CHAPTER 19: A Day with Him

1.5K 19 2
                                    

Maxine's POV

"C-Christian?"

"B-bakit nandito ka?", tanong ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin dahil nakatingin pa rin sya kay Vhia. Binitawan na nya ung kamay ni Vhia at tumingin sakin. Kitang-kita sa mga mata nya na concern sya.

"Don't tell me na kinakampihan mo na ngayon yang babaeng yan!", sabi ni Vhia kay Christian.

"Pano pag sinabi ko nga?!" O_________O Napatingin ako bigla kay Christian. I-ibig sabihin ako nga kinakampihan nya?

"W-what?", gulat na tanong ni Vhia.

"Gusto mong ulitin ko? Pano pag sinabi ko nga na sya ang kinakampihan ko? Sorry Vhia pero wala naman tayong relasyon, kaya itigil mo na yang pag-arte mo na parang girlfriend kita. Please Vhia, stop this." Hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi ni Christian. Naalala ko ung kasama nyang girl dati (Chapter 13).. Dahil ba yun ung girlfriend nya? Pero hindi ko na uli nakita ung girl na un..

Hindi na rin nakapagsalita si Vhia dahil tumulo nalang ang luha niya. Kinuha nya ung bag nya at lumabas na ng room dala-dala ung librong ginamit nya pati ung questionnaire.

"I-ikaw ba talaga yan Christian?" Natanong ko nalang bigla sa kanya.

"Ano ba namang tanong yan? Ay hindi.. hindi ako si Christian, ako tatay nya.." -___- Hmp! Si Christian nga talaga yan! Ang mahilig mambara!

"Eh kasi naman, pinagtanggol mo ko ngayon.. Kung hindi ka dumating baka namurder na ko, kaya...... thank you." Then I gave him my sincerest smile.

"Hindi kita pinagtanggol.. Hindi kasi tatama sa mukha mo ung sampal ni Vhia kaya bago pa sya mapahiya sayo, pinigilan ko na sya kaagad!" Psh! What an excuse! Idedeny nya pa eh kasasabi nya lang kanina na ako kinakampihan nya!

Naglakad na sya palabas nung room. Kinuha ko naman agad ung mga gamit ko pati ung kay Luke. "Wait lang hintayin mo naman ako!" Tumakbo na ko palabas ng room para maabutan ko  siya.

Christian's POV

Narinig ko na tumakbo sya para maabutan ako.

"Bakit nga pala nandito ka? Alam mo ba kung saan pumunta si Luke?", tanong nya nang maabutan nya ko. Pagtingin ko naman sa kanya, hirap na hirap dalin ung mga libro at kung anu-anong papel saka ung bag ni Luke.

"Akin na nga yan.." Kinuha ko ung bag ni Luke saka ung ilang libro. "Tumawag sakin si Luke. Biglaan daw siyang tinawagan ni Tita kasi inatake daw sa puso si Tito kaya pinapasunod siya sa Italy."

"What?! Sa Italy?! Anong oras sya aalis?"

"Hindi ko alam. Sabi nya sakin, tumatawag daw sya sayo pero hindi mo naman daw sinasagot kaya ako nalang ang tinawagan nya at pinapunta nya ko dito kasi andito ka daw."

"Ha?! Tumawag sya? Bakit di ko narinig ung phone ko?", sabi nya habang hinahalungkat ung bag nya at hinahanap ung phone nya. "Kaya naman pala eh! Nakasilent kasi..", sabi nya habang nakatingin sa phone nya. "Oo nga, 5 missed calls. Tatawagan ko nalang sya.." at nagdial na nga siya.

"Hello? Luke?"

"Maxine sorry! Hindi na ko nakabili ng pagkain! Andyan na ba si Christian?"

"Oo.. Bakit ka naman nagsosorry, eh emergency yun?"

"Diba gutom ka na? Kumain ka na kaagad! Yung bag ko nga pala, ibigay mo nalang kay Christian ah.. Tapos ung questionnaire ko, pakibigay nalang kay Mam.. Alam naman na nya.."

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon