Luke's POV
"Diba I told you na wag kang magtatatakbo? Baka sumpungin ka na naman ng asthma mo..", sabi ko kay Melody after magamot ng nurse ung sugat nya.
"I'm sorry big bro.." Niyakap naman nya ko..
"Basta next time ha.. Hindi naman galit si big bro sayo eh.." Nginitian ko sya..
"Talaga big bro?" Bigla namang sumigla ang itsura nya. "Buy mo ko ng ice cream big bro! I want ice cream!"
"Ice cream? Wala namang ice cream dito sa school eh.."
"Edi sa labas.. Sige na big bro..", pagpupumilit nya.
"Kay Yaya Ning ka nalang magpabili mamaya. Kasi hindi ako pwedeng lumabas ng school eh. Sorry lil sis.." Nagpout naman sya. Pinisil ko nalang ang pisngi nya.. "Sige na, labas na tayo dito sa clinic. Baka andyan na si yaya para sunduin ka.." Hinawakan ko na ang kamay ni Melody. Lumingon naman ako kay Maxine.
"Okay ka lang ba?", tanong ko sa kanya.
Umiling siya na parang wala sa sarili. "Sa tingin mo magiging okay ako kung basta nalang akong kinaladkad dito ng taong may galit sakin tapos bigla biglang sasabihin na gusto nya kasi akong makilala pa nang husto?"
"Tsss.. wala naman akong galit sayo noh.."
"Ikaw pala ang dapat tanungin ng 'okay ka lang ba' eh.. May nakain ka bang kakaiba?"
"Haha! Ayos ka naman pala eh." Nagtaka sya sa sinabi ko at mukhang naguluhan.. "Wala..wala.."
Lumabas na kami ng clinic. Andun na nga ang yaya ni Melody..
"Bye big bro! Bye din po Ate Maxine!" Nagwave na siya samin at sumakay na ng kotse. Naiwan na kaming dalawa ni Maxine. Naglakad lakad na uli kami..
SILENCE..
Maya-maya nagsalita din sya. "Bakit naman bigla kang naging mabait sakin?"
"Ah... basta.. Eh kasi nga diba I want to know you more."
"Ganda ng sagot mo ah!", she said sarcastically. "Alam mo, hindi halata sayo na may kapatid ka palang mas bata.. Para ka kasing spoiled eh."
"Ako? spoiled? Medyo lang." Napangiti naman sya sa sinabi ko.. "Ikaw, may kapatid ka ba?"
"Oo.. Kuya. Dalawa lang kaming magkapatid.."
BINABASA MO ANG
One Wrong Sent Message (COMPLETE)
Teen FictionPosible bang magkaroon ng bagong love story dahil sa isang wrong sent message? Well, dito sa wattpad oo.. She is a transferee student in West Cambridge Academy. Nagtransfer siya dun because she has a mission. Akala niya magiging okay ang buhay niya...