Maxine's POV
"Bye ya! Alis na po ako!"
"Sige, mag-iingat ka!"
Nagpaalam na ko kay yaya. Lumabas na ko ng bahay at sumakay sa kotse.
Saturday na.. May pasok ako ngayon diba? Kasi may review kami para sa quiz bee.. kasama si Vhia. -__- Wala na nga atang pag-asa na maging nice sya eh! Wala naman kaming ginagawang masama ni Luke sa kanya! Nitong nakaraang araw kasi tuwing review time namin, kapag kakausapin namin sya ni Luke, dinededma nya lang kami, minsan din kapag may tinatanong kami, di kami makakuha ng maayos na sagot! Kaya di nalang namin sya kinakausap! Nakakainis lang eh! Palagi pang nang-iirap at minsan din lumalabas nalang sya ng room para makapagreview sa ibang lugar. That's better nga eh!
"Mang Lando sa school po.."
"May pasok po kayo ngayon, my lady?", tanong sakin ni Mang Lando.
"Ahh, opo. May review po ako ngayon para sa quiz bee."
Pinaandar na nya ung kotse. "Ganun po ba? Good luck po sa inyo my lady."
Tumango ako at nginitian ko sya.
♪♪ I threw a wish in the well
Don't ask me I'll never tell
I look to you as it fell
And now you're in my way
I trade my soul for a--- ♪♪
Biglang tumunog ung phone ko dahil may tumatawag. I answered it.
"Hello?"
"Maxine, susunduin na kita dyan sa bahay nyo. Sabay na tayong pumasok."
Si Luke pala yun..
"Eh on the way na ko sa school eh."
"Ah ganun ba?"
"Oo eh.."
"Sige kita nalang tayo sa school."
"Ok, bye!"
"Bye.."
*end of phone call*
Nilagay ko na sa bag ko ung phone ko. Maya maya, nakarating na kami sa school.
Bumaba na ko ng kotse at nagpaalam na kay Mang Lando. Sinabi ko na rin na tatawag nalang ako mamaya.
Pumasok na ko sa front gate. Grabe ang tahimik! Wala kasing ibang students eh!
Naglakad na ko papunta sa assigned room na binigay samin for reviewing. 4 hours everyday ang review namin. Musta naman yon!
Pagdating ko dun sa room, wala pa sila. Masyado ba kong maaga?
Naupo na ko at nilapag ang bag ko. Magsasoundtrip muna ako habang hinihintay sila. Nilabas ko na ung phone ko pero bigla akong natigilan nang may narinig ako.
"Awoooo..."
Tss! Ang liwaliwanag ngaun, nananakot?
"Awoooo..."
Kakaiba trip nya ah! Tumayo ako para silipin kung sino yun pero biglang sumarado yung pinto. Di na nakakatuwa ah!!
"WAH."
"Ahhhh!" Bigla akong napasigaw sa gulat. "Luke naman eh!" Pano ba naman kasi, sisilip ako dun sa bintana pero bigla syang dumungaw dun at nanggulat!
![](https://img.wattpad.com/cover/4484695-288-k483775.jpg)
BINABASA MO ANG
One Wrong Sent Message (COMPLETE)
Teen FictionPosible bang magkaroon ng bagong love story dahil sa isang wrong sent message? Well, dito sa wattpad oo.. She is a transferee student in West Cambridge Academy. Nagtransfer siya dun because she has a mission. Akala niya magiging okay ang buhay niya...