CHAPTER 29: Pag-iwas

1.2K 16 0
                                    

Maxine's POV  

"Thank you po..", sabi ko kay Mang Lando habang bumababa ng kotse.  

"Mag-iingat po kayo my lady." Nginitian ko lang siya, tapos pinaandar na niya yung kotse paalis.  

Si Mang Lando na uli ang maghahatid sundo sa akin. Pero kanina nung sasakay na ako ng kotse, naalala ko bigla si Christian nung pinupuntahan pa niya ako noon para sunduin at sabay kaming pumasok ng school.  

*SIGH* Kakausapin ko na siya ngayon.. Sana maniwala siya sa mga sasabihin ko.. Hindi na kasi kami nagkaroon ng oras kahapon na makapag-usap.  

Naglakad na ako papasok ng front gate at papuntang HS Building. Nakarating na ako sa harap ng room namin... at laking gulat ng mga classmates ko nang makita ako.  

"MAXINE!!", sabay-sabay nilang sigaw.  

Nakakaisang hakbang palang ako sa pinto ng room namin, niyakap na ako agad nila Roxanne at Den. Hindi pa nga pala kami nagkita kahapon.. Grabe namiss ko sila!  

"Ano bang nangyari sayo? Okay ka lang ba?" - Roxanne  

"Girl san ka nagpunta? Hirap na hirap kaming hanapin ka!" - Den  

"Magkwento ka naman! Bakit bigla bigla kang nawala?" - Roxanne  

"Oo nga! Saka bakit ngayon ka lang nagpakita?" - Den  

"Paano ako makakapagsalita eh sunud-sunod ang mga tanong niyo?"  

"Ay sorry.." - Roxanne  

"Kasi naman nagulat kami dahil ngayon ka lang nagpakita!" - Den  

"Kahapon pa ako nakauwi kaya lang nung dismissal time na yun kaya hindi ko na kayo nakita.." Kaunti palang kami dito sa room. Tiningnan ko kung nandito na sila Christian pero wala pa sila. Naupo na muna kami nila Roxanne.  

"Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam..." Napagdesisyunan ko na wag na munang sabihin sa kanila ang totoong nangyari sa akin. Kailangan ko munang makahanap ng ebidensya. "...kasi biglaan talaga. May nakausap kasi ako para hanapin yung sister ko.." Yun nalang ang naisip kong palusot sa kanila.  

"Eh nahanap mo ba siya?" - Roxanne  

"Ehh.. Hindi pa rin nga eh.. Basta hayaan niyo na ako.. Ako nang bahala dun, wag na kayong mag-alala.. Sorry talaga kung pinag-alala ko kayo dahil bigla akong nawala.." Naalala ko yung mission ko. Isa pa nga pala yun sa mga dapat kong gawin.. Ano ba yan! Patong patong na ang mga problema!  

"Okay lang yun, at least nakabalik ka na ngayon! Sana mahanap mo na yung sister mo..", sabi sa akin ni Den. Buti naniwala sila sa akin..  

"Edi ibig sabihin pala hindi totoo yung pictures?", biglang tanong ni Roxanne kay Den. Teka anong pictures?  

Napakunot ang noo ko. "Anong pictures?"  

"Kasi nung nawawala ka, may nagpadala kay Christian ng mga pictures niyo ni Luke na magkasama..", sabi ni Den. "Edi hindi pala totoo yun.. Naku sino naman kaya ang nagpadala nun!"  

P-pictures namin ni Luke?  

"A-ahh.." Yun lang ang nasabi ko dahil maraming tanong ang pumasok sa isip ko.  

Anong mga pictures yung tinutukoy nila? Saka saan naman nanggaling yun?  

Diba kay Christian daw pinadala? Baka naman nasa kanya pa.. Kailangan ko na talaga siyang makausap. Gusto kong makita kung anong mga picture yun..  

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon