

"Ate, hindi ko din inisip noon ang paghihiwalay natin. Dahil mamamatay tayo sa gutom. Pero ngayong maghihiwalay tayo, saka ko naisip na mas masaya kung kumpleto tayo. Mag-asawa na kami ni James. Pero hindi pwedeng tumira dito si James dahil bukod sa may trabaho siya, may negosyo siyang iniwan sa America. Nangako naman siya na taon taon uuwi kami pag may oras. Wag na kayong mag-alala pa. Araw araw ko kayong kakamustahin para hindi ko madama na wala kayo sa tabi ko."

Niyakap niya ako. Hindi na importante ngayong ang nakaraan o ang paghihiwalay. Ang importante ay pagmamahalan at ang paglagay sa tahimik. At ang isa pang mahalaga, hindi na problema ang pera. Nakasakay kami ngayon sa taxi dahil papunta na kami ni James sa airport.

"Are you excited? I know you were missing your Family." sabi niya habang nasa byahe kami. Pero ang nasaisip ko ay ang mga taon na nasayang. Ang mga panahon na puro away at hirap imbes puro pagmamahalan. Hindi naman mahalaga ang pera eh. Ang mahalaga lang yung kasama mo ang pamilya mo.

"Yeah, I'm going to feel homesick when we will go to America."

"You will feel that but bit by bit, you will be happy I'm very sure. Your family, they know you need to go with me. I'm your husband already."

"I know James. I love you that's why I go with you. I don't want to stay away with you. You're my hero."

"I'm not a hero. I'm only a man who needs somebody to love me. And she was you. If I'm a hero, what are you, do you think?"

"I'm a person who to need help." tumawa ako.

"No, you're heroine. A girl superman. You're my life now and forever." may forever kami ni James.

Habang naghihintay kami ay tumawag si Don.

"Aalis ka na? Buti nakahabol pa ako."

"Oo, bakit napatawag ka? Para magpaalam?"

"Maybe pero may ipagtatapat ako sayo."

"Ano naman yun?"

"Gusto kita. Handa kong kalimutan ang nakaraan mo pero mukhang huli na ang lahat. Akala ko nang oras na malaman kong sa club ka nagtatrabaho, hindi na kita gusto. Gusto na kasi kita noong una palang. Pero nasaktan ako dahil naawa ako sayo. Panatag na ako ngayon dahil nahanap mo na ang taong magmamahal sayo. Ligtas ka na. Pero nanghihinayang ako dahil minsan lang ako magmahal. Hindi ko alam kung kailan uli titibok ang puso ko."

Nakasakay kami sa eroplano. Umiiyak ako. Naalala ko si Don. Hindi siya ang lalaki para sakin. Taga Maynila siya. Sa probinsya, walang alam ang mga tao doon. Pero hindi siya pwede sa lugar namin dahil walang pera doon. Malalagay lang siya sa kahihiyan. Mas maigi nang hindi kami ang nagkatuluyan. Si James ang lalaki para sakin dahil iba ang bansa niya. Wala akong kahihiyang ibibigay sa kaniya. Nalungkot ako dahil gusto ko din si Don. Pero dahil kay James, madali ko siyang makakalimutan.

Ngayon na nakatapak na ako sa America. Tumingin ako sa paligid. Hindi ako ngumingiti. Pero excited na akong mabuhay dito.

"Are you feeling well?" tanong ni James. Naalala ko na matamlay ako.

"I'm okay my love. I just remember my family."

"We'll talk to them on skype. Everyday you'll see them. You get to take yourself well. You don't have to worry." hinalikan niya ako sa noo. Naglakad kami. Parang Pilipinas din pala dito. Magkakaiba lang ng kulay at salitan.

Nakakita ako ng kabataan na may kargang bata? Anak nila? Hindi, pamangkin. Halata na wala pa silang anak. Tawa sila ng tawa. Bagay na hindi ko nagawa noon. Puro kasi kami problema kaya hindi ko naalagaan maigi ang mga pamangkin ko. Yung saya nang pang ordinaryong tao ay hindi ko naranasan kaya lahat ng kailangan kong gawin ay gagawin ko ngayon. Ang mga pamangkin ko na sanay kalaro ko noon na hindi ko nagawa ay gagawin ko balang araw. Ngayon alam ko na kung bakit may sinasabi silang tumatandang paurong. Dahil kung kailang matanda na saka pa nila ginawa ang hindi na dapat nila ginagawa. Dahil kung nagawa na nila yun noon ay hindi na nila gagawin ngayon.

Tapos na ang unang yugto ng buhay ko. Makikipag sapalaran ako ngayon sa panibagong kabanata.

The End.

HAPPY VALENTINE'S DAY

Ang Diary Ng PokpokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon